Papasok na ako ng school nang bigla akong harangin ng guard..
"Miss I.D mo?" saad ni manong guard.
"Ha?" tinignan ko ang sarili ko. Hindi ko nga naisuot ang i.d ko. "Wait lang po"
"Isuot mo, hindi bag ang nagsusuot ng i.d miss" sabi pa ni manong guard.
Sungit naman..
Hinanap ko ang i.d ko sa backpack ko..
Hanap..
Hanap...
Hanap....
Ha? Bakit wala dito?
Hanap ulit..
Hanap..
Hanap...
Hanap....
Wala talaga! Patay!!
Hinarap ko si manong at ngumiti ng napakatamis. "Hehe, manong guard. Naiwan ko po kasi yung i.d ko sa bahay namin. Pwede po ba ako makapasok kahit walang i.d?" pa-cute kong sabi dito.
"Hindi pwede. Patakaran ng university na ito, no i.d no entry" pagsusungit ng guard.
Waepek ang pagpapacute at charming ko dito sa matandang guard na 'to..
"Manong guard, sige na po. Naiwan ko lang po talaga eh. Promise, bukas may i.d na ako!" sabi ko at lalo pang nagpacute.
"Hindi talaga pwede miss. Mamaya hindi ka naman talaga estudyante dito. Walang uniform mga estudyante dito, kaya i.d lang ang magpapatunay na talagang dito sila nag-aaral. Umalis kana! Sinasayang mo panahon ko!" pagtataboy sa akin ni manong guard.
Aba't! Loko 'to ah!? Mukha ba akong killer ha?!
Akmang sasagutin ko na si manong guard nang may pumaradang ferrari sa harap namin ni manong guard.
Ha? Sino naman 'to?
Ibinaba nito ang salamin ng kotse niya. Pati na rin ang shades niya.
O.O
"Mr. Antipatiko?!" gulat na saad ko.
Pero.. Anong ginagawa niya dito? Sa kabilang gate ang daan nung mga nakakotse ah? Dito naman ang daan nung mga naglalakad lang na kagaya ko.
"Let her in. This is her i.d" at pinakita niya ang isang i.d
O.O
I.d ko yun ah?
Pa-pa-paano napunta sakanya yun?
Namutla naman si Manong guard. Anyare? "Sir Zachary!!" gulat na gulat na tugon nito. "Sorry sir. Sige na, pasok ka na miss. Sorry!" hinging paumanhin ni Manong Guard at umalis na sa harap ko.
"Get in" malamig na tugon ni Mr. Antipatiko.
Ako?