Chapter 26

33 3 0
                                    

Dara's POV

Late na akong dumating sa School.Okay lang naman.Nagre-review nalang kasi kami para sa finals tapos graduation practice na.Busy yung iba sa mga projects pero ako tapos na.

Tinapos ko lahat nang requirements ko pagka-akyat ko sa kwarto nung iniwan ko si Vince.Hindi nadin ako kumain.

Nagpuyat ako para dun kaya nalate ako.

Nakakatawa lang na habang nagsusulat ako,naiiyak ako.

Nagulat ako nang may sumipa sa upuan ko galing likuran.

Nagulat ako nang makita si Jean.Tinaasan nya ako nang kilay kaya sinamaan ko sya nang tingin.

Problema nito?

Nag-open ako nang notes nang sipain nya ulit ako.Wala si Jane sa tabi ko kasi kausap nya yung partner nya sa groupings na hindi na nila natapos tapos.

Hahayaan ko na sana nang sipain nya ulit.

"Ano bang problema mo?"Inis na bulyaw ko sa kanya.

"Ikaw.Problema kita.Ang sakit mo kasi sa mata e.Bakit ba pumasok ka pa?"Ang kapal din talaga nang mukha nang babaeng to.

"I don't want to talk to you,Jean..so please.Don't make me."Inis akong tumingin sa unahan.

"I don't want to talk to you too.But knowing that you did talk to my boyfriend yesterday,it makes me want to pull your hair out."I want to slap her hard on the face but I chose not to.

"News flash girl,I did not talk to your prince charming.He did.He talked to me.And what's worst?He's talking nonsense.He keeps on insisting to save this bitchy friendship that we had.Sorry.Di ko ata kaya.Mapili ako sa friends e."Nakita ko ang galit sa mga mata nya.

Ha ! Akala ko makakayanan ko na balewalain ang pambubwisit nya pero look,hindi ko pala kaya.

"Excuse me? Ayoko din namang makipag-bati sayo noh.If I know,naiinggit ka na naman kasi na sakin yung matagal mo nang gusto.Dara,ako ang gusto nya.Yeah.It wasn't new to you.Matagal nya na yang pinapa-mukha,right?Pero inuulit ko kasi baka nakakalimutan mo."Napatayo na ako sa inis.I don't want to make a scene pero naiinis na talaga ako.How could she say those words to me?

"Malandi ka kasi,Dara e.Feelingera,assumera at spoiled brat.Hindi lahat nang gusto mo makukuha mo.Nilandi mo lang naman si Vince e-"I slap her hard on her face.

"Ikaw ang malandi sa 'ting dalawa !How could you say those words to me?Ikaw ang nagtago nang sikreto dito.Hindi ko naman kukunin si Vince kung sayo na sya diba?Pero di mo sinabi kasi wala kang tiwala sakin.You think that I would throw our friendship over a man?Napaka babaw pala nang tingin mo sa friendship!"Napatingin ang lahat nang nasa loob nang room samin.Good thing walang teacher kasi pinapatapos nga yung requirements.

"Oo ! Ganun kababaw ang tingin ko sa pagkakaibigan lalo na't sayo nanggaling ! At sino ka para sampalin ako?Mang aagaw ka na nga matapang ka pa!"Hinila nya ang buhok ko.

Kung kanina nakatayo ako,ngayon naka-upo na sa sobrang sakit nang paghila nya.

Pinalibutan kami nang mga classmates namin.Yung iba nagsisigawan sa tuwa,yung iba sa gulat.

"Dara ! Oh my Gee ! TABI DYAN ! SHIT ! DI AKO MAKASINGIT !"Narinig ko pang sabi ni Jane.

Pilit kong hinawakan sa braso si Jean.Kinagat ko ang isa nyang braso nung nakawala ako.Sa sobrang inis nya ay pinagkakalmot nya ako.

Kitang kita ko ang pagdudugo nang braso ko dahil sa matatalas nyang mga kuko.Gusto kong umiyak sa sakit pero nanguna ang inis ko.

Nung nakahanap ako nang tyempo,hinigit ko nang dalawang kamay ko ang buhok nya.Pumaibabaw ako sa kanya at hinihigit ko pa lalo ang buhok nya.

Put the Blame on Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon