Mahigpit ang yakap ko kay Kyle. Ang ilan sa mga classmate nya ay napapangiti. Ang karamihan ay nagulat.
"Hey, are you okay? " niyakap ako ni Kyle pabalik.
I'm just too tired to stand alone. Kailangan ko nang sasandalan.
Akala ko kahit katiting ay wala na. Pero bakit tuwing binabalewala nya ako ay nasasaktan parin ako? Bakit tuwing inuuna nya si Jean ay nakakaramdam ako nang bigat sa dibdib ko?
"Hey. Nasan si Vince? " isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Kyle at binalewala ang lahat nang tanong nya.
"Nevermind. Missy, we should go now. Gagabihin ka. Ako na ang maghahatid sayo." Humiwalay ako sa kanya. Tumingin ko kay Kyle. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya.
Nilahad nya ang kamay nya at agad ko itong tinanggap. Dinala nya ako sa parking lot at sumakay na sa kotse nya.
Tahimik lang sya buong byahe. Hindi na sya nagtatanong. Hindi na din naman ako umiimik. Nakatingin lang ako sa kanya the whole ride. Malalim ang iniisip nya.
Napa-buntong hininga ako.
Napaka-tanga ko para ipakita kay Vince na apektado parin ako.
Huminto si Kyle sa tapat nang gate namin.
"Thank you." Tipid kong sabi sa kanya.
Lalabas na dapat ako kaso hinawakan nya ang kamay ko.
"You still like him. " he said and then looked away. Hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko.
"Kyle, I'm tired. Can I just go now and rest? " binitawan nya ang kamay ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang kakaiba nang bitawan nya ako.
"Right. Just rest. Susunduin kita bukas nang maaga." Tumango lang ako sa kanya bago tamad na bumaba.
Hinintay kong mawala ang kotse nya.
Pumasok ako sa bahay at dumiretso na sa kwarto. Panay ang tunog nang cellphone ko pero hindi ko ito sinasagot.
Maybe it's just Vince.
Nakaramdam ako nang antok at tinulugan na ang lahat nang iniisip ko.
--
Pagkagising ko ay kinapa ko ang cellphone ko.Tadtad ito nang missed calls at texts galing kay Vince.
May isa ding text kay Kyle.
Una ko iyong binuksan.
Kyle:
Goodnight.
Binuksan ko pa ang iba na puro sorry lang at let me explain ni Vince.
Naligo na ako at nagpalit nang school uniform bago bumaba.
Naalala ko na si Kyle nga pala ang magsusundo sakin.
Dali dali akong tumakbo sa kusina.
Kumuha ako nang dalawang freshmilk at naggawa nang tatlong sandwich.
Nang bumusina si Kyle ay tumakbo na ako palabas dala ang lahat nang gamit ko.
Tipid na ngumiti sakin si Kyle pagpasok ko.
Inilapag ko sa dashboard ang dalawang sandwich at ipinatong nadin ang freshmilk.
Binuksan ko naman ang natitirang sandwich at kinain.
"Nag-breakfast ka na? " umiling lang sakin si Kyle.
Bakit feeling ko nagtatampo sya sakin?
BINABASA MO ANG
Put the Blame on Love #Wattys2016
Ficção AdolescentePut the blame on love for causing you too much pain--and then, put the blame on yourself for loving the same person for no fvcking valuable reasons. Again and again.