The Section 3-3

31 3 0
                                    

...Kinaumagahan...

Mahirap pa rin gisingin si Fatima but ang alarm clock ko ang panlaban ko.

Kaso iniisip ko pa rin yung nangyari kahapon. I dont know kung doon pa rin ang section ko.

Hindi ko muna sinabi kay Fatima ang tungkol dun dahil siguradong kukulitin niya lang ako sa kakatanong.

Para surprise ko din sa kanya dahil magiging classmate ko na siya. ^.^

Pag dating ko sa school hindi ko alam kung saan ako papasok.

"Sa section 3-3 ka Miss Alexandria." bulong saakin.

Pag lingon ko si Sassy ang bumulong saakin.

Nagsipagtawanan na lang sila na hindi ko naman alam ang dahilan.

Pero... section 3-3??

"Bakit dun? Dapat sa section 3-2 ako."

Tinawanan lang nila ako at umalis na sila

Ganun ganun na lang ba yun?

No choice ako kundi pumasok dun.

Ang saklap naman ng araw na ito. Sabi nila nakakatakot daw doon. Halo halo na ang mga tao dun.

Nandun yung mga taong mayayabang at hindi din daw katalinuhan ang mga studyante dun.

Malapit nang mag time at kailangan ko nang pumasok dun.

Bahala na si batman.

Nang palapit na ako sa section 3-3 parang may masamang aura akong nararamdaman sa room na yun.

Pero kahit nanginginig na ang tuhod ko patuloy pa rin ang pag lalakad ko.

Nang makita ko na ang loob napaka gulo ng upuan.

Yung iba nakataas ang paa nila, may nag me-make up pa, meron ding kumakain pa lang ng breakfast.

Ibat iba ang ginagawa nila.

Hindi naman mukhang nakakatakot ei.

Masyado lang siguro silang exagge.

But... saan ako uupo??

Ang gulo pa naman ng mga upuan.

Pero sa malapit sa bintana maayos ang upuan.

At mukhang walang nakaupo doon.

Dumiretso na ako sa loob.

Third day pa lang naman ng pasukan.

Hindi pa naman nila kilala ang isat isa. hehehe

Pag upo ko inayos ko muna ang mga gamit ko sa bag.

Kaso lang... parang naulit nanaman ito.

Nag sisipag tinginan sila saakin.

Ano nanaman ba ang kasalanan ko???

"Miss may mga nakaupo na diyan. Umalis ka na agad baka dumating na sila" sabi saakin ng isang nerd girl na may big eyeglass.

Sino naman ang mga yun?

Biglang may dumating na tatlong lalaki.

"Dali umalis ka na diyan" mahinang sinabi ng nerd girl.

Napatayo ako sabay kuha sa bag ko.

Sila siguro ang sinasabi nilang tatlong siga sa school na ito.

Pero sa totoo lang, halos lahat sila masasabi kong gwapo.

Nagsisipag tabihan sila sa dadaanan ng mga sigang ito.

Pag may nakaharang tinatadyakan lang nila ito.

Pero hindi pa rin ako umaalis sa tinatayuan ko.

Nang nasa harapan na nila ako ay napakasama ng tingin nila.

Super nakakatakot sila. x.x

------------------ 0.0 -------------------

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon