Xena's POV
Pagkatapos ng nakakapagod na hapon , makakapagpahinga na rin kami sa wakas...
"Ang ganda ng rest house nila Calvin no? Ang laki at ang ganda ng lugar" manghang sabi ni Cheska habang sisilip silip pa sa labas ng bus
"Oo nga eh..ang yaman talaga nila" nakisilip na rin kami ni Nicole
Sinulyapan ko ang orasang pangbisig ko at mag-aalas otso na ng gabi
"So guys , I guess we're here , alam kong napagod kayo sa unang araw ,pwede na kayong mag relax and i-enjoy ang tanawin.." sabi ni Mr.Tour Guide
Isa-isa ng bumaba ang mga estudyante dito sa loob ng bus halatang nagagandahan sa view..magpapahuli nalang muna ako dahil ayaw ko makipagsiksikan sa kanila
Sumunod na ring bumaba sila Nicole
Sinukbit ko na ang bag pack ko at sumunod na ring lumabas pero bago ako tuluyang makababa nakita kong ngumiti si Mr.Tour Guide sabay sabing
"See you around Xena" nagtataka man ako dahil alam nya ang pangalan ko pero ngumiti nalamang ako bilang paggalang..
Saan ko nga ba sya nakilala at pamilyar talaga sya sa sa'kin?
Drake's POV
"See you around Xena" binalingan naman ni Xena ng tingin si Dimitri
Tss..kanina ko pa syang napapansin pasulyap sulyap kay Xena eh...
Kanina nya pa ako inaasar by his looks
Nang tuluyan na silang lumabas agad kong napansin si Dimitri patungo sa direksyon ko...tsk
Iiling -iling syang lumapit sa'kin
Sinenyasan ko ang katabi ko na mauna ng bumaba ,sumunod naman ito pero bago ito umalis sa loob ng bus, bigla nya nalang akong hinalikan sa labi
"Whoaaaa! " hindi makapaniwalang tiningnan kami ni Dimitri habang bumababa ang babae sa bus
"Who's that?" sabi nito, nagkibit-balikat ako
Sino nga ba iyon? Alicia?? Alona?? Whatever her name is , I'm not interested anyway..tsk..
"Hahaha, nagpahalik ka pero hindi mo sya kilala?? What the f*ck bro?"natatawang sabi nito
"What's up bro?" Sabay fist bump sa'kin
"What the hell are you doing here ? Where's Lira??" seryosong tanong ko sa kanya
Kung nandito sya malamang nandito rin si Lira
Nagkibit balikat lang ito, at umupo sa tabi ko
"Ang hirap maging tour guide bro...nakakapagod...mabuti at madali ko lang napag-aralan ang binigay ni Ate na kopya eh" reklamo nito..
Di na ako nagulat sa sinabi nya dahil likas sa aming mga bampira ang madaling pag-aralan ang mga bagay ..
Mga ilang minuto rin ang lumipas ng umakyat sa bus namin si Lira na busangot ang mukha
"What's with the face Ate Lira?"natatawang tanong ni Dimitri sa nakakatandang kapatid nya
"..nothing , it's kinda boring." ..walang gana nyang sagot habang tumitingin sa mga kuko nito
"So, by the way, what are you doing here guys?" sumeryoso naman agad silang dalawa..
"Di na'ko magpaligoy-ligoy Kamahalan, may dapat po kayong malaman, nag-uumpisa na naman silang kumilos.., at anytime ..malalaman rin nila kung sino sya" paliwanag nito
"Yeah, Lira's right Dra---..ouch" daing nito ng batukan sya ni Lira
At ayun naman silang dalawa, nagbabangayan na naman sa harap ko
BINABASA MO ANG
The VAMPIRE's PLAYBOY
VampireSi Xena ay isang simpleng dalaga, isang mabuting anak ,kapatid at pati na rin sa mga kaibigan. Mahirap man ang buhay nila busog naman ito sa pagmamahal ng kanyang Ina. Para sa kaniya, lahat gagawin nito para sa ikakaahon ng kaniyang pamilya. Isa l...