Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter Four - Resisting Her Moves

77.6K 1.4K 49
                                    

Walang nagawa si Vyn kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Semira. Maliban kasi sa hiningi nito ang pagtulog sa kanyang kwarto, naging magaling din kasi ang katwiran ng kanyang butihing kapatid.

"Kuya, sira ang electric fan sa kwarto ko," saad ni Dessa. "Nakakahiya naman sa bisita mo na matulog sa mainit na silid."

"Bakit hindi mo sinabing sira ang electric fan mo?" inis na tanong ni Vyn.

"Eh, hindi naman kasi ako laging natutulog dito, 'di ba?" pangatwiran ni Dessa. "Saka solo ko ang bahay kapag araw kaya sa salas ako natutulog."

"Eh, bakit naman kasi panggabi ang napili mong trabaho," padabog na saad ni Vyn. "Kababae mong tao, sa gabi ka nagtatrabaho."

"Saan ba trabaho mo?" sabat ni Semira.

"Sa El Hombre y Mojer," nakangiting sagot ni Dessa. "Nagtatrabaho ako bilang bartender."

"Wow!" ngiting saad ni Semira. "Gusto kitang maki—"

"Huwag mo nang pangarapin!" agad na sabat ni Vyn.

"Ikaw naman, sarhento." Napanguso si Semira. "Unang gabi pa nga lang natin, possessive ka na."

"Mauna na ako sa inyo," natatawang saad ni Dessa na halatang naaliw sa sinabi ni Semira.

"Pwede ba, Semira?" Naglakad palayo si Vyn. "Let me make this clear. Witness ka, pulis ako. Under custody kita kaya ako protective sa 'yo kaya huwag mong isipin na may ibang dahilan ang lahat na 'to."

"Tsk." Naparolyo ang mga mata ni Semira saka padabog na naglakad.

"Hoy-hoy-hoy!" Pinigilan ni Vyn si Semira. "Saan ka pupunta?"

"Matutulog," matabang na saad ni Semira. "Hindi ako nakabawi ng tulog sa ospital kaya gusto ko nang magpahinga."

"Eh, paano na ang kasunduan natin?" saad ni Vyn sabay bigay ng kanyang button up polo kay Semira.

"Oo na!" Padabog na tinanggap ni Semira ang damit ni Vyn saka nagtangkang hubarin ang kasalukuyang suot nito.

"What the!" Agad na napatalikod si Vyn. "Hindi ka ba nakakakilala ng dressing room?"

"Naghuhubad ako sa harap ng maraming lalaki, sa 'yo pa kaya?" walang pakialam na sagot ni Semira.

"Alam mo," namaywang si Vyn, "hindi ko alam kung sadyang malandi ka lang o isa kang nymphomaniac."

"Hoy!" Pinalo ni Semira ang likod ni Vyn sabay abot ng jersey ni Dessa. "Hindi ako kaladkaring babae at hindi ako pumapatol kahit kanino. Simpleng entertainer lang ako. Sanay lang akong makitang nakahubad."

"Tsk! Pareho din 'yon," mahinang bulong ni Vyn na sapat namang narinig ni Semira.

"Ano?" Namaywang ang babae. "Hoy! For your information, virgin pa ako, no!"

"Sige, ipagpatuloy mo ang pag-iilusyon mo," saad ni Vyn habang kinuha ang laptop sa mesa. "Mas mabuti kung ituloy mo 'yan sa panaginip mo."

"Affected ka ata sa presensya ko, sarhento," ngiting saad ni Semira. "Sabihin mo lang, hindi kita bibiguin."

"Kita mo 'to," saad ni Vyn. "'Yan ang virgin?" may halong pangungutyang saad ni Vyn. Nauna siyang pumasok ng silid at agad pumwesto sa working table niya. "Sa kama ka," saad niya. "Sa sahig ako."

"Malaki naman ang kama mo para sa atin," saad ni Semira habang nilibot ang paningin sa loob ng silid.

"Hindi ako sanay na may katabi kaya huwag nang matigas ang ulo mo," sagot ni Vyn na ngayo'y tutok na sa ginagawang report.

The Kiss of Poison VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon