18
Tahimik sila sa biyahe, ang awkward isip ni baek. Ilang minuto pa lamang ay nakarating silang apat sa mall.
"Hyung, iikot mo muna si luhan." Napalingon si chanyeol kay sehun, kumindat ito sa kanya, senyas na bigyan sila ng time para mag-solo.
Tumango lang siya at bumaba ng kaunti para magkatapat sila ni luhan.
"Luhan, pasyal tayo. Si chanyeol hyung ang bahala sa iyo" sabi niya at ngumiti sa bata. Tumingin si luhan sa dalawa pang lalaki sa likod at kumunot ang noo niya.
"si baekkie hyung at saka sehunnie?" Tanong ng bata sa kanila. Nagkatinginan si chanyeol at sehun. Si baek naman palihim na kinukurot si sehun sa braso nito.
Nahiya siya bigla kay chanyeol, kahit naman galit pa rin siya dito , nakakahiya na ipababysit si luhan para lang makapagdate sila ni sehun.
"May pupuntahan lang sila pero babalik din agad. So tayo muna ang magdedate, okay?" Nagulat ang bata sa sinabi ni chanyeol. Namula ito at napayuko, They chuckled.
"O-okay" sagot niya. Tumayo na si chanyeol at walang expression na tumingin sa dalawang nasa likod nila.
"Okay na daw, go na. Masasayang ang oras" then he smiled a little.
Ngumiti ng malapad si sehun then he mouthed 'thank you' habang si baek naman masamang nakatingin kay sehun.
Nagsimula na silang maglakad palayo. Siniko ni baek si sehun.
"Aray naman hyung!"
"Pinlano mo to no?" Ngumisi siya at pinalo siya ni baek sa braso... Malakas...
Napapikit si sehun sa sakit.
"Oo na! Pinilit ko si hyung na sumama para ma-solo kita, masama bang hilingin na makasama ka ng isang buong araw?"
"Yung hiling mo hindi ,pero yung namilit ka ng tao para sa gusto mo, Oo" sabi ni baek at lumakad palayo sa kanya dahil sa sobrang inis.
"Hyung, sorry na oh. Last na to, hindi ko na ulit pipilitin si hyung!" Napatigil si baek sa paglalakad at hinarap si sehun.
"Sigurado ka?" Tumango ito.
" Aish, tara na nga! Saan ba tayo?" Tanong ni baek. Ngumiti si sehun at hinila siya papunta sa sinehan.
"May tickets na binigay si jongin sa akin, dapat daw sila ang manonood ni kyungsoo hyung kaso may lakad daw siya kaya hindi natuloy, sabi niya sayang daw at walang gagamit kaya binigay niya sa akin." Bago sila pumasok sa sinehan ay bumili muna sila ng popcorn,nagtataka nga si baek kung bakit may hawak na birth certificate yung mas bata sa kanila bago pumasok ng sinehan.
Nang makapasok sila ay agad silang nakahanap ng mauupuan nila at ilang minuto pa lamang ay nagsimula na ang palabas.
"Teka, alam mo ba yung pinapanood natin?" Tanong ni baek sa katabi niya, nagkibit balikat si sehun at kumuha ng popcorn.
"Hindi ko din alam eh. Basta ang title 'fifty shades of grey' mukha ngang horror eh. Sabi ni jongin maganda daw 'to" sagot ni sehun at nag focus na sila sa panonood.
Nasa kalagitnaan na ng palabas at kita sa mukha ng dalawa ang shock dahil wala silang ideya kung anong pinasukan nila. (Ehem)
Nakanga nga na si baekhyun samantalang si sehun ay unti unting nabuhayan ng kaluluwa.
Emerghed! Ang inosenteng mga mata ni baekhyun ay nadungisan na at kasalanan ito ni jongin. Huhuhu! Baekhyun close your eyes!!
Hindi na kinaya ni sehun kaya hinila na niya palabas si baekhyun. Tinakpan ni sehun ang kaluluwa niya habang paulit ulit na umiikot pa rin sa utak ni baekhyun ang mga ungol na narinig niya kanina and i swear unti unting nadedevelop ang utak ni baek sa nangyari.
"Pvtang!na, patay ka sa akin jongin mamaya." Bulong ni sehun sa sarili niya. Tinry niyang hindi tumingin kay baek na nakatulala pa rin para pakalmahin ang nagising na kaluluwa. Nahihiya siya sa nangyari, sobra..
Nang kumalma na siya ay lumapit siya kay baekhyun, napatingin ito sa kanya.
"Sorry hyung! Hindi ko alam na ganoon pala iyon! Sorry!" Tinignan niya ito, naiiyak na si baekhyun, feeling niya nakagawa siya ng mabigat na kasalanan, pero hindi niya sadya no.
"O-okay lang.. hindi mo naman kasalanan.. t-tara na.." sabi nito na magiyak ngiyak na.
'Masasabunutan ko talaga si jongin pag nakita ko siya' isip ni baek.
----
Naglalakad na sila papunta sa isang restaurant at lalo nang dumadami ang mga tao sa mall. Nagtataka si sehun dahil usually mga ganitong araw ay kokonti lang ang pumupunta.
"Ang daming tao, ano kayang mayroon?" Tanong ni baek.
"Siguro may sale ngayon?"
"Walang Sale ngayon ano ba." Napalingon sila ng may sumigaw.
'AAHHHHHHH! OMG! NANDITO NA ANG EKSO ! DALII!'
Nang isigaw ito ng isang babae ay lahat ng babae sa mall ay nagsi-takbuhan papunta sa malaking stage ng mall.
At sa sobrang dami nila ay naanod palayo si baek ng mga fangulls na nagsisigawan.
"Baekhyun!" Sigaw ni sehun at nakipagsiksikan sa mga fangulls para makuha si baek pero hindi na siya makita.
Mahihirapan siya sa paghahanap dahil halos mapuno na yung mall dahil sa concert na iyan.
'Pambihira! Wala ba silang arena?! Bakit sa loob ng mall ang concert?!' Naiinis na si sehun, gusto niyang itulak ang mga tao para makita lang si baek pero hindi niya magawa.
3 oras na siyang naghahanap at tapos na ang concert, wala si baek sa mga nagkukumpulan na mga tao. Nag aalala na siya, paano na lang kung may mangyaring masama sa kaniya? Siya ang sisisihin sa lahat.
Dali dali niyang kinuha ang phone niya at agad na tinawagan si baek pero cannot be reached siya. 20 niya otong paulit ulit na tinawagan pero wala pa rin kaya hindi siya mapakali na tinawagan si chanyeol.
After ng tatlong ring ay sumagot ito.
"Hello hyung!"
[Oh, bakit? Bakit ka hinihingal? May problema ba?]
"S-si baekhyun , hyung! Si baek! Tulungan mo ako dali!"
[Teka! Sabihin mo kung anong nangyari! Anong nangyari kay baekhyun?!]
"Nawawala si baekhyun!" Ramdam ni sehun na nagpanic na din si chanyeol. Agad na tinanong ni chanyeol kung nasaan siya.
[Maghintay ka diyan! Papunta na kami!]
-----
TBC
(A/n: Yaassss! May part 2 pa po!! Ohorat Sinong unang makakakita sa kanya? Si sihon o si pakyeol? (≧▽≦)/~┴┴ make a guess, guys!)

BINABASA MO ANG
[EDITING] I Thought▶▶Chanbaek
Fanfiction"I know the feeling of the word 'regret'" -Park ChanYeol (Editing, puro kajejehan) [Tagalog] ©2015 DoKimKyungKai 151018