I like Tyrone daw!?

32 5 0
                                    

Popular si Cheska sa cheer dance pati sa kagandahan at pagiging sexy.

"Nagluto si Mommy ng carbonara and she wants me to give this to you. Favorite mo daw kasi yan."-Cheska. Inaabot niya ang carbonara kay Tyrone with sweet smile pa. Kaso hindi naman siya tinitignan ni Tyrone.

Girlfriend ba siya ni Tyrone. Ei bakit parang walang pakialam si Tyrone... Ngek!... Paano niya maririnig si Cheska naka earphone siya ei. Pero hindi man lang ba niya nakikita si Cheska na inaabot sa kanya ang carbonara... Mr. snob nga talaga ito.

"Sis. paano ka niya maririnig naka earphone kaya siya"- Victoria. Hay salamat may nakahalata din. May pagka engot din naman pala itong si Cheska.

"Oo nga nho"- Cheska. Inalis ni Cheska ang earphone sa tenga ni Tyrone.

"What!"- Tyrone. Nagalit ata si Tyrone na inalis yung earphone niya. Nagulat tuloy si Cheska pati na rin kaming lahat. Ang sungit naman nito.

"Ah?. Hmmm"- Cheska. Hindi na siya nakapagsalita ng makita niyang nagalit si Tyrone. 

"P-pinapabigay ni mommy sayo. Nagluto kasi siya ng carbonara"- Cheska. Mukhang nawala ang sweet smile ni Cheska. Syempre naman ikaw ba naman ang sigawan.

"Thank you"- Tyrone. Nilagay niya ulit ang earphone niya at nanahimik. Ganun ganun na lang ba yun? Hmp. Malaki nga siguro problema nito.

"Okay"- Cheska. Nagawa pa niyang kiligin kahit ganun ang asal sa kanya ni Tyrone. May pagka loka loka din pala ito. Bumalik na lang siya sa mga kaibigan niya.

Napatingin ako kay Tyrone. Parang out of the world na ang utak niya.

x.x

Pero tinignan din niya ako.

Nahalata niya siguro na tinitignan ko siya. Baka ano ang isipin niya kung bakit ko siya tinitignan.

Ako tinignan niya kahit hindi ko siya kunakausap. Pero si Cheska hindi man lang niya tinignan.

Nanloloko ba ito?

"Whats wrong?" seryoso niyang sinabi.

"Ha? wala... wala" sinabi ko habang patingin tingin lang sakanya. Nakatingin pa rin kasi siya saakin.

"You want this?" tanong niya habang hinahawakan ang carbonara.

Akala niya siguro yung carbonara ang tinitignan ko. Nakakainis naman ito. huhuhu.

"Sige sayo na" nilagay niya ang food na carbonara na niluto ng mommy ni Cheska sa desk ko.

Nakita ko na napatayo si Cheska at ang sama ng tingin saakin. Whaaaa!!!

"H-hindi, sayo yan ei. " binalik ko ang carbonara sa desk niya. Nakakatakot si Cheska... T.T ...Parang mangangain.

"And kung hindi itong carbonara ang tinitignan mo ibig sabihin ako yun"- Ako.

Hindi ako makapagsalita parang mabubulol ako. Pero parang hinihintay ng lahat ang sagot lalong lalo na si Cheska. Ano bang problema ng Tyrone na ito... Pero?... nakalagay ang earphone niya dapat hindi niya ako naririnig.. Ang sarap batukan ang taong ito.

"Naririnig mo ako!?"- ako.

"What? akala ko wala siyang naririnig"- Cheska kausap ang dalawa niyang sis na si Victoria at Sassy.

"Hindi kaya ayaw ka niyang makausap"-tanong ni Victoria kay Cheska.

"You shut up Victoria!"- Cheska. Nainis ata siya sa sinabi ni Victoria pero ako naman ang tinitigan niya ng masama.

Whaaaaa!!! Parang umuusok ang tenga ni Cheska saakin. Ano yan nagseselos siya sa isang tulad ko?. Mas maganda at sexy naman siya kesa saakin.

"Tama ba ako?"- Tyrone. May tinanong ba siya kanina? Hindi ko narinig kasi si Cheska ang iniisip ko.

"Ahh?.. Oo?"- ako. Hindi ko kasi alam ang sinabi niya kaya nag oo nalang ako.

Pero bakit nagbulungan ang mga kaklase ko at si Cheska... Parang nagulat na galit na galit na tinitignan ako.

May mali ba sa sinabi ko??

"Hahahaha"- tawang malakas ni Shinito. Bakit naman siya natawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko. Si Tyrone naman pinipilit ang pagtawa niya. Ano ba kasi ang tinanung niya saakin. -.-

"Ano ba ang sinabi mo?"- mahinang tanong ko kay Tyrone.

"Hindi mo alam ang tinanong ko?"- natatawang sinabi ni Tyrone. Pero ang makita siyang nakangiti parang nakakapanibago.First time ko siya makitang ganyan.

"Ui ano ba ang tinanong mo?"-ako. Halos mangiyak na ako dahil nagsisipag bulungan na sila.

"Grabe siya. Talagang sinabi niya na he like Tyrone"- bulong ni girl classmate 1

"Hindi man lang siya nahiya"- g.c. 2

O.O

Whaaaaaaat!!!!! Sinabi ko na gusto ko siya?!.. O.M.G.. Kaya pala tumatawa si Shinito pati si Tyrone... Pinaulit ko na lang sana yung sinabi niya hindi yung nanghuhula lang ako. Napahiya tuloy ako.

"Good morning class!"- Sir Gomez. Teacher namin sa science.

Kailangan ko pang i-explaine ang sinabi ko. Pero andiyan na si Sir Gomez.

"Tyrone"- mahina kong sinabi para hindi marinig ni Sir Gomez. Pero parang hindi niya ako narinig.

"Tyrone"- with kalabit na sa kanya. Napatingin na siya.

"Bakit?"-Tyrone. #.# .. Bakit siya nakangiti??? Nakakapanibago siya. Kani kanina lang nakasimangot siya nagalit pa nga siya kay Cheska.

Lumapit siya saakin "Thank you for making me smile"-Tyrone. Ang lapit ng face niya saakin. Binulong niya talaga sa tenga ko.

Hindi na ako nakakibo sa sinabi niya. Thank you for making me smile??? Wala naman akong ginawa ah . Whaaa ang weird niya talaga!

Hanggang matapos ang klase yun pa rin ang iniisip ko. Masisiraan na ata ako.

Uwian na and its my time to explaine everthing.

"Tyrone"- ako. Lumingon siya palabas na sana siya. Buti narinig na niya ako. Oooppz bakit ang lapit niya masyado saakin.

"Bakit?"- Tyrone. Nakangiti pa rin siya saakin. Umatras ako ng konti masyado siyang malapit.

"About kanina."- ako. Ang hirap naman i explain ito.

"Nakakatawa ka" sabay hawak sa ulo ko. Ginawa ba naman akong aso. Pero nakangiti pa rin siya saakin. Nakakapanibago siya. Hindi ko namalayan na umalis na siya.

Hahabulin ko sana siya. Pero hinarangan ako nila Cheska, Sassy at Victoria. Mukhang galit sila saakin lalong lalo na si Cheska. T.T

------------------ ,O.O, ------------------

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon