NATPC Chapter 3

0 0 0
                                    



Cassie

KRIIIIIIING.. KRIIIIING..

KRIIIIIIIING.. KRIIIIING..



Omygosh!! Late na ako!!



Takbo..





Takbo..







Takbo..







Kasi naman!! Bakit ba napahaba ang tulog ko?! Sana pala hindi na ako natulog sa bakanteng room sa Fifth Floor. Grabe naman kasi yung class schedule ko, vacant ko ay 4 hrs. Nakakatamad kaya natulog muna ako.



Di ko man lang narinig yung alarm ng cellphone ko.







Yes, gawa na ang cellphone ko. Deadbatt lang pala, masyado lang ako nataranta at naging o.a kanina. Kaso, may sira pa din ang screen pero pwede pa naman pagtiyagaan.





Haaaaay.. Late na akooo!! Bakit ba kasi, magkakalayo ang building dito?!







Takbo..





Takbo...





Takbo....









ROOM 512



Finally! Wooh! Grabe hingal ko. Nakakapagod tumakbo mula Main Gate hanggang dito. Sira pa naman yung elevator ng University. Malas ko naman. Mukha na tuloy akong basang sisiw.



Pagpasok ko sa room, lahat sila nagtinginan sakin. Napayuko na lang ako. Oo na, mukha na akong basahan. Tsk.



Mabuti na lang wala pa yung professor namin. Kung hindi, patay ako. Tsk. First day namin sa klaseng Natural Science tapos, late ako? Buti na lang talaga haaaay..



Naglakad na ako papunta sa pinakalast row at naupo doon. Wala na naman akong kaibigan sa klase na 'to. Pangalawang araw na namin nagmi-meet nitong mga classmates ko, hanggang ngayon, wala pa din nakikipagkaibigan sakin. Ganun na ba ako kapangit?



Hindi naman ako mabaho..





Haaaay.. Bahala na nga sila.



Maya-maya, may nakita akong naglagay ng libro sa katabing upuan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang babaeng mukhang anghel.





Shemay! Nakakatibo ang ganda niya!! Grabe! Idagdag pa yung porma niya, chicks na chicks mga pare!!







"Uhm, excuse me. Klase ba 'to ng Natural Science 1?" malumanay na tanong niya.



Tumango ako bilang sagot.



"May nakaupo na ba dito? Pwede ba ako makiupo?" tanong niya.





Tumango ako. "Wala naman nakaupo dyan, sige upo ka na"



"Salamat" malumanay na saad niya.





Ang cute ng boses niya. Ang lambing at ang hinhin. Yung make-up niya, sobrang simple lang. Hindi tulad nung ibang babae na nakikita ko dito sa campus, parang aattend ng party. O di kaya naman, parang clown sa sobrang kapal.



"Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya sakin habang nakangiti.

"Ah, Cassie" sagot ko.

"Nice, ganda naman ng name mo. Ako nga pala si Vicky!"

"Nice to meet you Vicky!" — ako.

"Nice to meet you too. So, friends?" nakangiting tanong ni Vicky sakin habang nakalahad ang kamay.

"Friends" saad ko at tinanggap ang kamay niya.



Dumating na ang professor namin.. Si Prof. Hernaez. Isa isa nya kaming pinatayo at pinakilala sa harap ng klase.





——

After ng masayang klase namin sa Natural Science ay nagsialisan na din ang iba naming kaklase.



Habang inilalagay ko ang mga libro ko sa backpack ko ay nagsalita si Vicky.



"Uhm.. Kain muna tayo sa cafeteria, gusto mo? Mamaya pa naman ang next class natin"

"Sige, ayusin ko lang gamit ko" pagsang-ayon ko sakanya.





Magkaklase kami ni Vicky sa lahat ng subjects.. Pareho din kami ng course at pareho din kami ng year. May sakit daw ako daddy niya kahapon kaya di siya nakapasok.



Broken family ang family ni Vicky, sumama sa ibang lalaki ang mommy niya at iniwan sila ng kuya niya sa daddy niya. Ang daddy naman niya ay isang Architect sa kilalang Engineering Firm. Wala na silang contact sa mommy niya. Hindi rin nila kilala ang lalaking sinamahan nito.









Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay wala naman patid ang kwento ni Vicky sakin ng tungkol sa kung anu-ano. Napag-alaman kong dito din nag-aaral ang kuya niya, Engineering Student. Third year na.

Makulit at madaldal si Vicky. Di ko nga akalain, akala ko mahinhin siya. Pero masaya siya kasama.





"Alam mo Cassie, I like you. Ang bait bait mo and ang sarap kasama. Hindi nakakaboring!" sabi ni Vicky sakin.



"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko. Masaya ba talaga ako kasama?



"Yup! Ang kulit mo kasama." Tuwang tuwa niyang sabi.





Hindi ko alam yun ah?

Buti naman nag-eenjoy siya kasama ako.



Sa cafeteria..





"Order na ako ng food natin, tapos hanap ka na ng mauupuan natin ha?" sabi ni Vicky sakin. Tumango naman ako.





Umalis na sya at naghanap na ako ng upuan.





Hanap..





Hanap..





Hanap..







Haaaay! Break time din ba ng ibang estudyante? Bakit puno ang cafeteria?





Hanap..



Hanap...



Hanap...







Ayun!! Sa wakas!! May vacant table sa may gitna.







Agad akong nagpunta doon ngunit nagulat ako nang my naglagay ng apat na bag sa table. Nag-angat ako ng tingin at..







O.O







"IKAW NA NAMAN?!" magkasabay namin saad ni Mr. Antipatiko.







"Wow! Destiny talaga kayo ah?" saad ni Red Hair kaya't tinignan ko sya ng masama. Nagkibit balikat na lang sya.

Not a Typical Prince Charming?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon