Ilang araw na lang bago mag battle of the bands, kaya naman busy ang 5GG. Minsan na nga lang namin sila makita sa school kasi dumidiretso agad sila sa hideout e. Ganyan kasi yang mga yan, sobrang competitive at seryoso pag dating sa banda nila. Kaya hindi mo talaga sila maiistorbo o makakulit. Pero mapayapa naman ang buhay ko kasi walang Andre na monggoloid. Hahaha.
Mejo busy din ako sa org ko, ako kasi yung president ng Art club e. Kami yung nagaayos ng mga ilalagay sa stage for events, at ngayon kami yung gumagawa ng design para sa battle of the bands.
At si Amanda? Ayun minsan nangiinis pa din sakin, pero di ko nalang pinapansin e. Ayoko naman shang patulan. Bahala shang mainis magisa hahaha.
Andre: Hi.
Yoona: Oh bakit nandito ka Andre?? Nagulat naman ako sayo.
Mejo naexcite ako nung nakita ko si Andre, ang tagal na naming hindi nagkikita. Hindi naman kasi nagpupunta sa hideout dahil ayokong mangistorbo sa practice nila e.
Andre: Nagulat ka sa kagwapuhan ko? Haha alam ko namang nakakagulat tong pagiging gwapo ko eh.
Yoona: Ang kapal talaga ng mukha mo Andre. Dinaig mo pa dictionary sa kapal.
Andre: Hahaha joke lang ito naman. Nakita kasi kita, sakto pagbaba ko. Namimiss na kita eh.
Sus namimiss daw.. Neknek niya. Haha, pero sa totoo ako din namiss ko tong monggol na bipolar na to.
Yoona: Actually ako di-
Amanda: Hi Babe!!!
Kairita talaga tong babaeng to, ngayon na nga lang kami maguusap ni Andre tapos bigla shang susulpot. Panira talaga ng moment! Sigurado sinasadya nya to para hindi kami magkausap ni Andre.
Andre: Hi Amanda.
Amanda: Babe thank you nga pala sa paghatid kagabi ah, dahil sayo nakauwi ako ng safe.
What?? So magkasama si Andre at Amanda kagabi? Meaning nagkikita sila samantalang ako hindi man lang makausap o makamusta ni Andre?? Bakit ganun?!!? Biglang nainis ako, aalis na sana ako pero itong si Amanda hinila si Andre palayo.
Andre: Amanda ano ba wait lang nakita mong naguusap kami diba??
Amanda: Let's go na, tayo nalang magusap :)
Sa inis ko ako nalang yung umalis. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko, kung maiinis ba ako o maiiyak o magagalit. Kasi sa ngayon lahat ng yan nararamdaman ko. Ewan ko ba, bakit kasi si Amanda pa. Bakit sha pa!?
Vanessa: Okay ka lang ba friend? Nakita ko yun ah.. Lintek talaga yang Amanda na yan e. Gusto mo ba resbakan natin??
Yoona: No Vanessa.
Vanessa: Wag ka ng umiyak friend! I'm sure hindi pa naman si Andre at Amanda e.
Yoona: Psh ano ka ba, wala naman akong pakielam dun.
Vanessa: Eh bakit nageemote ka jan kung wala kang pakielam?
Yoona: Naiinis lang ako, alam mo naman na mortal enemy ko yang si Amanda tapos sha pa yung magiging girlfriend ni Andre.
Vanessa: Friend, yung totoo, dahil lang ba yun dun? Or nagseselos ka na? Mahal mo na ba?
Yoona: Ano ka ba hindi no. Kung ano anong iniisip mo.
Napaisip ako sa sinabi ni Vanessa, ako magseselos? Ewan, siguro, oo? Sanay lang siguro ako na ako yung babaeng kaibigan ni Andre. Ako yung kinukulit niya. Pero ngayon, dumating si Amanda, parang nawalan ako ng kwenta kay Andre. Lahat ng atensyon nakay Amanda na, nawala na ko. Naiinis lang ako kasi usually naman pag may practice sila Andre walang time yan para asikasuhin ang ibang bagay. Banda lang talaga ang focus niya. Minsan nga hindi na yan umuuwi para magpractice. Pero nagawa niyang bigyan ng oras si Amanda? Naihatid niya pa sakanila. Eh ni isang reply sa mga text ko wala. Nagtext kaya ako ng "goodmorning" sakanya! Nakakainis diba?
BINABASA MO ANG
The Lucky Queen
RomanceHe is arrogant yet so sweet, he sounds like he doesn't care but he is the most gentleman I know, he is bipolar yet he cares, he means a lot to me because he is my childhood friend but most of all he's a BIG BIG JERK. And he is Andre. He is so sweet...