Chapter Seven
Pinark niya ang kotse sa underground parking lot ng restaurant na pagmamay-ari ni Joemar. Kinuha niya ang drawing book at bumaba siya sa kanyang kotse suot ang kanyang stiletto at mahabang silk gown na sumasabay sa banayad niyang pagkilos. Bago tuluyang makababa ay nagawa niya pang sipatin ang kanyang sarili sa compact mirror. Light makeup lamang ang nilagay niya sa mukha niya, pero makikita ang pagiging mapangtuksong mukha niya. pero makikita ang pagiging daring itsura niya. Banayad silang naaglaakad papasok ng mamahaling restaurant na iyon. Halos lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Pati narin ang mga babaeng mas daring pa sa kanya ang suot ay napatingin din sa kanya. At naroon ang kakaibang inggit sa mga mata nila. Paghanga naman at kakaibang pagnanasa ang makikita sa mga lalaki.
Isang babaeng naka-uniporme ang lumapit sa kanya, naroon ang ngiti sa labi nito.
" Yes Ma'am, ano po ang kailangan nila? " nakangiting tanong sa kanya.
Tiningnan niya ito nang deritso pagkatapos ay tumingin sa paligid. May isang tao siyang hinahanap. Nang hindi niya iyon makita sa mga kalalakihang naroroon sa ibaba ay saka niya ulit tiningnan ang babaeng kaharap niya.
"Gusto kong makita si Joemar Belerio, ang nagmamay-ari ng restaurant na ito. " seryoso niyang sabi.
"A-ahm... Sino po sila? " tanong sa kanya nito dahilan para kumunot ang noo niya.
" Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako, basta gusto kong makausap si Joemar ngayon din." Seryoso at may bahid na iritang sabi nito. "Sorry Ma'am, pero kailangan ko po munang malaman kung kaano-ano niyo po si Sir Joemar. At kung ano po ang kailangan mo sa kanya. " sabi ng babae na lalong nagbigay ng inis sa kanya. Sa ganung klase ng itsura niya ay para bang pinaghihinalaan siya.
O baka naman iyon ang paraan nila dahil alam nilang hindi siya yung babaeng kasama ni Joemar kahapon, o baka naman iniisip nito na siya ang kabit ng boss nila.
"Sorry Ma'am, ngunit parte po ng aking trabaho na malaman ang pangalan ng mga taong kakausap kay Sir Belerio. " pagkuwa'y hinging paumanhin ulit ng babae nang makita ang pagkakunot ng noo niya
Huminga siya ng malalim upang pigilin ang inis sa babaeng kaharap. At saka tiningnan ito nang deritso
' I'm his fiancee" walang gatol-gatol na sabi niya dito.
Sa salitang iyon ay mabilis na napasinghap ang babae. Makikita ang pagkagulat sa sinabi niya at mabilis na pumunta sa guard at isa pang babae na kasama nito at pareho silang napatingin sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan mapatirik ang mga mata dahil masyadong obvious ang ginawa nitong pagchi-chissmis sa oras ng trabaho. Kung ganyang lang ang empleyado ng kumpanya niya. Hindi siya magaatubiling tanggalin ang mga ito.
Lumapit sa kanya ang guard at dinala siya sa VIP section at doo'y pinaupo siya sa upuan.
"Pakihintay lang po saglit Ma'am dahil kailangan pong malaman muna ni Sir na nandito ang fiance niya, " sabi ng guard.
Tumango lamang siya sa sinabi nito. Ayaw niya nang magsalita baka makalagpas siya sa limit niya at masigawan niya ang guard na ito.
Ilang minuto ay lumapit ang babae sa guard habang hawak nasa tenga nito ang telepono at bahagyang tinakpan pa ang mouthpiece ng telepono.
"Ano daw ang pangalan niya? " pabulong na sabi nito ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya.
Inulit ng guard ang tanong ng babae sa kanya.
"Jasmine, Jasmine Mendez, " mabilis niyang sabi. Pumunta ang guard sa babae upang sabihin ang pangalan niya.
Ilang minuto pa ang ginawa niyang paghintay nang mapatingin ulit siya siya sa babae at guard na papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Enchanting To Meet You ( Approved under PHR)
Romance"I will wait you Jas. Kahit gaano pa yun katagal at kahit anuman ang mangyari. Hihintayin kita, at sabay natin tutuparin ang mga binuo nating pangarap. Hihintayin kita sa field." Iyon ang katagang binaon ni Jasmine sa pag-alis ng Bicol papuntang Ma...