Chapter Five

1K 25 0
                                    

Chapter Five

"MA'AM Jas... Tinatawag ka po ng Daddy niyo, sumabay na daw po kayo mag-almusal dahil may pupuntahan pa po kayo. " sabi ng katulong niya sa labas ng pinto ng kwarto niya sa pagitan ng pagkatok.

Napabuntong hininga na lamang si Jasmine at tumalukbong ng kumot para pigilin ang inis sa katulong na halos tatlong beses ng pabalik-balik sa kwarto niya para gayakin siya mag-almusal, lalo na a Daddy niya dahil masyado din itong mapilit.

Pinakiramdaman niya yung katulong niya sa labas, wala na siyang narinig na boses at pagkatok sa pinto. Siguro ay bumaba na. Pinilit niyang pumikit at bumalik sa pagtulog. Gusto niya na naman maiyak dahil naiisip niya na naman si Joemar. Gustong- gusto na niyang makita ang bestfriend niya. Kung pwede lang magteleport, lumipad o gumamit ng time machine makita niya lang ito ay ginawa niya na. Pero... Walang ganun sa totoong buhay. Walang-wala.

Napamulat siya ng mga mata niya ng bumukas ang pinto at marahas na inalis ang kumot niya na nakabalot sa kanya. Naiinis na bumangon siya dahil sa ginawa ng katulong.

"Ano ba-" sigaw niya nang akala niyang yung katulong nila ang basta-basta na pumasok sa kwarto niya ay napatigil siya. Dahil walang ibang pumasok sa kwarto niya kundi ang Daddy niya na noo'y inis na inis na nakapamewang sa kanya.

"At sinisigawan mo na ako? Tatlong beses ka nang tinatawag ni Manang pero hinadi ka bumababa. Gusto mo talagang laging mataas ang boses ko kapag nag-uusap tayo, " sermon nito sa kanya.

"Lagi namang mataas ang boses mo kapag kinakausap mo ako eh, " she murmured.

"Ano? Sumasagot-sagot ka na sa akin? " mas lalong lumakas ang tinig nito at hinawakan balikat niya para iharap siya dito. Akmang sasampalin siya nito ay sumigaw siya.

"Sige Dad! Gawin mo! Sampalin mo na ako, habang wala dito Mama. Yan naman talaga ang gusto mong gawin sa akin noon pa man hindi ba? " sigaw niya dito kaya napatigil ito at tiningnan siya ng deritso.

At walang anu-ano'y isang malakas na sampal ang binigay sa kanya na ikinagulat niya dahil hindi niya aakalaing magagawa iyon ng Daddy niya.

"Hindi ko nagugustuhan ang pananalita mo sa akin ngayon Jasmine, Hindi mo na ako binigyan ng respeto. Paano na lang kung mag-asawa na kayo ni Denver. Baka pati magulang niya ay pagsalitaan mo na rin ng hindi maganda! " nangigil sa galit na sabi nito at lumabas ng kwarto niya.

Nag-uunahang tumulo ang luha niya dahil sa sakit. Hindi sa sakit ng pagkakasampal nito, kundi ang sakit na nasa puso niya. Iyon ang unang pagkakataon na pagbuhatan siya ng kamay ng Daddy niya.

Hindi siya napilit ng Daddy niya na sumama sa pupuntahan nila dahil may emergency meeting na kailangan itong asikasuhin sa office nito na lihim niya namang ipinagpasalamat. Alam niyang kung hindi tumawag ang chief nito ay talagang pipilitin siya nito na sumama at kahit kaladkarin ay gagawin nito.

Tumingin siya sa salamin. Naroon ang luha sa pisngi niya. Gusto niyang isipin na bangungot lamang ang mga nangyayaring ito. Na sana lang ay may gumising sa kanya sa bangungot na nangyayari sa kanya.

Napatingin siya sa nakabukas na kabinet kung saan naroon mga damit niya. Napatitig siya roon at isang ideya ang pumasok sa isipan niya.

Mabilis niyang kinuha ang pulang maleta sa ilalim ng kama niya. Inalis ang plastic na nakabalot doon para hindi iyon maalikabukan.

Binuksan niya iyon at kinuha ang mga damit niya na naka hanger sa kabinet niya. Maglalayas siya! At walang makakapigil na sakanya. Nasasakal narin siya sa pamamanipula ng Daddy niya.

Ngunit saglit siyang napatigil habang ginagawa iyon. Paano kung pigilan siya ng Daddy niya sa ginagawa niya? Paano kung... Napailing siya at itinuloy ang isang balak na nabuo sa isipan niya.

Enchanting To Meet You ( Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon