Going Home

1.7K 43 6
                                    

Matapos ang honeymoon ay umuwi na kami ni Gab balik sa dati nag tra trabaho parin naman ako sa ngayon hindi nman nya iyon ipinagbawal basta kung saan daw ako masaya yun ang gawin ko at papayag naman sya dito muna kami tumitira sa bahay nila mommy emerald inaayos pa kasi ang bahay na ipinagawa ni Gab nilalagay nalang naman ang mga gamit dun kaya next week pwede na kami lumipat binenta narin ni Gab ang condo nya sabi nya ay pangit daw ang memories naman dun pinag tawanan ko pa nga sya dahil dun.

Nasa trabaho ako ngayon pinuntahan naman ako ni Mr. Serratione para imbitahan ulit sa kanila sinabi ko naman kay Gab at pumayag sya sabi nya trabaho daw kaya ayos lang kahit hindi maayos ang turingan nila. Ipinasundo naman ako ni Gab sa driver at nakarating naman kami sa bahay ni Mr. Serratione

"Mabuti at nakarating ka Marian"

"Sino ba naman po ako para tumaggi sir"

"Sya nga pala si Arzaylea anak ko"

"Hello Marian nagkita ulit tayo."

"Hello po"

"Kamusta naman si Marie ann?"

"Ayos naman po sya"

"Nagulat ka siguro ng malaman na sya pala ang nawawalang heredera"

"Oo nga po di ko po inakala"

"Sya nga pala congrats at kinasal na daw kayo ni Gabriel buti at pumayag ang magulang mo na sina Glenda at Bernard"

"Salamat po. Sya nga po pala paano nyo po nalaman ang pangalan ng magulang ko?"

"Hu? A-ano.... Umm"

"Tara na Marian nagaantay na ang pagkain"

"S-sige po"

Hinatid naman ako ng maids nila pinaupo na sa hapag kainan naiwan ang mag ama sa sala ng bahay.

"Arzaylea pwede bang itikom mo ang bibig mo"

"Nabigla lang ako ok"

"Pag nakahalata sya masisira ang plano ko na ilayo sya"

"Ok sorry"

Naging tahimik naman ang pagkain kung minsan ay naguusap kami tungkol sa negosyo hanggang sa nagpasya na akong umuwi dahil tinawagan na ako ni Gabriel.

"Salamat po sa anyaya nyo sa akin air"

"Salamat din Marian sa pag punta"

"Isipin mo parin ang offer ko sayo na sa ibang bansa magtrabaho"

"Nako hindi na po may pamilya po ako dito at tiyak hindi papayag ang asawa ko"

"Sige Marian magiingat ka"

Habang nasa sasakyan ay inaantok na ako malayo layo pa kasi ang bahay nila Mr. Serratione sa bahay nila mommy emerald kaya nakatulog ako nagising lang ako ng may narinig akong putok ng baril.

"Mam may humahabol po sa atin"

"Ano?"

"Yung naka kotse po sa likod kanina pa po tayo sinusundan ngayon naman po nagpaputok sila ng baril"

"Bilisan mo nalang manong iligaw mo sila"

"Yun na nga po ang ginawa ko mam ang kaso mukhang dalawa silang sumusunod kaya hindi tayo makatakas. Nako Mam yumuko po kayo may baril nanaman sila"

Yumuko ako at sunod sunod na nga ang putok ng baril hanggang sa mawalan ng kontrol ang driver at tumama kami sa isang puno nakita ko namang wala ng malay ang driver ko at may tumutulo naring dugo mula sa noo ko huminto naman ang humahabol sa amin at narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kotse nila hanggang sa matinig ko rin ang footsteps nila palapit sa kotse namin buti nalang at may sumigaw na tao kaya agad silang tumakbo at pinaharurot ang kotse nila may nagsilapitan naman na tao sa kotse namin at tumawag narin sila ng ambulansya hanggang sa dumating ito at isinakay na kami at dinala sa ospital nakatulog ako at nagising nalang na nasa kwarto na ng ospital nakita ko narin si Gabriel nakatayo malapit sa akin at sina nanay na nakaupo sa couch sila mommy emerald naman ay kausap ang pulis.

"Hon may masakit ba sayo?"

"W-wala naman"

Dumating naman agad ang doctor at chineck ako.

"Mr. Fontanilla wala naman kaming nakitang fractures sa asawa nyo ang sugat lang sa noo nya ang natamo nya sa aksidente mabuti at malakas ang kapit ng anak nyo at hindi nagka miscarriage si misis."

"W-wait doc anong anak?"

"Hindi nyo po ba alam? Buntis po ang asawa nyo she's 3 weeks pregnant. Congratulations Mr. and Mrs. Fontanilla"

"T-totoo ba to doc?"

"Yes Mrs. Fontanilla mabuti nalang nga at makapit si baby reresetahan kita ng gamot para sa pagbubuntis mo sa ngayon magpahinga ka lang muna at iwas stress babalik nalang dito ang nurse para ibigay ang gamot mo, mauna na po ako."

"Hon magkaka anak na tayo. Magiging daddy na ako."

"O-oo nga"

"Bakit parang hindi ka masaya?"

"H-hindi nagulat lang ako."

"Son naayos na namin at may lead na sa wakas kung sino ang gumagawa nito kay Marian."

"Thanks dad"

"Narinig namin ang good news! Magkaka apo na kami totoo ba?"

"Yes Ma magiging lolo at lola na kayo."

"Maiingat ka na palagi anak. Mauuna na kami ng tatay mo at inaantok na sya eh hindi pa nakaka inom ng gamot babalik nalang kami bukas ng umaga."

"T-teka lang po nay, pwede po bang kausapin ko kayo saglit lang po. Pwede po bang iwan nyo muna kami?"

"Ok dear mauuna narin kami ng daddy michael mo baka hinahanap na kami nina Robert at Liz babalik nalang rin kami bukas ok."

"Ok po ingat po kayo."

"Hon hatid ko lang sila mommy"

"Sige hon"

"Bibili lang ako ng kape at babalikan nalang kita dito Glenda."

"Sige"

Nagsilabasan na sila kami nalang ni nanay ang naiwan hindi ko na napigilan ang pag iyak.

"Bakit ka umiiyak anak? Makakasama sayo yan."

"Nay ang laki po ng problema ko."

"Bakit naman anak? Kung yung gustong pumatay sayo ang problema mo pabayaan mo na yun may lead nanaman na ang mga pulis."

"Hindi yun nay"

"Eh ano ang iniiyak mo dyan?"

"Nay... H-hindi ko ho alam k-kung sino ang..."

"Ang ano anak?"

"H-hindi ko po alam kung sino ang tatay ng anak ko."

"Marian!"

"Nay baka si Sebastian o si Gabriel hindi ko alam"

"Paano mo nasabi yan?"

"3 weeks na po akong buntis at kung bibilangin maaaring nung week bago ako kinasal ito nabuo nay nung week na yun may nangyari sa amin ni Gabriel at binaboy naman ako ni Sebastian kaya hindi ko alam kung sino nay"

"Anak tumigil ka na wag ka na umiyak. Maigi pa sabihin mo iyan kay Gabriel"

"Ayoko nay nakita nyo naman kung gaano sya kasaya hindi ba ayokong saktan sya"

"Mas masasaktan sya kung paniniwalain mo sya sa kasinungalingan."

"Nay anong gagawin ko kung si sebastian ang tatay?"

"Wala na tayong magagawa dyan anak ang mahalaga alam ni Gab ang totoo kung tatanggapin nya yan na parang kanya edi walang problema"

"Paano kung hindi nya tanggapin nay?"

"Kilala ko si Gab mahal ka nya kaya matatanggap nya iyan isa pa hindi mo naman ginusto ang nangyari sa inyo ni Sebastian."

Sinundo na ni tatay si nanay at bumalik naman na si Gab kwento lang ng kwento si Gab at tuwang tuwa sya dahil magkaka anak na daw kami hindi ko naman magawang maging masaya dahil walang kasiguraduhan kung sino ang tatay ng batang dinadala ko.

Taming The BEAST!! *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon