Prologue

7.1K 50 2
                                        

“Selena, puntahan mo siya. Kailangan ka niya.” pagkasabi niyang yun ay agad akong nag-ayos ng mga gamit ko na nakalatag sa mesa at tumayo.

Halos tumakbo na ako palabas sa compound. Palayo at palayo ay lalo din akong hinihingal.
Importante para sakin ang pag-aaral ko pero ang alam ko nalang ngayon ay kailangan kong makapunta agad doon.

Kailangan niya ako.

Ngunit…

“Miss, hindi ka pwedeng lumabas dahil hindi pa oras ng dismissal ng klase. Kahit vacant mo pa. Alam mo naman siguro ang rules.” maigting na sabi ng school guard.
Mas lalo kong naramdaman ang pagod ko nang marinig ko iyon mula sa kanya.

Pero ngayon pa ba ako magiging masunurin na estudyante? Well, don't get me wrong but this is an emergency. Alam kong dapat pa akong kumuha ng pass slip pero hindi ko na naisip yun, at kahit sumagi yun sa isip ko, mas matatagalan lang ako sa pagpunta sakanya.

“Sir, emergency lang po. Please palabasin niyo na po ako.” sagot ko.

Hindi ko mawari kung naaawa ba o naiinis sa akin ang school guard.
“Pinagbigyan na kita noon, miss at ayokong mawalan ng trabaho.” aniya.

Napahilamos ako sa mukha tapos sabing “Nakikiusap po ako. Emergency lang talaga. H-huwag po kayong mag-alala, ako ang magapaliwanag sa school. Please, payagan niyo na po ako.” mangiyak-iyak na pagmamakaawa ko.
Tumingin muna siya sakin saglit at sa gate at walang salita niyang binuksan ang gate at halos mapatingala ako sa tuwa.

Pagkatapos kong magpasalamat ay hindi na ako nagatubiling pumara ng masasakyan ko.

Hindi lang ito isa, dalawa, tatlo o apat na beses kong ginagawa ito. Kaya naman kinausap na ako ng adviser ko tungkol dito at pinaliwanag ko sakanya ang sitwasyon at buti nalang na naiintindihan niya. Dahilan kung bakit hindiako nangangambang magCut ng klase.

Nang huminto ang sasakyan ay agad akong nagbayad at bumaba.

Mula dito sa kalsadang kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang mga tao na nasa bukana ng bahay.

Bakit may mga tao? Sa ilang beses na nangyayari ‘to. Ngayon lang na may ibang tao.

Bigla naman akong kinabahan.
Hindi kaya...huwag naman sana.

Parang ayoko nang magpumasok dahil baka tama ang iniisip ko.
Nang napansin ng mga tao ang presensya ko, natigilan lahat sila. Kaya naman nagpatuloy ako sa pagpasok sa bahay.
Doon ay naabutan ko si Luigi na umiiyak sa sala. Walang imik ay tinuro agad niya ang kwarto niya.
Tila ayaw humakbang ng mga paa ko dahil ayokobg mapatunayan na tama ang hinala ko.
Hindi.
Please, hindi.

Naabutan ko si tita at tito na parehong nakahawak sa tubo ng makina na nakakabit sakanya. Nanlaki bigla ang mata ko at daligdali akong tumakbo sakanya at niyakap siya.

Nagsimula na din akong nagpanic habang umiiyak.
"Ano pong ginagawa niyo! Nababaliw na ba kayo! Hindi niyo maaaring gawin 'to." sigaw ko sa sobrang sakit at galit.

Niyapos ni tito ang buhok niya at humarap sakin.
"Nahihirapan na si Lance. Nahihirapan na ang anak namin!" sigaw din ni tito sakin.

"T-tita..." tawag ko sa mama niya baka sakaling makumbinsi ko siya.
Ang dating seryosong mukha ni tita ay napalitan ng sakit at lungkot.

"Kung napapagod na kayo sakanya. K-kung naiinip na kayong maghintay sa paggising niya. A-ako. *sniff*. Ako ang magaalaga sakanya. Nakikiusap po ako... huwag niyo pong ituloy. Mahal ko po ang anak niyo." hagulgol ko habang hinihigpitan ang pagkakayakap ko kay Lance.

"T-tama na... Selena, hayaan na natin si Lance na magpahinga. Nakakaawa na ang anak ko. Tanggapin na natin. " hirap na binitawan ni tita ang mga katagang iyon. Alam kong masakit, alam kong ayaw din nila dahil magulang sila.
Pero mas pinipili nilang isuko siya dahil nahihirapan na siya.

Masakit.
Sobrang sakit.

Hindi ko kaya.

"Aahh... hindi!!!" sigaw ko sa sobrang sakit. Nanginginig din akong halikan ang pisngi at noo ng lalaking mahal ko.
Ang lalaking kailan man hindi ako sinukuan
Ang lalaking bumubuo ng bawat araw ko.

Paano nalang ang bukas ko na wala siya?
Sabay kaming nangarap at magisa ko nalang bang tutuparin lahat ng iyon?

Sabi niya bubuo kami ng sarili naming pamilya. Pero bakit ngayon magtatapos na?

Pinagmamasdan ko siya. Kinakabisado lahat ng sulok ng mukha niya. Dahil marahil hindi ko na 'to masisilayan pa.

"Hon, mahal na mahal kita. P-paalam s-sayo, agape mou." sabi ko sakanya na para namang naririnig niya.

Pagkabitaw ko sa katagang iyon ay siya namang paghugot na ng mga magulang ni Lance sa tubong nakakabit sakanya—na tanging bumubuhay sakanya.

Napapikit na lamang ako labis ang pag-agos ng mga luha ko. Mas lalo akong humagulgol sa hinagpis dahil sa ginawa nila.
Wala na akong magagawa. Magulang sila.

Wala na.

Hanggang dito na lang talaga.

Unti unting bumagal ang tibok ng puso niya. Dama ko iyon dahil hanggang ngayon, nakayakap din ako sakanya. Pagkatapos ay tumunog ang makina na nagpapatunay na wala na ngang pulso ang taong mahal ko.

Hinila ko ni tita mula sa pagkakayakap ko kay Lance at si tita naman ang yumakap sakin.

Wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak habang pinapanood ang pagsalba ng doktor sakanya hanggang binuga na niya ang kanyang huling hininga nang bahagyang tumagilid ang ulo niya.
Napahikbi ukit ako doon. Nahihirapan na din akong huminga dahil sa sakit at bigat ng dibdib ko.

Wala na siya.

Napakasakit.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon