15
Third person's POV
Sinimulan na nila ang game. Naupo si baekhyun sa mga bleachers at nanood, kinakabahan siya sa mangyayari.
Habang ang score boy nilang si Lay ay nasa scoreboard syempre at napakamot sa ulo niya dahil hindi niya talaga alam kung bakit siya napunta sa gym at naging score boy.
Simple lang daw ang rules, ang una daw na maka-30 points ang siyang panalo.
Ibinigay ni sehun ang bola kay chanyeol. Alam niya kasing mananalo siya kaya pinagbigyan na niya. (hangin ah)
Dinribble ni chanyeol ang bola at nagsukatan lang sila ng titig na parang naghihintay ng timing.
Ilang sandali pa lamang ay nagsimula nang tumakbo si chanyeol papunta sa ring pero mabilis siyang naabutan ni sehun para harangan.
Sinubukan ni chanyeol na tumalikod para hindi maagaw ni sehun ang bola. Mabilis siyang nagovertake at ishinoot ang bola.
'Phew! Luckly i got the first shot.. keep it up chanyeol' sabi ni chanyeol sa sarili niya.
Hawak na ni sehun ang bola at turn na niya para idala ang bola sa ring. Mabilis niyang nilagpasan si chanyeol, dali dali naman siyang hinabol ni chanyeol.
Nang ishoshoot na niya ang bola ay tumalon na rin si chanyeol para iblock siya pero agad na nakagawa ng move si sehun.
Hindi muna niya ishinoot ang bola at tumalon ulit, yun yung oras na pababa na si chanyeol at wala na siyang oras para magblock ulit.
At doon nakuha ni sehun ang two points.
---
Ilang minuto na rin silang naglalaro, medyo mahigpit ang laban nila ngayon at hindi mapakali si baekhyun sa inuupuan niya dahil parang maiihi talaga siya sa kaba.
So balik na tayo sa laro dahil baka maihi daw talaga siya kasi pinapansin natin siya. Pshh!
Napatingin si chanyeol scoreboard..
Sehun chanyeol
28 27'Shit' mura niya.
Isang shoot na lang ay mananalo na ang kapatid niya. Napapikit siya at pinakalma ang sarili, ang tanging nasa isip niya ay manalo. Kailangan niyang manalo.
Sehun looked at his brother, kita niya na nagpupursige ang kapatid niya para manalo siya. Ramdam niya na seryoso ito sa pakikipagbati dahil never siyang naabutan ni chanyeol sa ganitong score.
Iminulat na ni chanyeol ang kanyang mga mata at ihihanda ang sarili. Ibinigay sa kanya ni lay ang bola, tumakbo na siya at nilapitan naman siya ni sehun, sinubukan niya ulit na tumalikod pero agad na naagaw ni sehun ang bola mula sa kanya.
'This ends now' Napangise si sehun sa naisip.
Nagpanic si chanyeol, hinabol niya si sehun at mukhang matatalo na siya.
Tatalon na sana si sehun para ishoot ang bola niya para makakuha ng three points nang sumigaw si chanyeol. Andyan na nga malapit sa kanya, bakit kailangan pang sumigaw?
"Sehun!" Napalingon siya sa hyung niya, napakunot ang noo ni sehun pati si baekhyun nagtataka.
Hinila ni chanyeol ang dulo ng mga tenga niya para magmukha siyang dwende. Dwende nga ba? Sabay sigaw ng...
"May the force be with you!"
Mas lalong nagdikit ang mga kilay ni sehun sa narinig, iniisip niya baliw ba ang kalaban niya.
Napangisi naman si chanyeol at mabilis na inagaw ang bola, bumalik sa ulirat si sehun at nanlalaki ang mga mata na sinundan ng tingin si chanyeol.
At nang makalingon siya ay doon na ishinoot ni chanyeol ang bola. Lahat sila sinundan ang bola, napapikit si chanyeol at hiniling na sana maipasok niya.
Nang...
"Three Pooiintssss!" Sigaw ni lay, naikinamulat ni chanyeol. Natulala siya hindi niya akalaing nakuha niya ang last shot.
Lumingon siya kay sehun, hindi niya masyadong makita ang expression niya, pero madilim ang aura nito. Lumapit si sehun sa kanya at hinawakan ang kwelyo niya.
"That's cheating, hindi counted yun pero..."bulong ni sehun.
Napatayo naman agad si baekhyun at dali daling lumapit sa dalawa para pigilan sila pero natigilan siya sa pagtakbo nang marinig niya ang mahinang pagtawa ni sehun.
Nagtaka naman ang dalawa sa inaasta nito. Ilang sandali pa lamang ay lumakas ang tawa nito at humawak sa tyan niya.
Lumuwag naman ang paghinga ni baekhyun at si chanyeol naman? Ayun nagtataka pa rin.
"What the Fvck hyung! Nasobrahan ka na yata sa panonood ng StarWars? Pinanindigan mo na ba yang pagiging Yoda mo?!" Napatawa si chanyeol sa narinig niya at niyakap ng mahigpit ang kapatid na hanggang ngayon tumatawa pa rin.
Napangiti si baek sa nakikita niya.
'Mission Completed!'
---
"Hyung naman eh! Ilibre mo na kami sa bubbletea house! Last na to, promise!" Sehun whined.
"Abuso ka na ah! Kanina ka pa nagpalibre!" Reklamo ni chanyeol sa kapatid, nag-aegyo naman si sehun kaya napabuntong hininga si yeol , habang si baek naman nandidiring nakatingin kay sehun.
"Sige na nga, tara na. Last na to." Sabi ni chanyeol. Napatalon sa tuwa ang maknae at nakapout na bumaling kay baek.
"Ang sama talaga nito, ang cute ko kaya" ani ni sehun at pinitik sa noo si baek, napa-aww nalang ito sa sakit.
"Oo na lang, napakatrying hard mong magaegyo eh." Pumunta na sila sa bubbletea house at humanap ng uupuan. Nakakita naman sila ng mesa sa tabi ng bintana.
"Ako na lang ang mag-oorder, gusto kong mag-usap pa kayo diyan. So ano sa iyo sehun?" Tanong niya.
"Taro yung akin!"
"Ikaw.. chanyeol" malamig na tanong ni baek sa kanya.
"Ngayon lang ako titikim ng bubble tea so i think i'll try what sehun ordered" sabi nito at yumuko. Ibinigay ni chanyeol ang pera at agad na nag order si baek.
"Hyung..." tawag ni sehun, napaangat naman ng tingin si chanyeol.
"Hmm? Bakit?"
"Gusto mo ba si baek?" Seryosong tanong ni sehun na ikinalaki ng matani chanyeol.
"Hindi!" Agad na sagot niya. Napangiti naman ang nakababatang kapatid sa kanya.
"B-bakit mo natanong?" He asked, napakamot naman sa batok si sehun. Nakita pa ni chanyeol ang pamumula ng mukha nito.
"Ano.. ano kasi..tutal sabi mo hindi mo gusto si baek, kaya wala akong kaagaw sa kanya. Pwede mo ba akong tulungan na mapasagot siya? Wala akong alam sa romantic things at ikaw lang yung tanging tao na alam kong maraming experience sa ganito kaya humihingi ako ng tulong."
"A-ahh o-okay, sure!" Sabi ni yeol at nagthumbs up.
Napatigil sila sa pag uusap nang makarating na si baek sa table nila may dalang tatlong bubble tea at umupo sa tabi ni chanyeol.
Tinitigan lang niya ang dalawa sa harapan niya. Kinuha ni baek ang straw at inilagay sa bubble tea ni sehun. Ibinigay niya ito sabay sabing..
'oh, bubble tea mo, wag ka nanaman mag astang bata baka matapon mo nanaman yan'
Panenermon ni baek abot tenga naman na ngumiti si sehun at ginulo ang buhok ng tuta.
Napakagat ng labi si chanyeol. Feeling niya ... feeling niya minsan namimiss niya yung pangungulit at pag aasikaso ni baekhyun sa kanya..
Tama ba na pumayag siya kay sehun?
He brushed his thoughts away at nagsip na sa bubble tea, ignoring those two infront of him.
----
![](https://img.wattpad.com/cover/51966124-288-k187964.jpg)
BINABASA MO ANG
[EDITING] I Thought▶▶Chanbaek
Fiksi Penggemar"I know the feeling of the word 'regret'" -Park ChanYeol (Editing, puro kajejehan) [Tagalog] ©2015 DoKimKyungKai 151018