NATPC Chapter 4

0 0 0
                                    



Nagtitigan kaming dalawa..






"Nauna ako dito" saad ko sakanya.





"Sorry, pero MAS nauna kami dito ng barkada ko" sabi nitong antipatiko na ito at pinagdidiinan pa ang salitang MAS.





"Sabi na't nauna ako eh. Nandito na ako nang ilagay nyo ang bag nyo" sigaw ko sakanya. Nakakagigil na eh.





Bigla naman dating ni Vicky na may dalang pagkain..



"Anong nangyayari dito? Cassie?" malumanay na saad ni Vicky at nilingon si Mr. Antipatiko "Zack?!"




"Vicky?" saad ni Mr. Antipatiko.






Ha? Magkakilala sila?




"OMG! Zack! Long time no see. Musta ka na? Si tita? Tito?" sabi ni Vicky at niyakap si Zack.





Halata naman sa mukha ni Zack ang pagkagulat.







"Ah, excuse me Vicky, pero magkakilala kayo nitong antipatiko na 'to?" tanong ko at tinuro ang lalaking antipatiko.





"Anong antipatiko?" reklamo ni Mr. Antipatiko.





"Ofcourse, he's my childhood friend. Yung kinukwento ko sayo kanina. Bago kami lumipat ng bahay, magkakalaro na kaming tatlo  ni Zack, ako at si Kuya. Bestfriend ko kaya 'tong si Zack. Right Zack?" saad ni Vicky at nilingon si Zack.







Tumango naman si Zack, pero may nakita akong sakit sa mata niya.








Hmmm.. I smell something dito kay Zack at sa feelings niya for Vicky..





"So guys, why don't you join us here. Tutal, dalawa lang kami ni Cassie dito. And, mukhang puno ang cafeteria kaya dito na din kayo. Malaki naman yung table" anyaya ni Vicky kay Mr. Antipatiko and friends.





Tinignan ako ni Mr. Antipatiko at binigyan ng 'ano-ka-ngayon-look' at ngumisi ng nakakaloko.





Umirap na lang at padabog na inilagay ang bag ko at umupo. Haaaay nako! Masisira na naman ang araw ko.







Katabi ko si Vicky at katabi naman niya sa Mr. Antipatiko. So bale ang itsura namin is..

        Ako    —    Vicky     —    Mr. Antipatiko

  [[[[[[                              T A B L E                           ]]]]

   Red Hair — Naruto — Blonde Hair — Gray Hair







Mukha lang long table, pero hindi. Sakto lang para sa anim na tao.











Tahimik akong kumakain nang magsalita si Vicky.






"So Zack, kamusta naman sila tito at tita? Pati si Lolo Victor? Tagal ko na hindi nadadalaw sa inyo" sabi nito habang kumakain.





Nakita ko sa peripheral vision ko na nilingon siya ni Mr. Antipatiko na Zack DAW ang pangalan. Pwe! Pang matanda.





"They're all okay. You should pay a visit. Miss kana din nila" ani ni Zack.





Pacute! Tss. If I know, bet mo si Vicky. Haaay nako!!





"Cassandra, okay ka lang ba?" tanong ni Naruto sakin.





Nagulat naman ako. Hindi naman kami close ah?





"Ha? Oo naman. Bakit?" tanong ko din sakanya.





"Wala lang. Ang cute mo!" nahihiyang saad ni Naruto. At bahagya pang namula ang cheeks nito.



Hala! Abnormal ata 'tong kalokalike ni Naruto ah? Baka naiinitan, Ramen pa naman kinakain niya. Cute.





"Style mo pre ha? Bulok!" kantyaw ni Gray Hair.



"Nice one bro!" — blonde hair.




"Iba ka talaga Dex!" — saad naman ni Red Hair.






Weird..





"Kumain na nga lang kayo" saad ni Mr. Antipatiko.







Umirap ako!






Haaay nako! Papansin na naman.






"Pre, sungit mo ah? Anong meron?" tanong ni Red Hair.








Umiling ito..









Weird talaga...

Not a Typical Prince Charming?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon