"Baby gising ka na oh. Ilang araw ka ng nakahiga diyan e, di ka ba nangangalay? Hehe seriously b, gising ka na. Namimiss na k---""Hey Vic! Wats up?"
Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Kimmy lang pala.
"Sleepy head pa rin siya" then I hang my head down because of frustration.
"Bruh tiwala lang. Gigising din yan. Diba Shie!"
"I just cant help it na almost 2 weeks na siyang natutulog diyan."
"Haynako Victonara! Kumain ka na, pinadala to ni Mika kasi di siya makakasabay sakin. Pero mamaya nandito na yun."
"Thanks ah. Pero no thanks, busog pa ko."
"Vic naman! Ilang araw ng tulog si Shie, ilang araw ka na ding di kumakain and take note! Nagtetraining ka pa ah!"
"Ok lang kasi ako, Kim."
"Ok ka lang pero yang tiyan mo, puputok na sa sobrang kulo! Lolo mo boy! Kumain ka na at sabayan mo ko!"
This girl beside me is the love of my life. My cheerleader. My everything. She's Shie Rivera. Mas ahead yung age niya sakin ng 2 years pero it cant be a barrier for us.
Its been 2 weeks na rin since Shie was confined. And naging daily routine ko na rin ang gumising ng umaga, magtraining, pumasok sa klase and dumeretso dito sa hospital.
1 month ago, napagalaman naming may stage 4 colon cancer si Shie. She's my girlfriend. We're almost 3 years na din. May nabili na nga kaming condo unit e. Every off season, nandon kami at magkasama.
Ang hirap lang kasi na makita yung taong mahal mo na nakapikit pero alam mong buhay pa.
Yung abot kamay mo siya pero parang ang layo layo niya.
"Oh ang lungkot na naman ng mukhang yan! Come on, bruh! D'you think gigising si Shie kung ganyan kapangit yung makikita niya?"
"Kim naman eh!"
"Tsanggala kasing mukha yan! San ba gawa yan, bruh?"
"Hahaha tae ka!"
"Ayun! Tumawa ka di---*toot toot* Wait sagutin ko lang."
"Sige lang, nogs!"
Nagpaalam na rin si Kim kasi tumawag si Fo. Eto na naman ako. Nagiisa.
"Hey baby! In two more hours, its been 3 years and 7 months since I had you, my everything. Gising ka na oh! Daya mo naman eh, manonood ka pa ng games ko right? Pano kami mananalo nito kung di kita makikita na humihiyaw sa crowd or malaman man lang na nanonood ka. Pano ka manonood kung nakapikit ka?"
"Its good and great na you used to talk to her. Yes, she heard what you said." sulpot ng doctor kaya napapunas ako sa pisngi ko na tinuluan ng mga luhang galing sa mata ko.
"Ah yes doc. May problema po ba? Kasi po medyo midnight na rin."
"Vic, umakyat na sa stage 5 ang cancer ni Ms.Rivera. It means, sobrang delikado na and I think if she cant get to wake up tomorrow morning maaaring magtuloy tuloy na ang tulog niya."
Those words. Parang pinipiga yung puso ko eh. Parang anytime lalabas na to tapos sasapakin si doc.
"Doc naman. Miracles will happen, right? Everything's possible."
"Vic, lets just wait if she wake up tomorrow. For now, you should take a rest."
Vic na rin tawag sakin ni doc dahil siya yung inassigned ni dad na maghandle kay Shie dahil he was a great doctor in town daw.
"Ok doc. Thanks."Take a rest? Ok naman ako eh. Di ako pagod as long as nakikita ko si Shie.
I held her hands while waiting for her mama.
"Pano nalang kapag iniwan mo nako?" I asked
"Hindi niya tayo iiwan, Vic." sabay biglang may humawak sa balikat ko. Si Tita, mama ni Shie.. "Shie is stronger than we know. She'll never leave us"
"Yes tita, di niya tayo iiwan"
"Ok na thank you for taking good care of my daughter, Vicky. Umuwi ka na at may training ka pa bukas."
"No tita, gusto ko paggising niya tomorrow ako agad ang makikita niya."
"Sige na Vic, I know you're tired already."
"Tita naman. Di po ako pagod. Dito nalang po ako sa sofa matutulog"
"Makakatanggi pa ba ako eh nakahiga ka na, ito talaga oh!" and then I closed my eyes.

BINABASA MO ANG
Another Chance (A Bara Fanfic)
ФанфикA story behind 'kapag may nawala, may dumadating'