Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan dahil magkakaroon ng meeting ang special task force para pasukin ang matagal na niyang minamanmanang sindikato.
"Kuya." Nakangiting nag-aabang sa hapagkainan ang bunsong kapatid niyang si Dessa. "Mag-almusal ka muna."
"Sa office na," saad niya habang inaayos ang kanyang pagsuot ng jacket. "Kailangan kong agahan ang pagpasok."
"K-Kuya." Nilapitan siya ng kapatid. "Tumigil ka na lang kaya sa pagpu-police? Tutal, nakapagtapos na kami ni Kuya Dee-lan. Pwede kaming magpundar ng negosyo para sa 'yo."
"Ano'ng nakain mo at bigla kang nagkaganyan?" natatawang saad niya.
"Kuya, malapit na ang March," nababahalang saad ng kapatid.
"Hey." Hinawakan niya ang baba ng bunso. "Don't overthink, okay? Saka huwag ka ngang maniwala sa pinagsasabi ng palm reader na nakilala mo sa Quiapo. Hindi totoo 'yong sinasabi niyang may malas na darating sa atin tuwing sasapit ang Marso."
"Wala namang mawawala kung maniniwala tayo." Sinundan siya ni Dessa. "Saka, hindi mo ba napapansin? Mula noong nangyari ang trahedya, every three years tayo namamatayan tuwing March."
"Hindi hawak ng palad mo ang takbo ng mga buhay natin," saad niya na hindi tumingin kay Dessa.
"Pero, Kuya," humarang si Dessa sa dadaanan niya, "twelve years old ako no'ng namatay si Papa. Naalala mo no'ng naaksidente kami sa bus?"
Agad niyang naramdaman ang lungkot nang maalala niya ang nangyari noon. Duguang umiiyak si Dessa sa isang sulok ng ospital habang nagkakagulo ang nurses dahil sa sunod-sunod na pagdala ng mga biktima ng naaksidenteng bus. Bilang pinakamatanda, kailangan niyang magpakatatag para sa mga kapatid niya. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan dahil alam niyang sa kanya huhugot ng lakas ang kanyang mga kapatid. Namatay ang kanilang ama dahil sa aksidenteng iyon kaya mula noon, siya na ang tumayong ama't ina ng kanyang mga kapatid.
"Dessa, ano ang punto mo?" seryoso niyang saad.
"Kung hindi totoo 'yong sinasabi ng palm reader, paano mo maipapaliwanag ang pagkamatay ni Kuya Cairo three years after namatay si Papa at nangyari ito sa mismong buwan ng Marso?" saad niya.
Dahil sa rekomendasyon ng kanilang propesor, nakapasok sila kaagad sa Philippine National Police at naging kabilang ng Philippine Constabulary, isang special task force ng bansa. Ngunit sa kasamaang palad, nasawi ang kaibigan niya habang iniimbestigahan ang isang sindikato na pinaghihinalaang sangkot sa maraming illegal na negosyo at madalas na tinuturong nagpapalaganap ng terorismo sa Luzon.
"Dessa, you're overreacting," matabang niyang saad.
"Hindi, Kuya! Dahil namatay si Ailene sa buwan ng Marso na eksaktong tatlong taon matapos mamatay si Kuya Cairo." Naiiyak si Dessa habang sinasabi ang mga ginigiit niya.
Si Ailene ang unang babaeng minahal ni Dee-vyn. Nakilala niya ito noong minsang may sinundan siyang miyembro ng sindikato. Na-hold-up kasi ang babae kaya ipinagtanggol niya ito. Naging malapit siya sa babae lalo na no'ng nalaman niyang lumayas ito upang ipagtanggol ang sanggol na nasa sinapupunan nito. Kinupkop niya ang babae at sa ilang buwan na siya ang tumayong tagapangalaga nito ay unti-unting nahulog ang loob niya sa babae. Huli na nang malaman niya ang katotohanan kung bakit gusto ng mga magulang ni Ailene na ipalaglag ang bata. May sakit pala ito at kailangan niyang uminom ng gamot. Tumatanggi na kasing uminom ng gamot si Ailene sa takot na baka maapektuhan ang batang dinadala at sa posibilidad na maaaring malaglag ang bata dahil sa mga gamot na iinumin niya. Namatay si Ailene nang manganak ito at sa kasamaang palad, agad ding namatay ang batang ipinanganak.
"Pwede rin namang nagkataon lang ang mga 'yon." Nagkitbit-balikat si Dee-vyn.
"Tingin mo, nagkataon din ang biglaang pagkawala ni Sarah three years after the death of Ailene at eksaktong sa buwan din ng Marso?" Namaywang si Dessa.
BINABASA MO ANG
The Kiss of Poison Venus
Ficción GeneralWhen two opposite lives intertwine--one being a moody frustrated policeman and the other a naughty virgin mob princess--sexual tension spikes up, conflicts arise, and dark secrets are revealed. How are they to deal if her mob prince fiance is waitin...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte