Chapter 1

124 8 0
                                    

1 message

From: Mama

Good morning my Angel. Unang araw mo ngayon sa bago mong school. Goodluck anak. I miss you and i love you.

Text message galing kay mama nasa Dubai kasi siya at OFW siya dun. 8 o'clock siya ng gabi nag te-text saakin at 12:00 nn ko naman natatanggap ang text niya. Tulog pa ako sa mga oras na yun si mama naman matutulog pa lang. Kaya pagkagising ko dun ko na nababasa text ni mama. Gabi gabi niya itong ginagawa at kada umaga naman ito ang nagpapangiti saakin. :)

Ako pala si Alexandria Kate Garcia.

Pero Alexa ang tawag nila saakin.

Gaya ng text ni mama first day ko sa bago kong school with my cousin na si Fatima. Third year high school na kami ni Fatima pero magkaiba ang section naming dalawa. Section one ako at section two naman siya. Hindi sa pag yayabang ei mas masipag ako mag-aral kay Fatima medyo tamad din kasi yun sa pag-aaral give up nga ako pag ako mag tutor sakanya dahil pasok sa kanang tenga labas naman sa kaliwa.

Two years old pa lang kasi ako namatay na si papa nang dahil sa car accident. Kaya nang nag ten ako ay nag decide si mama na mag work sa Dubai bilang OFW. Kaya si Lola Jena(mama ni mama ko) ang nag alaga saakin pero nang nag twelve na ako namatay siya dahil sa heart attack. Kaya umuwi agad si mama galing Dubai. Kaso isang taon lang siya nag stay sa Pilipinas. Kailangan niya daw kasi mag trabaho para mabigyan ako ng magandang buhay. Kaya kahit ayaw ko ay wala din akong magagawa.

Mahirap lumaki nang walang nanay sa tabi mo. Walang gigising sayo tuwing umaga, walang magluluto ng breakfast, lunch at dinner mo, wala kang hahalikan sa pisngi kapag aalis at darating ka lalong lalo na walang nanenermon sayo kapag pasaway ka. Wala akong magagawa kundi umintindi. Dahil para saakin din naman ang ginagawa niyang paghihirap sa Dubai. 

Kaya simula nang umalis si mama pabalik sa Dubai at mag fo-fourteen pa lang ako nun ay naging independent na ako. Ako ang gumigising sa sarili ko kada umaga, nag luluto ng umagahan, tanghalian at gabihan, namamalengke, nag lilinis ng bahay at lahat ng gawain ng isang ina. Oo pati ata pag alaga sa anak parang nasubukan ko na. Yung anak na tinutukoy ko ay yung pinsan ko na ubod sa kabaitan (joke kabaliktaran nun) ang pangalan niya ay Fatima. Pasalamat siya at mabait itong pinsan niya hihihi...

Kasing taon ko lang si Fatima at close kaming dalawa pero pag dating sa gawaing bahay ay wala akong maaasahan sa kanya. -.-


Nasa classroom ako ngayon at dahil first day ko dito wala pa akong mga kakilala. Third year high school na ako ngayon at mukhang mahihirapan akong makipagkaibigan sa kanila dahil sa mga ugali pa lang nila hindi ko na sila makakasundo. Dahil parang mga seryoso, maarte at mayayabang ang mga nandito. Lalo na at nasa section one pa naman ako at lahat ng nandito ay matatalino. Well nandito ako sa room na ito dahil I belong hehehe... Ooopss mukhang nahahawaan na ata ako....hehehe... Dapat ko na lang sigurong pakisamahan sila kahit mahirap -.-

Nabalitaan ko din na matataas ang tingin sa mga section one dahil nandun ang best students. Sa 25 students na nandito sa section one ay pang 21 lang ako at buti naman at nakapasok pa ako. Pero feel na feel ko ang tension sa loob dahil first day of school pa lang ay nakatutuk na sila sa mga makakapal nilang books habang ako ei pinagmamasdan ko lang sila. Kahit gusto kung magkunwareng nagbabasa ei wala naman akong dalang books.

Maaga pa naman kaya pwede pa akong lumabas at hindi ko rin makakayanan ang nakikita ko dito. Kaya titignan ko muna si Fatima sa classroom niya. Nasa kabilang kwarto lang ang Section 2 na section ni Fatima.  

Sinilip ko siya sa bintana ng room nila at mukhang may mga kaibigan na siya dahil nakikipagtawanan pa siya sa mga mukhang maarteng babae. Sabagay magkakasundo naman sila sa ugali may pagka maarte din kasi si Fatima at sosyalera. Haisxt! nakakainggit naman siya.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon