Chapter Eight

1.2K 26 0
                                    

Chapter Eight



NAGISING si Jasmin sa mga bisig ni Joemar. Nakaunan siya sa bisig nito. At ang isang kamay naman nito ay nakapatong sa bewang niya. Pareho silang walang saplot sa ilalim ng kumot nito. Magkaharap sila sa isa't-isa. Saglit niyang tinitigan ang mala-anghel na mukha ni Joemar. At sa pagkakataon na iyon ay unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya.

Isang kataga ang bumalik sa alaala niya na marinig niya mula rito kanina, ng marating nila sukdulan.

" Mahal na mahal kita Jas... " wika nito habang habang hingal na ibinaon ang mukha nito sa balikat niya.

Ang salitang iyon ay sapat na upang mawala ang masakit na salitang binitawan nito sa kanya. Sapat na upang mas mahalin niya ito lubusan.

At ngayon, wala nang makakapaglayo sa kanila. Wala na.

"Mahal na mahal din kita Joemar, " mahina niyang sambit kahit na alam niyang himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Hinalikan niya ito at muling gumuhit ang ngiti sa labi niya. Hindi niya mapigilan pamulahan ng mukha kapag naiisip ang nangyari sa kanila.

Matapos niyang titigan ang maamong mukha nito ay napagpasyahan ni Jasmin na bumangon para sipatin kung anong oras na. Bahagya siyang napangiwi nang maramdaman ang kirot sa bahaging iyon ng katawan niya, patunay na hindi siya nanaginip at ang mga nangyari ay totoong-totoo. Tumingin siya sa bed sidetable para sipatin ang maliit na orasan na naroon. It's past 5:00 na ng hapon. Gaano ba katagal sila nakatulog? Nakangiting umiling na lamang siya at umalis sa kama at kinuha ang mga damit na nagkalat sa sahig. Inayos niya muna ang mga damit ni Joemar at ipinatong sa kama. Pakiramdam niya ay mag-asawa na sila ni Joemar dahil sa ginagawa niya. Nagpasya siyang pumasok sa banyo para magbihis at mag-ayos ng sarili.

Bago pa man siya nakapasok sa banyo ay narinig niyang tumunog ang cellphone ni Joemar sa lamesa niya kung saan katabi ng laptop nito.

Sinulyapan niya si Joemar kung magigising ito ngunit himbing na himbing parin ito sa pagtulog. Dalawang beses na iyon nagri-ring kaya napagpasyahan niyang tingnan kung sino iyon.

Isang missed call at isang text message mula sa iisang tao. At ang pangalan ng nagtext at tumawag ay Thea, hindi niya ito kilala pero una nang pumasok sa isip niya na baka ito yung kasama nito kahapon nang makita niyang lumabas sila ng restaurant.

Wala naman sana siyang pakialam na tingnan kung anuman ang laman ng mensahe nito, pero para bang may nag-uudyok sa kanya tingnan iyon. Sinulyapan niya muli si Joemar bago pinindot ang cellphone nito at binuksan ang mensahe at binasa ang naroon at doo'y agad siyang napatutop.

Joemar, I'm pregnant.

Iyon ang nabasa niya sa text. Tiningnan niyang muli ang text message at hindi nga siya nagkamali! Kahit ulit-ulitin niya ang pagbasa niyon ay hindi siya nagkamali. Malinaw na malinaw ang nakikita niya. Napasinghap siya, sinulyapan ang natutulog na si Joemar kasabay ng mulig pagbalong luha sa mga mata niya.

Pakiramdam niya ay matutumba siya nang hindi sa oras. Pakiramdam niya ay may isang malaking pasabog na nangyari sa ulo niya dahil sa nabasa niya. Tuluyan na siyang napaiyak dahil doon.

Ang tanga niya! Ang tanga-tanga niya na ibigay niya ang lahat dito gayong kani-kanina lang ay ipinagpamukha na sa kanya na hindi siya importante sa lalaking ito.

Humugot siya nang malalim na hininga para magkaroon ng lakas na pumasok sa banyo at magbihis. Tuloy-tuloy siyang lumabas ngunit bago niya ipihit ang door knob ay nakita niya bracelet sa kamay niya.

Isinuot iyon muli ni Joemar sa kanya matapos ang paniniig nila kanina. Lalo lamang siyang napaiyak dahil sa nangyari kanina. Akala niya ay mahal siya nito. Ang akala niya ay hindi siya nito lolokohin. Pero lahat pala iyon ay maling akala lamang. Dahil may babae na ito. At buntis pa!

Enchanting To Meet You ( Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon