Enchanting To Meet You
Prologue:
"AYAN, natapos na rin sa wakas, " masayang sabi ni Joemar at ipinakita kay Jasmin ang ginawa niyang krokis sa kanyang drawing book.
Mula sa pagnamnam ng sariwang hangin sa field kung saan kasalukuyan silang nakaupo sa grass ay nilingon siya ni Jasmin at tiningnan ang ginuhit niya.
" Ang ganda, bestfriend, " bulalas niyang sabi dito. Habang natitig sa iginuhit nito.
Mula sa drawing book nito ay makikita ang krokis na ginawa nito. Isang mala-paraisong kapaligiran, katulad na katulad ng lugar na kasalukuyan nilang tinatambayan. Sa gitna ng krokis nito ay naroon ang babae at lalaki nakangiting nakatitig sa isa't isa.
"Syempre ako pa! At tsaka may inspirasyon ako diyan kaya ganyan ang kinalabasan, " nakangiting sabi nito habang hina-highlight ang mga puno sa pamamagitan ng lapis nito.
Napatingin si Jasmin dito. Inspirasyon? Sino kaya yun? Sana siya, salitang agad na pumasok sa isipan niya ngunit mabilis siyang umiling. Umiiral na naman ang pagiging assuming niya. Sa tatlong taon na pagiging magkaibigan nila,second year palang sila, mapaloob at labas man ng paaralang pinapasukan nila, ay ni minsan ay wala siyang nakitang malisya dito ng pagkagusto sa kaniya.
Hindi naman siya kapangitan para hindi nito magustuhan pero siguro ay kaibigan lang talaga ang habol nito sa kaniya. Hanggang doon lang. Samantalang siya, halos araw-araw niya itong naiisip. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang pagtingin niya dito. Basta nagising na lamang siya na, mahal niya na ang bestfriend niya.
"So meaning, iniisip mong ikaw ang lalaking iyan? " nakangiting tanong niya dito kasabay ng pagtaas ng kilay.
"Oo, " sagot nito at tumingin sa kaniya. " Bakit? Hindi ko ba kamukha? " seryosong tanong nito.
"Hmm. May hawig ka din, pero sa hairstyle, ibang-iba, " wika niya dito. "Dapat ganito ang hairstyle mo. "
Hinawakan niya ang mukha nito para iharap sa kaniya, bagay na bahagyang nagdulot ng kiliti sa puso niya ng mahawakan ang makinis nitong pisngi. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin ng kilig ay mabilis niya ginulo ang buhok nito, at ginaya ang hairstyle ng lalaking ginuhit nito.
Nilingon niya ang ginuhit nito, nilingon naman ang kaibigan at ibinaba ang ilang strand ng buhok sa noo. Pagkatapos ay tiningnan ang kabuuan ng itsura nito.
"Oh, Perfect! kamukha mo na. " nakangiting sabi ni Jasmin sa kaibigan ngunit napatigil siya ng matamang tinitingnan na pala siya Joemar.
Kanina pa ba ito nakatitig sa kaniya?
Agad namang tumibok ng malakas ang puso niya,at parang biglang tumigil ang mundo niya dahil sa titig nito. At ang hindi niya pa maipaliwanag ay kung bakit hindi niya kayang kumawala sa mga titig nito.
"Jas, " sambit nito at unti-unting inilapit ang mukha sa kaniya.
Agad naman siyang napapikit ng mariin dahil doon. May balak ba itong halikan siya? Ilang saglit siyang napapikit hanggang sa naramdaman ang isang bagay sa noo niya.
"Aray! " halos maiyak na sigaw niya, dahil sa biglang pagpitik nito ng malakas sa noo niya. Agad niyang napasapo sa noo niya dahil doon.
"Pinaghirapan kong lagyan ng gel at ayusin ang buhok ko tapos ginulo mo lang, " asar na sambit nito sa kaniya at inayos-ayos ang buhok nito.
"Eh sabi mo kasi, ikaw ang lalaking nasa drawing so pinareha ko lang ang hairstyle ninyo, " mahinang pagmamaktol niya kasabay ng pagnguso. Akala niya pa naman hahalikan na siya nito. Pipitikin lang pala sa noo. Psh!
BINABASA MO ANG
Enchanting To Meet You ( Approved under PHR)
Romansa"I will wait you Jas. Kahit gaano pa yun katagal at kahit anuman ang mangyari. Hihintayin kita, at sabay natin tutuparin ang mga binuo nating pangarap. Hihintayin kita sa field." Iyon ang katagang binaon ni Jasmine sa pag-alis ng Bicol papuntang Ma...