Chapter 33

30 2 0
                                    

Nakita ko ang saya sa mukha ni Kuya nang sabay kaming pumasok ni Kyle sa loob.

Tss. Malapit ko nang isipin na may gusto 'to si Kuya kay Kyle.

Cloud at Kyle? Eew.

"Bibihis lang ako. Dyan ka muna. Nandyan naman si Kuya." Dinaanan ko si Kuya Cloud na parang hangin lang. Naasar pa ako sa kanya e.

Nagbihis ako at inayos yung gamit ko. Nagsuklay din muna ako at dali daling bumaba para ipaghanda nang meryenda si Kyle.

"Manang, patulong naman po oh. Di po kasi ako marunong magluto nitong pasta. Pwede po bang pagawa nang salad? Tutulong po ako." Ngumiti naman sakin si Manang.

"O sige. Bubuksan ko lang 'tong fruit cocktail." Tahimik kong kinuha yung lalagyan at lahat pa nang kailangan.

Matatagalan kung hihintayin pa naming tumigas sa ref yung salad. Palalamigin ko nalang siguro muna nang isang oras. Todo naman yung freezer namin e.

Tsaka mukhang busy pa naman sila.

Sumilip ako kina Kuya Cloud at Kyle na seryosong nag-uusap sa sala. Nangingiti sila pareho.

Kinuha ko naman ang cellphone ko para itext si Jane. Tutal nandito naman si Kyle, pwede naman siguro akong mag-invite? Nakakabagot din kasi na puro lalaki ang kasama sa bahay.

Me:

Jane , punta ka dito. Sleep over tayo. Nandito si Kyle.

Jane:

Nako Dara ! Broken pa ako kay Storm ! Nagkabalikan na pala sila ni Ate Ara. Huhu. Ang sama mo naman bes kung papupuntahin mo ako dyan e hindi pa naghihilom ang puso kong sugatan. Hindi mo ako katulad 'no. Weak ako kaya baka mag breakdown ako sa harap nang kuya mo at maglupasay.

Napabuntong hininga ako sa reply ni Jane. Oo nga pala. Crush na crush neto ang kuya ko.

Itinutulak ko naman sya kay Kuya Cloud kaso sawa na daw sya kay Kuya. Boring daw. Mas gusto nya si Kuya Storm e halos hindi naman yun tumitingin sa ibang babae unlike kay Kuya Cloud na may pagka-maharot.

Tinulungan ko na si Manang na mag-mix nang mga ingredients. Mabuti nalang at kumpleto kami sa stocks. Hinanda talaga yan nina Mommy incase daw na bumisita si Marky. Favorite yan ni Marky e. Alam nyo naman sina mommy, favorite din si Marky.

Nag-reply na ako kay Jane.

Me:

Fine.Nakakatampo nga lang. Move on din kasi Bes. Alam mo naman na wala nang ibang nakikita si Kuya kundi si Ate lang e. Nandito naman si Kuya Cloud ah.

Jane:

Tse. Lubayan mo nga kami ni Cloud. Mas trip ko ang pagiging seryoso ni Storm kesa sa kuya mong malabo pa sa ulap.

I seriously don't know kung anong problema nito ni Jane kay kuya Cloud.

"Busy?" Nagulat ako nung maramdaman kong nasa likod ko na si Kyle.

"Naghahanda ako nang ipapakain sa inyo. Nakakahiya naman sa kuya ko. Mas paborito ka pa nun kesa sa sarili nyang kapatid." Kyle laughed.

"I'll help," napangiti ako nang makitang binubuksan nya na ang mga gatas.

Hinalo ko na din ang gatas sa fruit cocktail.

Tinulungan nya na akong maglipat sa tupperwear habang si Manang ay abala sa paglilinis nang ikinalat namin.

"You seem very good at kitchen. You know how to cook?" I asked Kyle habang ipinapasok nya na sa freezer yung salad.

"Yep. You?" Nahihiya akong sumagot kay Kyle nang maunahan ako ni Kuya Cloud na sumagot.

Put the Blame on Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon