Wedding Day

1.6K 43 2
                                    

Sa loob ng anim na araw na natitira naging ganon ang takbo ng buhay ko tatawagan ako ni Sebastian kung minsan naman ay pupuntahan ako ni Gab sa bahay dahil sa araw pa ng kasal ko darating sina Nanay kaya mag isa lang ako sa bahay parang ang dating tuloy ay isa akong bayarang babae nakakasawa pero wala naman akong magawa nagpapasalamat nalang ako sa diyos na ngayon na ang araw ng kasal at matatapos na ang kung anong namamagitan sa amin ni Sebastian nangako sya at umaasa akong tutuparin nya iyon kagabi ang huli naming pagkikita ni Sebastian at pinabura na nya sa akin ang video naniniwala ako na kahapon natapos na ang lahat ang tanging guilt ko nalang ay ang hindi ko pagsabi kay Gab ng nangyari sa amin ni Sebastian ngunit parang galit naman ito sa akin dahil sa nalaman nyang binayaran lang ako oo binayaran ako para patinuin sya pero hindi kasama roon ang pagmamahal ko sa kanya minahal ko sya ng walang kapalit minahal ko sya hindi dahil sa pera o kung ano man minahal ko sya bilang sya bilang si Gab na alam kong pro protektahan ako at mamahalin rin tulad ng pagmamahal ko sa kanya ang kaso humantong kami sa ganito nabuhay lang kami sa kasinungalingan sa loob ng ilang taong pinagsamahan puro kasinungalingan lang pala iyon civil kami ngayon sa isat isa hindi namin pinapakita sa iba na may problema sa amin ang alam ng lahat ay masaya parin kami pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gusto nya pa ituloy ang kasal. Nawala ako sa pag iisip ng dumating sina Nanay

"Anak bakit parang ang lungkot mo naman"

"Ayos lang po ako nay"

"Napaka ganda mo talaga anak."

"Nay wag kang umiyak naiiyak ako masisira ang mga make up natin."

"Hay nako paano ang prinsesa namin iiwan na kami"

"Nay ako parin naman ang prinsesa nyo tska bibisitahin ko kayo palagi"

"Anak patawarin mo kami ng tatay mo"

"Wala naman kayong nagawang mali nay"

"Patawarin mo kami anak sa lahat lahat"

"Nay ako dapat ang mag sorry sa inyo suwail itong anak nyo eh."

"Aba kelan ka pa naging suwail? Napaka swerte namin anak at ikaw ang binigay ng dyos sa amin"

"Hay nako Glenda pinapaiyak mo naman ang anak natin."

"Tatay!"

Niyakap ko ng napaka higpit si tatay sa lahat ng nakilala kong lalaki sya lang ang tunay na nagmahal sa akin.

"Anak tara na baka ma late pa tayo."

"Sige po tay tara na po nay"

Sumakay na kami sa kotse at tinahak na ang daan papuntang simbahan noong malapit na kami ay hinarang naman kami ng traffic enforcer at sinabing mag iba kami ng way dahil sarado ang daan at may ginagawa kaya umikot kami sa kamalas malasan naman ay traffic na stuck kami doon ng 30 minutes wala naman akong dalang cellphone dahil na kay Raquel iyon hanggang sa nakarating na kami at halos lahat sila ay nagkaka gulo na sa labas pinuntahan naman na ako ng wedding planner namin ang akala nila ay hindi na ako sisipot sinabi naman nila nanay na na traffic dahil nag iba pa ng way agad naman nilang inayos ang entourage at nag simula na hanggang sa pinalabas na nila ako at ako na ang maglalakad sa altar nakayuko lang ako dahil ayaw kong makita ang si Gab malamang ay magagalit sya dahil pinag antay ko sya ng nasa gitna na ako ng altar ay nilakasan ko na ang loob ko at inangat ko na ang tingin ko at nagtama nga ang aming mga mata hindi ko mabasa ang iniisip nya hindi ko alam kung masaya ba sya malungkot o galit wala itong emosyon ng nasa harapan na ako ay kinuha na nya ang kamay ko at pumunta na kami sa harap ng pari at nagsimula na ang kasal.

Habang kinakasal kami ay parang wala ako sa tamang pag iisip dahil ang dami daming tumatakbo sa isip ko namalayan ko nalang na tapos na pala ang kasal at sinabi na ng pari ang you may now kiss the bride humarap kami sa isat isa at inangat naman nya ang belo ko hanggang sa lumapit na sya sa akin at dinampian ako ng halik.

Taming The BEAST!! *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon