14

2.5K 118 5
                                    

14

Baekhyun's POV

"BYUN!" sigaw ni manager hoseok. Ibinaba ko ang nililinis kong plato at pumunta sa kanya.

"Bakit manager?" Tanong ko. Tumuro siya sa isang side ng restaurant.

"Hinahanap ka nun, puntahan mo na tutal break mo na" aniya at ngumiti ng malapad. Kita pa yung gums

Lumapit ako sa taong tinuro niya at umupo sa harapan nito.

"What chanyeol?" Tanong ko, ngumiti siya.

"Baek, nandito ka na pala. Gusto mo bang umorder o---"

"Just get to the point, im busy" he sighed .

"Im just wondering if you could help me" sabi niya sabay kamot ng batok. I Crossed my arms.

"Tulungan saan?"

"Na maki-pagbati sa kapatid ko."

napaisip ako, di ba plano ko din na pagbatiin sila? Eto na ba yung sign? Ang makipag team up ako sa kanya kahit labag sa loob ko?

Tinitigan ko lang ko lang siya habang nag iisip. Mahirap kasi kung ako lang ang magpaplano, kailangan ko din ng makakatulong. Pero kailangan ba talaga siya?

"So?" Napabuntong hininga ako at tinanggal na ang crossed arms ko.

"Okay, i'll help you" nagliwanag ang mukha niya at nabigla nalang ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

Medyo nataranta pa akong kumalas sa yakap namin, natauhan din siguro siya kaya bumitaw na siya.

"O-oh sorry." nahihiya siyang yumuko.

"Pero, thank you talaga. Utang na loob ko ito sa iyo" tinitigan ko siya, kita sa mukha niya na nabuhayan siya ng pag asa.

"Just so you know, para kay sehun tong ginagawa ko and hindi porke't pagnagkabati na kayo ay ayos na din tayo, naiintindihan mo ba?" Tumango tango siya.

Tumayo ako sa inuupuan ko at nagsalita bago umalis.

"Tomorrow, dito ulit sa restaurant. Mag-paplano na tayo."

----

"Baek, are you sure about this? I looked ridiculous" Tanong niya sa akin, i rolled my eyes.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo at iuurong na natin 'to"

"NO! Okay, gagawin ko na" sabi niya at sinuot ang rilakkuma mascot. Nang maisuot na niya yung costume ay inalalay ko siya sa gitna ng hallway.

"You know how much he loves rilakkuma. Parang panliligaw lang yang pakikipagbati mo, suyuin mo siya" i said tapos iniwan siya at umupo sa isang tabi.

Nang papalapit na si sehun kasama ang KaiSoo ay yumuko siya tapos itinaas yung banner na hawak niya.

'Im Sorry Baby Sehunnie!! Please forgive me!'

Napa-nganga naman sila sa nakita nila, nakita naman ako ni kyungsoo na mangiyak-ngiyak na sa kakatawa.

"G4go to. Inuuto mo si chanyeol eh" bulong niya. Alam niya kasi yung tungkol sa plano naming mag bati yung dalawa. Pero hindi na siya sumagot tungkol doon.

Pinunasan ko yung luha ko sa sobrang tawa at tinapik siya sa balikat.

"Eto naman, di ba pwedeng magloko kahit isang beses lang?"

Lumapit ako kay chanyeol at tinapik ang mascot niya, napalingon naman siya sa akin.

"Tara di gagana yang ginawa mo, di ka kasi sumasayaw."

"Pasensya na Se. May saltik kasi tong mascot. May crush yata sa iyo." Dagdag ko at hinila na ang mascot palayo.

----

"What?! Sinuot ko yung mascot na yun, just for fun?! Pinagtitripan mo lang ako?!" Pagrereklamo niya. Nagshrug ako at uminom ng kape.

"Oh, come on! Ang cute mo kayang tignan sa mascot na yun! You should wear that more often"sabi ko na tumatango tango. Tinignan lang niya ako ng masama.

"Okay, serious na."sabi ko at itinaas ang dalawa kong kamay na parang sumusuko.

"I'll try to convince him, but don't expect too much from me. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakikinig siya sa akin." I said.

"Make sure na hindi na kalokohan yan ah"sabi niya at nagde-kwatro.

"Wag mo akong itulad sa iyo. Hindi ako katulad mo." Then i smirked at him. Natahimik lang siya sinabi ko at ininom na rin ang kape niya.

---

"I said no, baek."

"Please, just give him a chance. Kapatid mo pa rin naman siya eh" nagmamaka-awang sabi ko sa kanya, he frowned.

"bakit ba bigla ka na lang kumakampi sa kanya?"

"Hindi ako kumakampi sa kanya Se. Gusto ko lang na magkabati kayo. Hindi dapat kayo nag-aaway nang dahil lang sa akin" ginulo niya ang buhok niya sa sobrang frustration.

"Why do you keep blaming yourself? Wala ka namang kasalanan. It's his choice at umabot kami sa point na to and kung gusto man niyang makipagbati, siya dapat ang nagsasabi niyan at hindi ikaw."mag wawalk out na sana siya nang sumulpot sa harapan niya si chanyeol.

Nagtitigan lang sila. Kita ang tensyon sa pagitan nila.. Pumagitna na ako sa kanila at baka magkaroon pa ng gulo.

"Sehun.."Sabi ni chanyeol

"Bakit ba nandito ka nanaman? Pinilit mo ba si baek para kumbinsihin ako?" nagtititigan pa rin ang dalawa.

"Oo, humingi ako ng tulong sa kanya para mapatawad mo na ako. Please sehun, let's stop this. Hindi ko kayang makipagaway sa iyo ng matagal."sabi ni chanyeol.

Napatingin naman si sehun sa bolang nasa gilid niya at pinulot. Tinignan ito at ipinasa ng malakas kay chanyeol buti na lang at nasalo niya agad.

"Let's have a match.. if i won , lalayuan mo kami and if you won, i'll give you a chance. So how's that sound?" Sehun smirked.

Alam niya kasi na hinding hindi mananalo si chanyeol sa kanya kaya hinamon niya si chanyeol sa basketball.

Kahit pa mas higante si chanyeol kay sehun ay lagi siyang natatalo kay sehun. Ilang beses ko na din silang napanood na lumaban kaya alam ko na ang mangyayari.

Nakita ko pang napalunok si chanyeol nang sabihin iyon ni sehun.

"G-game. Payag ako" sabi ni chanyeol at ibinaba lahat ng gamit niya.

"Sehun, bakit hinamon mo siya sa basketball? Alam mo na kung sino ang mananalo." I asked sehun. He grinned.

"Who knows baka manalo siya" he shrugged then ibinaba na din ang gamit niya.

After a few minutes , they started the game ..

--

[EDITING] I Thought▶▶ChanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon