Zack and Cassie's picture..
Support, vote and comment.
Ciao!!
——
• Cassie •
First day of school..
First day in College..
New school..
New environment..
New classmates..
New cheatmates..
New friends..
New teachers..
And..
New Me...
Charing! Hahaha. Lakas maka-'New Year, New Me'. Ang jeje pakinggan.
'Nga pala, ako nga pala si Cassandra Louise Perez, 17 years old. First year College na ako dito sa bago kong school, ang Shinwoo University.
Bata pa lang ako, pangarap ko na makapag-aral dito. Ito ang University kung saan mga elite at makakapangyarihan lang sa lipunan ang nakakapasok dito. Kung hindi anak ng mayor, anak ng gobernador, senador, councilor, kapitan ng barangay at maging mga artista dito nag-aaral.
Mataas ang standard ng university na ito. Lalo na sa larangan ng edukasyon. Kapag nalaman na dito ka nagtapos, mabilis ka mapapasok sa kumpanya na pinapasukan mo.
Isa ako sa mapalad na TOP 50 Students na nabigyan ng Scholarship sa Unibersidad na ito. Dahil hindi naman kaya ng magulang ko ang tuition fee ng paaralan na 'to, nagsikap ako at nag-aral mabuti upang maipasa ko ang Scholarship Exam.
Mabuti na lang, nasali ako. Kahit na nasa pang-48 slot ako. Alam nyo yun? Yung konting pitik lang, laglag na ako. But, God is good dahil hindi niya ako hinayaan malaglag.
Pangarap ko makakilala ng Prince Charming.. Yung gwapo, mabait, may respeto sa babae, gentleman, masaya kasama, kaya ka ipagmalaki at ipaglaban kahit kanino. At naniniwala ako na sa University, dito ko makikita ang aking Prince Charming.
Accountancy ang kurso ko. Bukod kasi sa tipid course na ito dahil libro lang ang kailangan mong bilhin, eh hilig ko na talaga ang magkwenta. Lalo na kapag nagtitinda si mama ng banana cue sa palengke, kini-kwenta ko na agad kung magkano ang kikitain niya. Magaling din ako sa pagbibilang ng pera.
Namana siguro ako kay papa, tagakuha kasi siya ng bayad ng mga pasahero sa fx. Kaya mabilis sya magbilang at magsukli.
Maraming nagsasabi na sobrang hirap daw ng kursong napili ko. Yung iba pa nga, sinasabi na hindi ko daw kakayanin. Sa akin naman, paano ko malalaman na hindi ko kaya kung hindi ko susubukan? Kung bumagsak man ako, atleast nag-try ako. Kesa naman mamatay ako na hindi ko man lang nai-pursue yung pangarap ko.
Part ng buhay ng tao ang bumagsak at mabigo. Kung magpapatalo ka agad, walang mangyayari. Kailangan lang maging positive tayo sa lahat ng bagay. Maniwala sa sariling kakayanan. Yun ang sikreto para umasenso.