Chapter 31

1K 30 19
                                    

This chapter is dedicated for all of those who gave time and effort to read my story at yung mga walang sawang naghihintay sa updates ko...。^‿^。

Hope you like it readers...

Dimitri's POV

"Ilang oras na naman syang tulog Ate
Lira, habang papalapit ang mga araw ay mas lalong nahihirapan ang kanyang sarili" wika ko sa aking kapatid na kasalukuyang may takot at pag-aalala sa kanyang mukha

Ilang segundo akong tinitigan ni Ate Lira saka sya bumuntong hininga, ganoon rin ang aking nagawa...mukhang wala na kaming magagawa at maghintay ng tamang tiempo

Alam kong pagod ako sa ganitong sitwasyon pero mas napapagod ang kapatid ko sa mga ganitong sitwasyon kase buhay namin ang nakasalalay dito, isang maling plano at galaw mo eh maaari kang malagutan ng hininga

Hindi mo rin malalaman kung kailan at kung anong oras magiging mabagsik si Drake

Malakas kami pero di maikakaila ang lakas ni Drake kumpara sa amin, lalo na't hindi nya kontrolado ang sarili nya tuwing sinusumpong ang malahalimaw nyang katangian...ang tunay na Drake ay nanghihina lalo na't pinipigilan na naman nyang uminom ng dugo ng tao..

"Kailangang mamatay ang nagmumuno ngayon bilang hari Dimitri para mawala ang sumpang dumadaloy sa katawan ng kamahalan" seryosong saad nito

Lumapit ito kay Drake at inayos ang mga hiblang buhok na nagkalat ...

Malayong malayo na ngayon si Drake sa tunay na ugali nito...malaki ang kanyang pinagbago simula ng mangyari sa kanyang buhay ang kakilakilabot na nangyari sa kanya

Tinitingnan ko lang ang bawat galaw ni Ate Lira, alam kong importante si Drake kay Ate..

At si Drake, naaawa ako sa sitwayon nya ngayon, kasalukuyan kase syang nakatali habang nakaupo sa silya na wala ring malay tulad na ginagawa namin sa kanya para maging mahinahon ito agad, pumunta rin sya agad dito sa bahay namin at nag cutting classes pa sya dahil nagiging mabagsik na naman ito, sya rin ang nakiusap sa amin ni Ate Lira na itali sya at baka masaktan nya kami, labag man sa amin ay ginawa parin namin ito dahil nagpumilit at nakiusap pa rin sya...

*sighed*

"Mahihirapan tayo Ate Lira lalo na't nasa sa kanila ang alas na pwede nating gamitin para sa pagkitil ng buhay ng mga taksil" nanggagalaiti kong sagot

Tumayo ito at lumapit sa akin...

"Baka nakakalimutan mo Dimitri na may alas rin tayong hawak " pilyang sabi nito sa akin

Tahimik kong tinignan si Ate ng naramdaman namin na gumalaw si Drake mula sa pagkakatali nito habang nakaupo sa isang silya

"S-si Xena, ka-kailangan nya ako ,hmmpp grr" pilit nya parin itong nilalabanan ang kanyang sarili

Nagkatitigan kami ni Ate Lira

Kung papakawalan namin sya ngayon sa ganyang sitwasyon maaari kaming mapahamak pati na rin si Xena

"Pa-pasensya kana Drake , h-hindi ko pwedeng tang--" usal ni Ate Lira

"Please, Lira, Xena needs my help, she's in danger" pagmamakaawa nito

"S-sorry" tanging nasambit sa aking kapatid at lumabas ng silid

"Pleeaaseee, hmmp ..ggrr." Pigil parin nito sa kanyang sarili

"Drake, listen, you can't even control yourself, ako nalang ang tutulong kay---"

"No, I-I can , trust me Dimitri, I promise and, ....and...baka mapahamak pa kayo ng dahil sa akin, ayokong may madadamay na naman..." sincere nitong wika , kitang kita ko rin sa kanyang mga mata na kailangan kong magtiwala sa kanya....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The VAMPIRE's PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon