Section 3-1 or 3-3

39 2 0
                                    

...After 10 minutes...

Lumabas na ako sa office ni Mrs. Perpekto.

Dumiretso agad ako sa classroom at blankong blanko ang utak ko. Nagtuturo na si Mr. Cortez at napatigil siya sa pagtuturo ng makita niya ako sa pintuan.

"Ano ang napag usapan niyo ni Mrs. Perpekto?"-Mr. Cortez.

...FLASHBACK...

Habang papunta ako sa principals office super ang kaba ako. Kasi kung hindi ako mapayagan na lumipat siguradong kawawa lang ako sa kanila Cheska. Pero feeling ko hindi nila ako tatantanan. Papayagan kaya akong mag stay sa section 3-3?. *cross finger*  Sana payagan ako.

Pero gaya ng sabi ni Sir Cortez parang imposibleng payagan ako dahil na din sa grades ko. GO! GO! GO! Alexa kayang kaya mo ito. 

Nasa pinto na ako ng Principal's office. Ang kailangan ko lang gawin ay sabihin ang gusto kung sabihin. Ano mang maging desisyon ni Mrs. Perpekto dapat ko itong respituhin.

Tok! tok! tok! (katok ko sa pinto)

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang secretary ng principal na si Ms. Henez. Si Ms. Henez ang nag assist saakin ng lumipat ako dito. Super bait nga niya saskin at super ganda din. So angelic ang face niya pero sabi niya saakin na wala pa daw siyang boyfriend. Sa ganda ni maam na yan wala pa siyan boyfriend. Pero sa bagay mahirap na din humanap ng matinung tao sa panahon ngayun.

"Oh ikaw pala yan Alexa. Come in"-Ms. Hemez. With sweet smile pa. Napakaganda ni maam lalo na kapag nakangiti.

"Pwede ko po bang makausap si Mrs. Perpekto?"

"Saktong sakto ka lang din dahil gusto ka din niyang makausap."

Gusto din niya ako makausap? Siguro dahil din sa paglipat ko ng section.

"Wait lang ah ipapaalam ko lang kag Ms. Perpekto na nandito ka" sabi ni Ms Henez at pumasok siya sa office ni Mrs. Perpekto.

Uupo na sana ako sa sofa pero lumabas din agad si Ms. Hemez.

"Sige pumasok ka na Alexa"

"O sige po"

Pag pasok ko napakalamig sa loob. Mas malamig pa dito kesa sa labas at sa classroom namin sa sobrang lamig ang sarap matulog hihihi. May magagandang paint din na nakalagay sa mga ding ding at mukhang mamahalin talaga. Pero ang mas sumalubong saakin ay ang mga ngiti ni Mrs. Perpekto.

"Maupo ka muna Alexa" napaka gandang ngiti nito saakin.

"Kamusta ang pag stay mo dito?"-Mrs. Perpekto. Napaka aliwalas tignan ni Mrs. Perpekto. Parang nakaka good vibes ang ngiti niya.

"Mabuti naman po maam. Napakaganda po ng school niyo at magagaling ang mga teachers niyo dito" papuri ko pero sa totoo lang hindi mabuti angg pag stay ko dito.

"Well thank you. Then how about your section? "-Mrs. Perpekto. 

"Yun nga po pala Maam. Will you allow me po ba maam just to stay sa section 3-3?"

"Alexa your smart and dapat nasa star section ka. Your the second smartest sa buong batch niyo and your just going to stay sa low section. Mas mapagtutuunan ka nang pansin ng mga teachers mo if your going to stay sa 3-1"

Pero hindi ako nakasagut agad dahil parang may mali. 

"Pero sa totoo lang i want to ask you a favor"- Mrs. Perpekto at hinawakan niya ang kamay ko

"Favor?. Ano po yun maam?"-ako. Anong klaseng favor kaya to?.

"I want you to help this section( ang section 3-3). Gusto ko sanang tulungan mo sila sa pag-aaral nila at mabago ang pag uugali nila. Two years ko na silang problema kahit kausapin ko ang mga parents nila hindi pa rin sila nagbabago."

Ako lang ang gagawa ng bagay na yan? Hindi ko ata kaya yan. Baka sa pagpapatahimik pa lang sakanila hindi ko na kaya. Huhuhu, why me? Bago pa lang ako at hindi ko pa sila lubos na kilala.

"Pero po maam bago lang po ako dito. Hindi ko nga din po sila lubos na kakilala."

"Wag kang mag-alala dahil ibibigay ko sayo ang mga profiles nila."

"Pero po..."

TOK!TOK!TOK!

Pumasok si Ms. Hemez.

"Maam Principal nandito po si Mrs. Chua"

"O sige, papasukin mo na siya"

Lumabas na si Ms. Hemez.

"Gusto kung pag isipan mo nang mabuti ang tunkol sa favor ko. And about sa paglilipat mo ng section i will give you the freedom na mamili ng magiging section mo"

Ako na ang bahala sa section ko?...I have the FREEDOM... Hirap naman mamili. Bakit kasi humingi pa nang favor si Maam.

Tumayo na ako sa inuupuan ko.

"Sige po aallis na po ako maam. Pag-iisipan ko po"

"O sige"

May pumasok sa office ni Mrs. Perpekto. Napakaganda niya kahit may edad na at sa pananamit pa lang niya mukhang mayaman na talaga.

"Good morning Mrs. Chua ." bati ni Mrs. Perpekto sa kanya. Nang tumingin ako sa kanya ay napatingin din siya saakin at nginitian niya ako. Nang palabas na ako...

"Im here for my twins" sabi ni Mrs. Chua. 

... END OF FLASHBACK...

"Sir sabi po ni Mrs. Perpekto ako na po ang bahala kung saan ako mag i-stay"

"Well, ano ang desisyon mo?"-Mr. Cortez. Pero parang hindi pa ako sure sa desisyon ko. Hmmm...  Pwedeng bukas ko na lang sabihin pero kailangan ngayun na ei.

"Dito na lang po ako sa section na ito"-ako. Sa pag pili ko sa section na ito nagkaroon na ako ng malaking responsibility. Huhuhu... kakayanin ko kaya itong mag-isa? Kahit magugulo sila, iba iba ang inaatupag, mahirap daw turuan at maraming kalokohan. Pero dito, nararamdaman ko na tanggap ako.

"Okay... Well, i will continue my discussion now. You may take your sit ".

Nang papunta na ako sa upuan ko nakita kong lahat sila natuwa may napangiti at meron din pumalakpak ng mahina. Nakakatuwa dahil masaya sila sa naging desisyon ko. Pero si Hanz nakatingin lang sa bintana at parang walang pakialam sa mga nagyayari. 

Nang nakaupo na ako ay napakasaya ng nararamdaman ko. Tumingin si Gina saakin at sobrang saya niya para sa naging desisyon ko at nag two thumbs up pa siya saakin. Mukhang like na like niya ang ginawa ko.

Pagkatapos ng klase lumapit lahat sila saakin.

"Bakit dito ang pinili mo? Gaya ng sabi ni Sir Cortez masyado kang matalino para sa section na ito" sabi ni Cristel.

"Kaya nga, i cant believe na your the second smartest sa buong batch natin." manghang manghang sinabi din ng isa sa mga classmate ko.

"Your so amazing naman pala talaga" sabi din ng isa kong classmate.

Halos lahat sila ang dami daming sinasabi. Para ngang nasa hot sit ako. Sa dami nilang tanong hindi ko masagot sila isa-isa. Pero sa totoo lang napakasarap ng pakiramdam dahil nandito ako sa section na ito.

"But gaya ng sabi ni Sir Cortez ikaw ang pangalawang matalino sa batch na ito. Ibig sabihin... pangatlo na lang si Cheska. Sure akong hindi niya matatanggap yun." -girl classmate.

"And so what? Kung mas matalino nga siya kay Alexa then dapat patunayin niya ng hindi gumagawa ng kalokohan"- Cristel

"Lahat gagawin namin para maprotektahan ka sa mga babaeng yun"-boy classmate.

"Kaya nga"- girl classmate.

"Welcome to the family!" sigaw ni Xander at tumayo.

"Salamat"

Parang gusto ko nang umiyak dahil sa mainit na pag welcome nila saakin. Parang hindi na ako nagsisi na mas pinili ko itong section na ito.

------------------------------------------------- :') --------------------------------------------------------------

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon