Kasalukuyan akong nasa Library ngayon..
Katatapos lang ng klase ko sa College Algebra at vacant ko ng 1 and ½ hrs. Kaya imbes na maggala, nandito ako sa library para pag-aralan ang susunod na topic namin sa Algebra.
Habang nagbabasa ako, naramdaman kong may bumunggo sa upuan ko mula sa likod..
Ano ba yan! Ang gulo naman nung dalawang nasa likod ko. Bakit kasi dito pa naglalandian? Hello! Library po ito hindi motel. Wala ba kayong pera at nagtitiis kayo dito sa library?
Padabog kong inurong ang upuan ko at nagbasa ulit.
Maya-maya..
Booogsh..
Aray!! Langya naman oh! Isa pa. Isa pa talaga!!
Inusog ko ulit ang upuan ko. Dikit na dikit na ako sa mesa. Yan, nagbigay na ako ng space para sa landian nilang dalawa.
"Hihihi. Babe, nakikiliti ako. Wag naman kasi dyan. Dito na lang sa baba" sabi ng babaeng haliparot.
Ano ba yan! Nakakairita naman sa pandinig ang tawa ng babae, parang sinasapian na ewan.
"Hihihi babe. Hawakan mo na lang kasi, nasa ilalim naman. Walang makakakita. May kiliti kasi ako dyan eh." saad pa nung babaeng parang sinasapian kung makatawa.
RATED SPG!!
Haaay grabe talaga! Akala ko ba mayayaman ang mga 'to? Eh bakit nagtitiis sa library?
Hayaan na nga sila..
Nagpatuloy na ako sa pag-aaral nang biglang..
BOOOGSH.
$&$&@@$&&$&&$&!!!!
Aray ko!! Masakit ha?!!!
Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabunggo sa upuan ko, napasubasob ang mukha ko table.
Aray!! Ang sakit!!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na sa kinauupuan ko at hinarap ang dalawang magjowang haliparot sa likod ko..
Agad akong nagpunta sa harap nila at nakita ko ang itsura ng babae na nakatirik pa ang mata at mukhang sarap na sarap na ewan..
Hindi ko makita ang mukha nung lalaki dahil nakabaon ang mukha nito sa leeg nung babaeng haliparot.
Kung ano man ang ginagawa nila, WALA AKONG PAKIALAM!!
Matuto naman sila rumespeto sa mga estudyanteng gustong mag-aral at magkaroon ng katahimikan.
Sa library pa talaga nila naisipan gumawa ng milagro. Mga walang modo!!
Binagsak ko sa table nila ang makapal na libro ng College Algebra na binabasa ko..
Gulat na gulat naman silang dalawa at agad na naghiwalay. Sinilip ko ang itsura nung babaeng nakabukaka at gusot gusot na ang kanyang suot na mini-skirt.