Day Five: Going Home

1.3K 51 0
                                    

Warning: Lame update ahead









Dedicated to: Chardawn 4789

Saturday ngayon at walang pasok buti nalang dahil baka ma interrogate nanaman ako ni Raquel tungkol sa pinagusapan namin ni Marie ann dahil simula kagabi ay tawag na sya ng tawag at nakikibalita.

"Anak may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman po nay may ipaguutos po ba kayo?"

"Anak napag usapan kasi namin ng tatay mo na gusto namin manirahan sa Ilocos alam mo na anak matanda na kami"

"Ang ibig nyo pong sabihin ay lilipat na tayo?"

"Ganun na nga anak"

Halata sa mga mata ni Nanay na ayaw nya pero may pumipilit sa kanila ni tatay na lumayo sa Maynila si Tatay naman ay nakatingin lang kay Nanay at walang sinasabi.

"Tay sigurado na po kayo ni Nanay?"

"Anak para din naman ito sa ikabubuti mo mahirap ang buhay dito sa Maynila at hindi na kami bumabata ng nanay mo"

"Nay, Tay nakita nyo naman po na nandito ang eskwelahan ko ang mga kaibigan ko tska isa pa magtatapos na po ako baka naman po pwedeng pagkatapos ko nalang sa pag aaral ng high school"

"Anak hindi pwede" Ma awtoridad na sabi ni Nanay

"Sabihin nyo nga sa akin Nay, Tay may tinatago po ba kayo sa akin?"

"Anak naman bakit mo naman naisip ang ganyang mga bagay" si tatay na ang sumagot sa katanungan ko dahil namutla si nanay

"Marian ang gusto lang namin ay ang makakabuti sa iyo"

"At itong pag alis ang sa tingin nyo makakabuti sa akin nanay?"

"Marian makinig ka sa amin ng tatay mo sundin mo nalang kami dahil balang araw ayoko na pagsisihan ang mga bagay na ito"

"Ano ba kasi ang problema nay?"

"Basta anak aayusin na namin ang lahat lilipat tayo sa Ilocos doon na tayo titira"

"Nay hindi na ako yung batang dati ay sunod ng sunod sa inyo nay may buhay naman ako at alam nyo na kapag lumipat tayo ay kailangan ko nanaman mag adjust isa pa nay mas maayos naman ang buhay natin dito at may ipon naman po ako kung gusto nyo magta trabaho ako para lang hindi nyo na kailangan pa magtrabaho"

"Basta kami ang masusunod ng tatay mo"

"Hindi nyo manlang ba iisipin ang kapakanan ko din nay puro nalang ba kayo?" Sa sobrang sama ng loob ko ay lumabas nalang ako sa bahay maglalakad lakad nalang ako hanggang sa huminto ako sa parke na malapit sa amin maraming bata ang naglalaro parang napaka laya nila at pinapabayaan lang sila ng magulang nila mag desisyon at sinusuportahan lang sila pero ako sa tagal ko na dito sa mundong ito kahit kailan hindi ko naramdaman maging malaya hindi ako maka hindi sa mga magulang ko.

"Si-sino ka?" Nawala ako sa pag iisip dahil may nagtakip sa mga mata ko

"Sino ka ba? Kidnapping ba to? Please wala kaming pera mahirap lang kami" hindi ko na napigilan ang mapaluha at mukhang alam din ng kung sino mang nasa likod ko na umiiyak na ako kaya tinanggal na niya ang takip sa mga mata ko at pumunta sa harapan ko.

"I'm sorry Marian"

"Ga-Gabriel?" Si gabriel ang kanina pang nasa likod ko

"Gusto lang kita sorpresahin nakita kita dito kasi papunta ako sa bahay nyo hindi ko naman alam na matatakot ka I'm sorry"

lalo akong napaiyak at hindi ko napigilan na yakapin sya dahil sa pagyakap ko sa kanya nawawala lahat ng problema ko kapag kasama ko sya kaya kong harapin ang lahat at ngayon paano nalang kung lalayo na ako at hindi ko na sya makikita.

"I
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Love
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
You
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Gab"









Hi everyone sorry sa matagal na update minsan kasi umaalis kami at isa pa minsan wala akong gana katulad ngayon kaya lame ang update sorry pero babawi nalang ako...

Taming The BEAST!! *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon