First Epic Date

1.6K 65 8
                                    

Sorry sa late update nasira kasi ang laptop ko at cp lang ako ngayon please bare with me 😃

Matapos namin mapanood yung play ay nagka ayaan naman kami niyaya kami nila Raquel sa starbucks aba pamatay ang mga presyo nakakahiya nilibre nalang ako ni Gabrel date daw sabi nya.

"Pagkatapos nito saan kayo pupunta kuya?" Tanong ni Raquel sa kuya niya na busy sa pag tipa sa cellphone

"Eto nahanap ko na!! Manonood kami sine" sagot naman ni Gabriel

"Ano ba nahanap mo dyan kuya? Kanina ka pa busy eh"

"Bagong movie tapos ang mga lumabas ay deadpool o kaya the choice yan lang naman maganda ganda eh"

"Really kuya? Manonood ka the choice? hahahahaha romance yun kuya!" pinagtatawanan naman sya ngayon ni Raquel

"Maganda kaya yun! Ang ganda kaya lahat ng mga movie ni Nicholas Sparks pati yun mga books nya favorite ko yun eh" Hay nako me and my big mouth di ko talaga matigilan pag ako sa stories ni Nicholas Sparks. Kaasar!!

"Ok so ibig sabihin may desisyon na tayo kung ano papanoorin natin?" Nakangiting nakatingin sa akin si Gabriel

"Ok lang sa akin tutal di ko pa napapanood yun." Pero sa loob loob ko nagtatatalon na kaluluwa ko sa sobrang saya sa wakas mapapanood ko din at di lang sa pirated dvd kundi sa sine pa.

"Una na kami Raquel, Colin pare ikaw na bahala sa kapatid ko ah" Paalam ni gabriel dahil mukhang manonood na kami sine

"Ok, ingat din kayo kuya si Marian ihatid mo yan ah!" pagpapaalala sa kanya ni Raquel

Pagkatapos namin sa starbucks ay pumunta na kami sa bilihan ng ticket sa sine at ang binili nya nga ay yung the choice pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sine at naghanap ng magandang upuan bumili din sya ng popcorn at inumin namin hanggang sa magsimula na ang palabas sobrang ganda.. nakakaiyak di ko namalayan na naiyak na ako kung hindi pa pinunasan ni Gabriel ang mga luha ko.

"Salamat" nakakahiya naman sa kanya baka sabihin nya iyakin ako.

Pagkatapos ng palabas ay nag aya ulit sya sa timezone naman daw at doon na nagsimula ang lahat....

Nung naglalaro sya dun sa basketball nagsilapitan yung mga babae yung iba pa dun ay nag aaral sa school namin nakipagsiksikan pa hanggang sa matulak ako sa likuran pagkatapos naman nyang maglaro ay nag pa picture naman yung mga nandun hanggang sa nangyari na ang pinaka nakakainis sa lahat.

"Ate kuhanan mo naman kami ng picture" Yung isang babae inabot sa akin yung cellphone nya at sabi ay picturan ko daw sila ni Gabriel

"O-k?" Pinicturan ko sila

"Salamat, ang gwapo mo talaga Gabriel sana ako nalang maging girlfriend mo alam mo sa school ang daming chismis na meron ka daw nililigawan nako ako nalang mas maganda pa ata ako dun eh" ABA!!! Ang kapal ng mukha ah! Nilayasan ko sila dun bahala sila.

Bwiset na babae yun pagkatapos ko sila picturan sisiraan pa ako ang kapal ng mukha ah! Kaasar!!!

Maya maya habang naglalakad ako papuntang exit ay may humablot sa akin at pagharap ko ay si Gabriel mukhang hingal na hingal tsk bakit pa nya ako sinundan?

"Marian, I'm sorry"

"Para saan?"

"Sa nangyari kanina, I swear di na mauulit"

"Dun ka na sa babaeng yun sabi nya sya nalang daw ligawan mo diba tska mas maganda daw sya diba oo nga eh bagay kayo!" God saan nanggaling itong himutok ko!

"Are you jealous?" Nakangiti pa ang loko

"A-Ano?"

"I'm sorry ok at ikaw lang ang gusto ko wala ng iba so wala na akong pakialam sa ibang tao ikaw lang kaya wag ka na magselos ok"

"BAKA!!"

"I swear honey nagseselos ka admit it"

"Ewan ko sayo ayoko na dito uuwi na ako"

"Tara na iuuwi na kita baka pagkaguluhan ulit ang kagwapuhan ko eh"

"Kapal!"

"Totoo naman eh'

"Ewan ko sayo!"

"Mahal mo naman"

"May sinabi ako?"

"Malapit na"

"Dyan ka na nga"

Taming The BEAST!! *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon