Dinala nila ako sa likod ng school...
Hmmm... Bodega siguro ito ng school. Ang dumi dumi at ang daming mga gamit na nakatambak at hindi na ata ginagamit.
"Ano ang ginagawa natin dito?"-ako
"Yan ang kondisyon ko. linisan mo ito."-Hanz. Anooo?!!. Ipapalinis niya lahat saakin ito. Dapat nga sunugin na lang ito sa sobrang dumi. Ei anong silbi ng janitor ng school?
"B-bakit ko naman lilinisan yan?"-ako
Linapitan niya ako "Diba you want me to be the vice president ng section natin?"-Hanz. Grabe ang lapit ng mukha niya saakin kaya umatras ako.Ang lapit niya masyado saakin kaya umatras ako konti.
"Ilang araw ko dapat tapusin ito?"-ako.
"ngayon lang"-Hanz.
"What?!"-nagulat na sinabi nila Xander at Lloyd. Isang araw ko lang lilinisan ito ng mag-isa? Papatayin na ba ako ng taong ito.
"Imposible naman yang pinapagawa mo"-ako.
"Dahil imposible din ang gusto mo."-Hanz.
*pout*
Mukhang hinahamun niya ako.
"o sige pumapayag na ako!"-ako. Kakayanin ko naman siguro ito. FIGHTING!
-------------------------
Wala ang teacher namin sa last subject kaya I grab the opportunity na. Nagdala na ako ng mga gamit na kakailanganin.
Kinuha ko ang cellphone ko..
***Oh, oh, 2012, oh yeah
It's alright, oh, it's alright
You know what they say? Life ain't always easy
And everyday, we're survivors
So forget the day, it's all about tonight
Act a fool and start a riot, a riot be rebel...***
Mas gaganahin ako mag linis kapag may music. GO! GO! GO!.
With matching sayaw pa . Kembot to the left kembot to the right and shake shake.
Lets Party Party... Este Lets Linis Linis!
Nilabas ko muna ang mga gamit para malinisan ko ang loob.
Dito tinatambak ang mga gamit na hindi na ginagamit gaya ng mga props, sirang sofa, posters, atbp. Ang ganda ganda nga ng school pero hindi man lang nila maasikaso ito.
Dapat man lang sana may nakasama ako sa pag lilinis. Baka mag ka muscle na ako nito...
Mukhang Okay yun ah para magulpi ko yung Hanz na yun hihihi.
Akala ko pa man din mabait yung taong yun hindi pala. Pinasa niya siguro yung pinapautos sa kanila.
Natapos ko nang ilabas ang mga lumang papel pati ang sirang sofa.
Pinag aalis ko na ang mga gamit sa cabinet kumuha ako ng upuan dahil may pagkamataas na yung iba... Nang biglang nadulas ako sa upuan. whaaaaaaaaaaa!!!
O.O
May sumalo saakin!.. Si Superman ba yan o si batman??... Nakapikit pa ako dahil babagsak na ako sa sahig ei. Pero may sumalo saakin. Nang tinignan ko kung sino siya...
Hindi siya si Superman o si batman.
Nanlaki ang mata ko at napalunok pa ako. Si... si..
Si Super Tyrone?
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Teen FictionSabi nila nababago ko daw ang buhay ng mga taong nasa paligid ko. Nabibigyan ko ng kulay ang mga buhay nila. Paano kung ang pagbabago nila ang magiging dahilan kung bakit nagbago ang takbo at direksyon ng buhay ng mga taong nasa paligid nila. Ang...