ms. president

33 1 0
                                    

Kinaumagahan...

Pagpasok ko nakita ko sa Announcement board na election of officers ngayon.

Sino kaya ang magiging president ng classroom namin?

Papunta na ako sa classroom ng madadaanan ko nanaman sila Cheska, Sassy at Victoria. Lagot!... Ano ang gagawin ko!? Wala akong ibang madadaanan para hindi kami magkasalubong. Bakit kasi magkalapit lang ang mga room namin. Siguro naman hindi nila ako mapapansin.Yumuko na lang ako para hindi nila ako mapansin.

"Ms. Alexa" maarteng tawag ni Victoria. Napansin nila ako! Nakakainis naman. Tumigil sila sa harapko kaya napatigil din ako.

"B-bakit"

Tinignan nila ako at nagtawanan lang sila.

"Hahahaha"

Bakit sila tumatawa? Umalis lang sila at tumatawa pa rin sila. Tinawag ako at pinagtawanan pa. Sadyang may mga topak nga talaga siguro ang mga ito. Siguro pinagtatawanan nila ako dahil napunta ako sa section 3-3. Pero im happy dahil sa 3-3 ang section ko... Nakakasira ng araw ang mga tawa nila!

Pagpasok ko sa classroom ganun pa rin sila. Magulo ang upuan, iba iba ang pinag gagawa at ang upuan lang ng Good Boys ang maayos. Lagi na lang ba sila ganito. Dumiretso na ako sa upuan ko.

Nakatingin lang si Hanz sa bintana na para bang maraming iniisip. Lagi na lang siyang ganyan.

"Good morning Ms. President" - Cristel. Ms. President? Sino yun? Pero nakatingin siya saakin. Ako ba ang tinatawag niya?

"Ms. President?" nag aalanganing tanong ko kay Cristel.

"Yes, ikaw ang President ng section natin".-Cristel. Whaaaat! Tapos na ba ang election. Bakit hindi ko alam.

"Napag usapan na din kasi namin na gawin kang President ng section natin." sabi ni Gina. Napag usapan? Saan? Bakit hindi ko alam?

"Kelan kayo nag elect? Bakit biglaan naman? Bakit hindi ko alam?"-madami kong tanong. Nakakabigla naman kasi. Papasok ka na lang bigla sa classroom at president ka na pala.

"Hahaha, mukhang shock na shock ka ah" sabi ni Lloyd.

"Nag elect kami through g.m."-Cristel. Group Message!?. Ang daya naman. Inabot saakin ni Cristel ang cellphone niya. Wow ang ganda ng c.p. niya IPhone. Ano naman ang gagawin ko sa c.p. niya? Akin na ba ito? hihihi. Ang ambisyosa ko naman.

"Ilagay mo ang cellphone number mo diyan."-Cristel. Nilagay ko na lang ang number ko. Pero shock pa rin ako sa nangyari. Ms. President na ako agad?

"Okay na"

"Thank Ms. President"

"Paano kung sabihin kong ayoko maging President niyo?"-ako.

"Wala ka nang magagawa dahil nasabi na namin sa adviser natin yan"-Cristel. NgaNga. Grabe talaga sila.

"Hmm.. Papayag ako sa gusto niyong maging President ako pero sa maraming kondisyon"-ako. Hindi isang kodisyon kundi maraming kondisyon.

"Maraming kondisyon?"- Lloyd.

"Ano ang marami mong kondisyon?"-Cristel.

"Una dapat laging maayos ang mga upuan mula umaga hanggang uwian"-ako.

"Wahahahaha. nice one"- Lloyd.

"What else?"-Cristel.

"Papasok kayo ng maaga. Dapat mas maaga pa sa teacher."-ako. Dahil lagi silang na lelate pumasok. Pero.... wala na akong maisip. Lagot!. Hindi pweden yun lang ang kondisyon.

"Sa kabuan na lang. Dapat sundin niyo lahat ng sasabihin ko."-ako.

"Well, paano kung ayaw namin gawin ang inuutos mo?"-Hanz. Ui nagsalita na siya. Kala ko wala siyang pakialam sa nangyayari. Oo nga nho ano ang mangyayari kung hindi nila gawin ang pinapautos ko? Isip isip.

"Punishment"-ako.

"Punishment? anong klaseng punishment?"-classmate.

"Dipende sa ayaw niyong gawin... At may isa pa."-ako.

"Ano?"-Cristel.

"Papayag ako na magiging President kung si Hanz ang magiging vice President"-ako. Kailangan ko si Hanz dahil isa siya sa makakatulong para magdisiplina na mga pasaway. Pero alam kung isa siya sa mga yun. Basta. Dapat siya ang maging vice.

Nanahimik silang lahat at tinignan naman ako ng masama ni Hanz. Pero kahit nakakatakot siya desidido pa rin ako na gawin siyang V.P.Sila Xander at Lloyd pinagtatawanan nila ako pero mahina lang.

"Papayag ako sa isang kundisyon" sabi ni Hanz habang tinitignan ako. Kondisyon?. Basta kondisyon kinakabahan ako.

Siguradong kahihiyan ito.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon