Chapter Nine
Nagising ang naglalakbay niyang diwa nang mapagtanto niya na nasa parking lot na siya ng isang hospital. Mabilis niyang pinunas ang luha sa pisngi niya gamit ang kanyang palad bago mabilis na bumaba sa kotse at kulang nalang ay liparin niya kung saan man na room naroon si Jasmine.
"Nasa emergency room po Sir, " mabilis na sagot ng nurse.
"Emergency room? " pag-uulit niya sa sinabi nito. " Diyos ko! " he groaned at mabilis na tumakbo para pumunta sa Emergency room.
Nakapasok na siya ng E.R, at nakitang kasalukuyang binebendahan ang noo ni Jasmine. Mabilis siyang lumapit dito ngunit agad siyang kinabig ng mga nurse upang palabasin.
"Sorry po Sir, bawal po muna kayo dito. "
"Mabubuhay siya hindi ba? " natatarantang tanong niya sa mga Nurse. Nakita niya ang doctor na pumasok kaya agad niya itong kwenelyuhan .
"Doc. G-gawin niyo po ang lahat,mabuhay lamang siya, Huwag niyo po siyang pababayaan. Gawin mo po ang lahat. " nagmamakaawang sambit niya dito.
Itinaas ng doctor ang kamay nito para alisin ang kamay niya sa kwelyo nito.
" Huwag mag-alala, gagawin naming ang lahat n gaming makakaya." wika nito at marahang tinapik siya sa balikat.
Nagpatiuna na siya nang akayin siya palabas ng Emergency room ng isang nurse. Sinilip niya ito sa salamin at doon siya lalong napaluha.
Kaninang pumunta ito sa office niya. Halos hindi siya mapakali. Sinikap niyang itago lahat ng pictures at mga ginuhit niyang mukha nito. At ano ang kanyang rason? Dahil pipilitin niyang naka-move on na siya kahit ang totoo ay hindi niya naman talaga kayang gawin. Masakit para sa kanya na malaman na ikakasal na pala ito. At hindi iyon sa pinsan na si Abby, niya nalaman kundi siya mismo ang nakarinig at nakakita. Months ago pumunta siya Maynila para alamin kung kumusta na ito.
At wala nang sasakit pa ang malaman na ikakasal na pala ito. At wala siyang nakita sa mukha nito kundi kasiyahan.
Kaya naman pinilit niyang ignorahin ang presensya nito kaninang pagpasok nito, kahit ang totoo sa pagbukas pa lamang ng pinto nito ay gustong-gusto niya itong yakapin at halikan.
Pinilit niyang pigilin ang nararamdaman niya. Pinilit niyang maging malamig sa harap nito. Pero sa huli... Hindi niya pala kaya. Dahil sobrang nasasabik din siyang makita ang kaibigan.
ILANG minuto ang lumipas ay dali-daling nagsidatingan ang mga pinsan ni Jasmine. Naroon ang takot at pagkabahalang namuo sa bawat damdamin nila.
"A-anong nangyari kay Jasmine? "Maluha-luhang tanong ni Abby sa kanya.
"Car accident. " tipid na sagot ni Joemar dito habang nakayuko at nakaupo sa mahabang upuan.
Napagpasyahan niyang umalis sa nag-iiyakang mga pinsan at tiyahin nito, lalo lamang kasi siyang nadadala sa mga iyak nito. Nakapa ni Joemar ang cellphone sa bulsa niya ng tumunog ito habang nasa daan na siya papuntang chapel.
Tiningnan niya ang pangalan nakarehistro doon, saglit na kumunot ang noo niya nang mapagtantong ang Daddy niya ang tumatawag.
"Hello Dad, " Bati niya dito, may ideya na siya sa kung ano ang sasabihin nito.
"Sa makalawa na ang flight mo papuntang Canada. Pinaayos ko na iyon sa secretary mo para wala ka nang ibang intindihin pa. " Agad na sabi nang Daddy niya sa kabilang linya.
"Sa makalawa? " kunot-noong tanong niya. " P-pero Dad, akala ko sa isang buwan pa? Mukhang napaaga naman ata? " tanong niya. Ang pagpunta niya sa Canada ay para salbahin ang negosyong unti-unting bumabagsak. Ang teorya niya ay nabaon sa utang ang pamilya niya dahil sa cervical cancer na sakit ng Mama niya, at limang buwan ng namalagi sa isang pribadong hospital ito sa bansang nasabi. At dahil sa pribado iyon ay sobrang mahal ng mga gamot na kailangang bilhin para malunasan ang sakit ng Mama niya.
BINABASA MO ANG
Enchanting To Meet You ( Approved under PHR)
Romance"I will wait you Jas. Kahit gaano pa yun katagal at kahit anuman ang mangyari. Hihintayin kita, at sabay natin tutuparin ang mga binuo nating pangarap. Hihintayin kita sa field." Iyon ang katagang binaon ni Jasmine sa pag-alis ng Bicol papuntang Ma...