"Vampire??,psh tumahimik nga kayo diyan, paniwalang-paniwala talaga kayo diyan eh, atsaka hindi na uso yan noh, sa panahon ba naman ngayon eh masyado na atang imposibleng mangyari yan . Maaaring sa mga makukulit na bata pwede niyong gamitin yan para panakot, malamang maniniwala talaga sila " may pagka-sarkastikong saad ko sa aking dalawang kaibigan na si Nicole at Cheska
Haler?? Mga Bampira?? Nabubuhay na sa realidad?? It's a BIG BIG NO!!! Etong dalawang to eh naniniwala sa mga gawang-isip nila at sa chismis
"Alam niyo?? Sarap niyong batukan eh, palibhasa kase eh ang hihilig nyong manood ng mga vampire movies, mga anime o kung hindi kaya eh mga manga, ako sa inyo, tigilan niyo na yan" tuloy ko pa habang inaayos ang pagkukublit ng bag pack ko..si Mama naniniwala rin naman sa mga bampira...ewan ko ba at anong nakain ng mga tao sa paligid ko, sabagay di ko rin naman sila masisisi eh kung ganoon ang takbo ng isip nila.
May trahedya na naman kase ang nangyari, ayon sa balita at ayon na rin sa mga kaibigan ko na may pagka- brutal ang ginawa dun sa biktima
Inismiran lang nila ako at ako naman ay napapailing sa mga tinuran nila.
Atsaka uso pa ba ang mga bampira ngayon???kahit sino siguro kung tatanungin walang maniniwala eh kahit nga panigurado mga sayentipiko hindi rin maniniwala sa mga ganyang kwento at paniniwalaan nila malamang ang kanilang konklusyon ayon sa kanilang research at kung kapulisan nga rin naman ang tatanungin ay hindi rin maniniwala kase nga IMPOSIBLENG MANGYARI IYON lalo na sa panahon ngayon.
"Bahala ka beshie, basta sa tingin namin bampira talaga ang gumawa nun sa biktima, may nakita na silang evidence na may kagat yung bandang leegan niya, kung nakita mo lang naku besh! malamang sa malamang eh maniniwala ka talaga sa amin, sino naman ang sisisihin nila? Addict?? May pangil ba sila?? atsaka parang masyado naman atang brutal ang pagkagawa nun sa biktima, hubad hubad at may pasa sa ibang parte ng katawan nya." saad ni Cheska
"Oo nga besh, atsaka sino naman ang gagawa nun eh yung napapanood ko nga sa tv o kahit sa mga movies , ganyan na ganyan talaga yung pagkakagat ng isang bampira, yung biktima naku! tuwing naaalala ko eh pinaninindigan talaga ako ng balahibo sa katawan" wika ni Nicole tapos kumapit sya sa braso ko na tila bang takot na takot sa nangyayari
"Bakit naman?" biglang tanong ko
"Halos namutla yung biktima, parang sinipsip lahat ng dugo sa katawa nito" sagot nito
Ilang segundong lumipas nang basagin ko ang katahimikan.
"Sabihin na natin na may evidence na, eh bakit kahit mga awtoridad walang matibay na proof na bampira yung may sala? ,hindi nga nila maanunsyo na bampira ang may gawa nun.."sabi ko
"Tsk..." sabay nilang naging sabi
"Ewan ko talaga sa iyo besh, pero isa pa ha, pansin niyo, madalas na nangyayari sa lugar natin ang mga kakikilabot na pangyayari tulad ngayon, at eto pa ha, halos lahat pareho talaga ang eksena, na may kagat sa bandang leegan at minsan halos wala ng damit , at isama mo pa na halos ubusin yung dugo sa katawan ng mga biktima , yiiih, huwag naman sana mangyari satin yan, nakakatakot" tuloy nya
"Halos babae rin yung binibiktima nila, ewan ko ba at bakit nangyayari sa lugar natin to, hindi naman ganito yung lugar natin dati eh, kaya yung ibang mga nakatira dito eh lumilipat na talaga ng lugar para malayo sa misteryosong nangyayari sa lugar natin ngayon. " sabi naman ni Cheska
Huminto ako saglit sa kakalakad at humarap sa kanila.
"Tsk. basta, kulang parin eh, porket may sugat sa leeg eh bampira na agad yung may sala? Paano kung nagkataon lang ? baka naman kase isa lang iyong paraan para patayin ang biktima o marka iyon ng isang masamang grupo sa pagpatay?. Atsaka wala kase silang makuhang eksaktong rason kung bakit karamihan eh babae yung mga namamatay at halos magkatulad ang mga eksena sa mga biktima kaya yan ang nasabi ng karamihan. Basta at hindi pa rin ako naniniwala , malay niyo , mga masasamang grupo talaga yun na walang matinong magawa sa buhay . Kase kung bampira , malabo eh, alam niyo yun?? "saad ko
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko kaya sumunod na rin sila bahala sila hindi talaga ako maniniwala eh parang kulang pa sila ng ebidensya para maniwala ang iba ,o ako ng tuluyan . Ayoko nang dagdagan pa ang problema ko.
"Huwag na kaya kayong manood ng mga bampirang palabas?? Naimpluwensyahan na tuloy kayo nito" pagbibiro ko
Lumingon ako sa kanilang direksyon saglit at ngumuso sila.
"Mag-ingat nalang tayo , okay?" sabi kong nakangiti
Binalik kong ituon yung paningin ko sa harap tapos may nakita akong maliit na bato na nasa harapan ko
"Siguro pag nakakita na ako ng isa, baka sakali eh maniwala na ako ng tuluyan sa inyo hahaha" dagdag ko pa sabay sipa sa maliit na bato, tiningnan ko yung bato hanggang sa huminto ito sa isang misteryosong lalake
Walang anu-ano'y nakaramdam naman ako ng biglaang paglamig, isang kakaibang lamig na nagpatayo ng balahibo ko sa katawan . Napayakap tuloy ako sa magkabilang braso ko, napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan pero parang ako lang ata ang nakaramdam ng kakaibang atmospera at hindi nila napansin.
Pagkatapos ko kase sabihin ang mga katagang iyon, bigla nalang ako nakaramdam ng malamig na hangin na dahilan para mangindig ang mga balahibo ko sa katawan , may biglang kakaiba akong naramdaman.
Sa di kalayuan , may nakita akong isang misteryosong lalake na naka-sandal sa pader na may suot-suot na itim na hoodie, nakatago yung magkabilang kamay nya sa bulsa ng kanyang pantalon, para akong nakaramdam ng kaba? Ewan ko kung anong dahilan pero parang iba yung kutob ko eh, hindi ko maipaliwanag.
Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Cheska kaya nabaling yung atensyon ko sa kanya
"Halina nga kayo, maggagabi na, nakakatakot maabutan ng gabi sa daan"Pero pagkatingin ko ulit doon kung saan nakasandal yung misteryosong lalake kanina, wala na siya , bigla siyang nawala.
Napapailing nalang ako, baka namamalikmata lang ako..
➖➖➖
What if may dadating na hindi mo inaasahan?
na akala mo na hindi talaga sila totoo?
Paano pagnakakita ka ng isa o dalawa o mas higit pa?
Tapos ikaw ang magiging susunod na bibiktimahin?
What will you do?
To be continued...
BINABASA MO ANG
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...