Caring classmates

30 1 0
                                    

Dumiretso na lang kami ni Gina sa classroom.

Nadaanan ko ang room ng section 3-1 at nakita ko si Tyrone na nakikinig sa music. Hilig niya talaga makinig ng music. Halos mag-isa lang niya sa loob dahil nasa cafeteria pa ang mga classmates niya.

Pero bakit parang namimiss ko na siya? Siguro dahil masyado lang din ako nabaitan sa kanya.

Pumunta na kami ni Gina sa classroom at nang nasa loob na kami ay pinagtitinginan nanaman nila ako?!...

Bakit lagi nila ako tinitignan. Nakakailang na ah. -.-

Dahil din siguro suot suot ko ang jacket ni Lloyd.

Tumayo ang girl na laging nag me-make up sa loob ng room.

"Okay ka na ba?" tanong niya saakin habang hawak hawak ang salamin niya.

"Nkita namin yung ginawa ni Cheska sayo"

Ang bilis naman kumalat ng tsismis.

"Ah ayos lang ako"-ako

"Wala na talagang ginawang tama ang babaeng yun. Lahat na lang pinapahiya niya."

"Evil girls talaga ang mga yun. Gustong gusto nila na may napapahiya sila."- Gina.

"Magaganda nga sila pero napaka sama naman ng ugali"-sabi naman ng isang classmate ko na lalaki.

Mukhang lahat sila ayaw nila sa kanila Cheska. Bakit kaya?

"Bakit niyo hindi niyo sila gusto?"-ako. Nakakacurious na din kasi.

"Hindi pa ba obviouse? Tignan mo na nga lang ang ginawa sayo."- classmate. Sabagay itsura pa lang nila Cheska mukhang nakakatakot.

"Mabuti nalang at tinulungan ka ni Hanz. At least hindi ganun ka awkward ang nangyari sayo."- girl classmate 1. Sa bagay may tama siya, medyo hindi na nakakahiya yung nangyari dahil tinulungan ako ni Hanz.

"Savior naming lahat silang tatlo(good boys)."-classmate 2. Savior? Ibig sabihin normal lang yung ginawa nila saakin. Sabi ko na nga The Good Boys talaga silang tatlo.

"May ginawa na din bang masama sila Cheska sa inyo"-ako.

"Mahaba at madaming kwento ang tungkol sa kasamaan nila baka maabutan tayo ng umaga"- girl na may hawak ng salamin.

Ganun siguro sila ka-grabe. Kaya nga natatakot ako sa kanila.

May kinuha si girl na may hawak ng salamin sa silong ng desk niya

"Here you may use it. You look cute sa jacket ni Lloyd but thats foy boys. Simple shirt lang yan and i know kasiya yan sayo. Mag kasing figure naman tayo pero mas sexy ako" biro pa niya saakin.

Nakakatuwa naman siya. Mukha siyang mataray pero mabait din naman pala siya.

"Salamat ah"-ako.

Pagka palit ko ng damit ay nasa loob na ng room ang Good boys.

Hindi na sila War boys. Mga Good boys na sila.

Mababait naman kasi sila

Lumapit ako kay Lloyd at binalik ang jacket niya.

"Salamat sa pag papahiram ng jacket mo."-ako

"Ang cute naman ng t-shirt mo. Its minnie mouse. Hehehe" natatawang sinabi ni Lloyd.

Napatingin ako sa damit. Hindi ko napansin na si minnie mouse pala ang nakalagay.

"Of course cute ang may ari" sabi naman ng girl na nagpahiram saakin ng t-shirt. Hindi ko din kasi alam ang name niya.

"Kaya naman pala ei. Si Cristel pala ang may ari"

Ayun... Cristel pala ang pangalan niya.

Tumayo si Lloyd at linapitan si Cristel.

"Ang cute cute mo talaga" sabay pisil sa dalawang pisngi ni Cristel.

"You stop that Lloyd. Nasisira ang make up ko"

Nag sipag tawanan na lang silang lahat. Ang cute ni Cristel mainis at ang cute din ni Lloyd mang inis.

Si Xander at Hanz naman ay parehong na natutulog mukhang puyat na puyat sila. Ang aga aga natutulog na sila.

Umupo na ako sa upuan ko at mukhang comfortable na ako lalong lalo na sa kanilang lahat. Ang sarap naman pala nila kasama. Mukhang close lahat sila sa isat isa. Nakakatuwa silang tignan.

Kkkrrrriiinnnggg!!!( school bell)

Tapos na ang recess.

Bumalik na sila sa mga upuan nila at nagising na din sila Hanz at Xander.

Dumating na ang math teacher namin na si Mr. Cortez.

"Where is Ms. Alexandria here?" tanong ni Mr. Cortez.

Ako yun ah.

"Ako po sir" -tinaas ko ang kamay ko para makita ako.

"Come here"

Lumapit agad ako sa kanya.

"Bakit po Sir?"

"Kailangan mo nang bumalik sa section 3-1 dahil this section is not for you"

Not for me?.

Napatingin ako sa mga classmate ko na parang gulat na gulat sila.

"Galing pala siya sa 3-1 why she's here?" bulong ng isang girl sa katabi niya.

"Pero..."

Napamahal na ako sa section na ito ei.

"Sir dito na lang po ako"

"Im sorry hindi pwede. You have to go back sa section 3-1. You're the second smartest student sa batch niyo kaya dapat nasa 3-1 ka." nagalit niyang sinabi.

Kasalanan ko pa bang masipag akong mag-aral? Pag-aaral lang din kasi ang inaatupag ko para worth it naman ang pag hihirap ni mama sa pag tratrabaho sa Dubai.

Pero mas nagulat pa ata ang mga classmate ko sa sinabi ni Mr. Cortez.

"Ibig sabihin hindi na si Cheska ang second smartest sa batch natin? Malaking kaguluhan ito"- bulong ni boy classmate sa kasama niya. Ha?! Si Cheska? Pang second siya? Mukhang malaking gulo nga ito dahil baka isipin niya na inagaw ko ang pwesto niya.

"Diba si Tyrone ang first ibig sabihin second na siya at si Cheska naman ay third na lang. Sure akong hindi matatanggap ni Cheska ito. "- bulong din ni girl classmate sa katabi niya. O.M.G.! Mukhang magiging malaking problema nanaman ito.

Kapag hindi ako pinayagan na lumipat siguradong magiging kawawa ako sa section na yun. Pero kapag nag stay ako dito makakaaway ko pa rin siya. Hindi ko naman kayang i-give up na lang ang position na para talaga saakin. Pero alam ko na kapag nandito ako hindi nila ako pababayaan dahil dito lahat pantay pantay.

"If your going to complain not here. Go to the the principal's office" Mr. Cortez at tinuro niya ang pintuan. 

Lahat ng mga kaklase ko nakatingin saakin. Kung ano man ang mangyari sa loob ng Principal's office ay dapat kung panindigan at tanggapin.

Wala na akong nagawa kundi kausapin ang principal na si Mrs. Claritina Perpekto.

Apelyedo na Perpekto pa lang feeling ko masungit na. Hindi ko pa rin kasi nakikita ang princpal nila dito.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon