Usapang Forever

1.7K 56 0
                                    

Warning: Lame po ito alam ko wala lang talaga ako sa mood next chapter babawi ako promise :-D

Note: Kung minsan di talaga ako makaka update kasi po busy sa school lalo na 4th grading highschool palang po ako grade 10 kaya sana maunawaan nyo tska kailangan ko pong pangalagaan ang grades ko.. Kaya pasensya na kung paasa minsan si author XD



Hindi naging maganda ang araw kong ito mabuti na nga lang at may emergency meeting ang mga teachers kaya napa aga ang uwi namin pero niyaya ako nitong si Raquel sa bahay nila sabi naman nya wala daw ang kuya nya dahil may practice daw eto well tungkol sa nangyari kanina ayun pagkatapos ko umiyak sa kaniya sya mismo ang pumunit ng lahat ng nandun sa bulletin board pagkatapos ay niyaya na ako sa loob ng room namin.

"Hay nako girl ang lalim nanaman ng iniisip mo pabayaan mo na muna yun, alam mo mga inggit lang yun bahala ka pag nakita ka nila mommy na malungkot lalo ka nun uusisain tapos aasarin ka kay kuya nun bahala ka" babala sa akin ni Raquel alam ko naman na pati sila apektado dahil malungkot ako pero hindi ko talaga magawang ngumiti sa sitwasyon ngayon.

"Tara na nga dun tayo sa kitchen kain tayo ng ice cream tska chocolate para sumaya ka" nakaka hiya tuloy kay Raquel kasi naman kung tulad lang ako ng ibang mga babae hindi koi to gagawing big deal pero ibahin nyo ako.

Kumain lang kami ng ice cream at chocolate pagkatapos ay umakyat kami at pumunta sa kwarto nya. Kung ano ano nanaman ang tinanong nya sa akin.

"hay nako panigurado bukas may paguusapan nanaman" ano? Ibig sabihin meron pang balita?

"Di kita maintindihan Raquel"

"Ang ibig kong sabihin sigurado ako na nahanap na ni kuya ang kung sino mang gumawa nun sayo at bukas na bukas tiyak may parusa yun." Ano!

"Pero di naman nya kailangan gantihan yun eh" Kaasar panibagong kaguluhan nanaman at iyon ay dahil sa akin may nanadamay tuloy na ibang tao.

"Alam mo di mo pa kasi kilala si kuya pag yan may mahal ayaw na ayaw nya na inaaway o pinapayak ng ibang tao ang taong mahal nya kasi nga mahal nya diba!" Nakakawindang ang mga pinagsasasabi ni Raquel.

"Mahal? Maniwala ka naman" hanggang ngayon ayaw ko parin umasa na may gusto sa akin si Gabriel dahil isang hamak na simpleng babae lang ako.

"Oo mahal ka nun. Maniwala ka sa akin nako yung mga effort na yun sayo nya lang ginawa tska never sya umakap ng ibang tao syempre maliban sa pamilya nya at sa first love nya." Sapat na ba yun para maniwala ako?

"Hay nako ewan ko, pero di parin talaga sapat" Mahirap na yung palagi ka nalang go ng go di naman sigurado

"Pero sana wag mo saktan ang kuya ko kasi kahit ganyan yan kapatid ko yan alam mo naman na mahal ko din yang lokong yan kahit na minsan di kami magkasundo na kahit magkalayo na magkalayo ang ugali namin. Sana nga ikaw nalang makatuluyan ni kuya kasi masaya yun close ko na agad ang asawa nya di na ako mahihirapan makisama" Baliw na talaga itong si Raquel kung ano ano ang sinasabi.

"Darling nandyan ba si Marian? Sabi kasi ng mga maid kasama mo daw" kumakatok ang si tita emerald sa pinto ni Raquel kaya pinagbuksan na ito ni Raquel. Dali dali naman itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Aww, selos ako nauna pa niyakap ni mommy si Marian" pagbibiro ni Raquel sa amin

"Tumahimik ka muna dyan anak si Marian muna ang kakausapin ko. Hija nabalitaan ko ang nangyari at dahil doon ay nagkaroon ng emergency meeting kasi ang tanging makakapag post lang sa bulletin board ay ang mga teachers sa bawat department hindi din daw nila alam kung sino ang naglagay non doon." Hala nakakahiya naman nalaman pa ni tita emerald.

"Pabayaan nyo na po iyon. Nangyari na po."

"Pero Marian kailangan parin imbestigahan yun dahil may rules ang eskwelahan at nalabag iyon." Tama nga naman ni tita emerald pero ayaw ko ng maungkat pa iyon.

"Pero matanong ko lang ano ba ang ginagawa nyo doon ni Gabriel at gabi na nandoon parin kayo?" Sabi ko na ng aba at tatanungin iyon ni Tuta emerald nag kwento naman ako sa kanya at sinabi ko sa kanya ang totoo.

"hay nako bagay talaga kayo ng anak ko kung naka move on lang sya kay mary anne talagang ipipilit ko kayong dalawa sa isat isa, pero totoo nga bang nililigawan ka nya?"

"Nako mommy totoo yun promise may dala pa ngang boquet si kuya tska chocolates eh diba girl" Eton a pagtutulungan na ako nina tita at ni Raquel

'OMG inlove na talaga sayo ang anak ko!!"

"Tama ka dyan mommy sa wakas may nahanap din si kuya"

Di naming namalayan na nakatingin na pala sa amin si Gabirel, nakadating na pala ito at tuturuan ko pa ito.

"Oh anak kanina ka pa dyan?" tanong ni tita emerald kay Gabriel

"Di naman po kakarating ko lang sabi lang ng maid na nandito daw kayo kaya pinuntahan ko na kayo pwede ko nap o bang mahiram si Marian?"

"Ay!! Oo naman anak sige na Marian tatawagin ko nalang kayo pag nakahanda na ang pagkain" Grabe ding mangbugaw itong si tita Emerald.

Pumunta na kami sa study room at ang una naming inaral ay ang Filipino well nasa Romeo and Juliet palang naman kami kaya madali lang to panigurado alam na din nya to.

"So siguro naman alam mo kung bakit di pwedeng magkatuliyan sina Romeo at Juliet?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sya sa akin nakaka awkward naman sya kung tumingin.

"Di sila pwede kasi magka away ang pamilya nila."

"Mabuti naman at alam mo siguro naman alam mo na din ang kwento no?"

"Oo naman"

"So ibang subject nalang ang aralin natin."

"May tanong ako"

"Ano yun?"

"Kung di kaya nakita ni Romeo si Juliet noon sa tingin mo magiging sila parin kaya?"

"Well, may destiny kaya panigurado magkikita at magkikita sila kasi sila ang nakalaan para sa isat isa sila ang forever."

"Forever? Walang ganon"

"Kung hindi ka naniniwala sa forever edi wala kang chance sa akin kasi ako naniniwala ako sa forever. Bawat isa sa mundong ibabaw ay may forever yung iba nga lang di nila ito nahahanap pero sigurado akong may forever."

"Di ako naniniwala sa salitang forever pero tayong dalawa hanggang sa pagtanda maniniwala pa ako kasi ikaw ang nakalaan sa akin."


Taming The BEAST!! *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon