8
Baekhyun's POV
"Im sorry.." sabi ni chanyeol..
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng words na sasabihin ko. Ang alam ko lang ay gulat ako sa mga narinig ko..
"Sorry sa ginawa ko noong isang araw, sorry for being a jerk. Sorry kasi nasaktan kita.." then he cried.. ayoko siyang nakikitang umiyak. I want to hug and comfort him pero mas nangingibabaw yung galit na nararamdaman ko..
Hindi ko siya sinagot at umalis na sa kinatatayuan ko.
"I love you baek!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makakilos, para bang nabuhusan ako ng napakalamig na tubig..
Doon na tumulo ang luha ko. Totoo ba to? Mahal niya ba talaga ako?
Lumingon ako para lapitan at yakapin siya. Pero sa bawat lakad na ginagawa ko ay lalo siyang napapalayo sa akin.
"Baek!"
"Hoy! Hyung!"
-----
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si sehun na nag-aalalang nakatingin sa akin..
Panaginip? Panaginip lang pala ang lahat..
Iniangat ko ang ulo ko sa table at napatingin sa paligid..
Oo nga pala, nasa library pala ako para magresearch pero nakatulog pala ako.
"Hyung , ayos ka lang ba? Para kasing masama ang panaginip mo kanina" tanong ni sehun. I rubbed my eyes then stared at him.
"Okay lang ako se.. uhm. Paano mo pala nalamang nandito ako?" Ngumiti siya at tinap ang ulo ko..
"Malakas instinct ko pagdating sa iyo kaya wag kang magtaka kung nahanap kita" aniya at tumawa..
Napangiti ako sa sinabi niya at niyakap siya, medyo napatalon pa siya sa inuupuan niya dahil sa gulat..
"O-oh hyung, bakit?"
"Wala lang, gusto lang kitang yakapin" i heard him chuckled.
"Ikaw ah, pasimple ka pa. Chinachansingan mo lang ako eh."hinampas ko siya sa braso niya.
"Oww! Hyung ang sakit ah! Sadista ka talaga. Lumayo layo ka nga muna kay kyungsoo hyung, nahahawa ka na sa kanya eh!" Tumawa ulit ako tumayo..
"Tara na nga, umuwi ka na. Pagabi na." Sabi ko at hinila siya patayo.
"Ikaw? Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya, umiling ako. Alam na niya ang ibig sabihin ko kaya hindi na siya nagtanong pa.
----
Chanyeol's POV
"Are you sure na ayaw mong magpahatid?" I asked dara. Ngumiti siya at tumango.
"Ano ba, okay lang ako. Matanda na ako,kaya ko na ang sarili ko."
"Okay, just make sure na magtetext ka sa akin pagnaka-uwi ka na." She nodded again and kissed my cheeks.
"Ingat ka, i love you"sabi ko. Ngumiti lang siya at umalis.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay napabuntong hininga ako. Nang magsimula ang relationship namin, never kong narinig sa kanya yung word na 'i love you' pero i think hindi naman big deal yun hindi ba? Action speaks louder than words sabi nga nila.
Pumasok ulit ako sa mall, may nakalimutan kasi akong bilhin para kay sehun, peace offering ko.
Di ko kayang makipag-away sa kanya ng matagal. He's my brother after all.
![](https://img.wattpad.com/cover/51966124-288-k187964.jpg)
BINABASA MO ANG
[EDITING] I Thought▶▶Chanbaek
Fanfiction"I know the feeling of the word 'regret'" -Park ChanYeol (Editing, puro kajejehan) [Tagalog] ©2015 DoKimKyungKai 151018