The baby

1.7K 47 14
                                    

Nagising ako na nasa tabi ko parin si Gab himala at hindi maaga pumasok sa opisina. Bumangon na ako at naligo pagkatapos ay nag luto na ako ng breakfast tulog parin naman sya eh kaya hindi ko na inistorbo habang nagluluto ako ay tumunog ako cellphone ko nilapitan ko at binuksan ang message pero bago ko pa mabasa ang text ang bumalik ako sa pagluluto baka masunog ang bacon pagkatapos ko lutuin ang bacon ay inilapag ko na ito sa mesa nagulat pa ako pagka harap dahil nandun si Gab nakasimangot parang galit hawak nya ang cellphone ko na ikinataka ko kinuha ko naman ito sa kanya at binasa.

"Marian can we talk? Si Sebastian to."

"So may contact parin kayo sa isat isa?"

"Wala na Gab tignan mo nga hindi naka registered ang number nya kasi hindi ko naman alam ang number nya nagulat lang din ako kung paano nya nalaman ang number ko."

"Ang dami mong palusot hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko eh"

"Gab hindi naman ako nagsisinungaling sayo."

"Hindi ka nga nagsisinungaling pero tignan mo naman ang gulo nanaman ng buhay natin kasi diba hindi mo alam kung sino ba ang tatay ng batang yan, nakapasok na sya sa loob ng damit mo baka naman pati sa puso mo nandun narin sya sabihin mo nga sa akin Marian nasiyahan ka ba sa piling nya ha! Gusto mo narin ba sya?!"

"Gab ikaw lang ang tinitibok ng puso ko wala ng iba at kung tatanungin mo ako kung masaya ba ako sa nangyayari ngayon isa lang ang isasagot ko sayo hinding hindi ako masaya ngayon dahil nakikita kitang nasasaktan nakikita kitang nahihirapan kung p...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gab ikaw lang ang tinitibok ng puso ko wala ng iba at kung tatanungin mo ako kung masaya ba ako sa nangyayari ngayon isa lang ang isasagot ko sayo hinding hindi ako masaya ngayon dahil nakikita kitang nasasaktan nakikita kitang nahihirapan kung pwede lang na ako ang sumalo ng problema gagawin ko Gab ganun kita kamahal kaya walang puwang ang ibang tao sa puso ko dahil ikaw lang Gab ang gusto nito."

"Sana nga Marian, sana nga."

Iniwan ako ni Gab at umakyat sya muli sa kwarto isinarado nya pa ang pinto ng sobrang lakas mukhang galit na galit sya wala naman akong magawa upang ibsan ang sakit na nararamdaman nya gulong gulo na ako halos hindi ako makatulog ng maayos kakaisip ng solusyon at natatakot din akong malaman ang totoo paano nga kung kay Sebastian ang bata oo alam kong matatanggap ni Gab ang bata pero habang buhay maaalala ni Gab na hindi sya ang ama ng bata habang buhay masasaktan si Gab at hindi ko kaya yun hindi ko kayang makita na nahihirapan sya. Araw araw ganto nalang ako umiiyak ano ga ba ang magagawa ko maliban sa pag iyak wala na kasi wala akong kwenta. Habang patuloy ako sa pag iyak ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa bandang tyan sobrang sakit hanggang sa tumingin ako sa paanan ko at nakita ko na may naglalandas na dugo sa aking binti sobrang daming dugo.

"Gab!!!" Gabriel tulong!!! Gab!!!"

Dali daling bumaba ng hagdan si Gab at pinuntahan ako ng makita nya ako ay agad nya akong binuhat at isinakay sa sasakyan pinaharurot nya ito agad at dinala ako sa ospital.











AN: malapit na malapit na itong matapos 😃 salamat sa suporta... Baka naman po pwede kayong mag suggest ng name ng babae at lalaki salamat!!! 👍

Taming The BEAST!! *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon