Chapter 4: Separated Love

2K 10 0
                                    

College na si Ivan, lilipat daw siya ng school, sa UP Manila daw siya mag aaral, eh ako dito parin sa Gensan. Fourth year na ako. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko :( Pero hindi parin nawala yung love niya para sa akin. June na ngayon malapit na ang 4th monthsary namin, sa June 14. Napakalungot ko, wala siya sa araw ng monthsary namin.

Di ako makatiis, namimiss ko talaga siya, araw2x kaming nagtetext.

Text Messages (Conversation)

K: Hi Daddy, miss na miss na kita :(

I: Ayaw kong nakikita kitang sad baby, smile lang, papangit ka niyan. Remember mo yung mga sinabi ko sayo?

K: Gusto mo lang yung best para sa akin

K: Gusto mo lang po wag ako umiyak.

I: Opo, ganun kita ka mahal.

K: Pero nalulungkot ako :(

I: Wag mong sabihin na hindi ako nalulungkot, lagi nga kitang naiisip, pag pumupunta ako sa mall, lagi kong sinasabi na 'sana andito si Kristine'

K: Alam ko po, mahal mo ako.

I: Napapansin ko kasi na lagi nalang ako ang iniisip mo, magbigay ka din ng time para sa sarili mo, try mo din mahalin sarili mo, kahit 1/4 lang.

K: Pano kung may iba ka na diyan?

I: Di kita kakalimutan, dito lang ako, di kita iiwan.

K: Kasi alam kong makakahanap at makakahanap ka ng mamahalin mo diyan, ilang buwan din kasi tayong hindi magkikita :(

I: Okay lang naman sa akin kung hindi mo na ako mahal, gusto ko rin na makahanap ka ng lalaki na mamahalin ka habambuhay at di ka lolokohin

K: Promise ba yan Daddy na di mo ako iiwan? :(

I: Syempre, basta, mahalin mo din ang sarili mo baby, love na love kita. Mag ingat ka diyan.

K: Ikaw din Daddy, ingat ka diyan. I love you! :* <3

I: I love you more! ;** <33

The way na nirereplyan niya ako, nagpapatibay ng loob ko. Lagi niya akong sinasabihan at kinakausap na parang kaharap niya lang kahit sa text o tawag lang. Pag nag skype kami, umiiyak ako, kasi miss ko na siya, sinasabihan niya ako. Love na love talaga ako ng Daddy ko.

First anniversary namin nung February 14, Valentines Day. Siya talaga yung una na nag greet, eksakto 12:01 am sa cp ko nung nagtext siya, nararamdaman ko na mahal niya parin ako kahit nakakaranas kami ng LDR "Long Distance Relationship" oo na, napakaswerte ko talaga sa kanya.

Naging kami parin, hanggang nakatapos na ako ng Highschool. 

"Hi Baby, Graduate ka na! IMY, ILY! :*"

"Salamat sa greet Daddy, miss na din kita. Nagawa ko po yung mga sinasabi mo sa akin, naging matatag po ako :)"

"Ayan, yan ang gusto ko sa baby ko, hindi sumusuko. Ganyan ka lang ha? Wag na wag kang magbago. Love na love kita :*"


I taught na hanggang dito lang yung long distance relationship namin, nang dumating sa point na napagplanuhan ng pamilya ko na lumipat sa California, doon ko daw ipagpatuloy yung pag aaral ko.

"Ma,  bakit pa natin kailangan lumipat doon, pwede naman akong mag aral dito sa Pinas"

"Hindi nak, nandoon ang Papa mo, citizen na siya doon. Kailangan natin ng kumpleto na pamilya. Sa May 18 ang ating alis papunta doon nak ha"

"Mama! Ano man yan uy. Mga 2 months nalang natira sa akin dito :( seryoso yang plano mo Ma?"

"Oo, sabi din ito ng Papa mo"

"Ma, makakabalik pa tayo dito?"

"Tingnan lang natin"

Si Mama talaga, ang dami kong mamimiss dito, lalo na si Ivan, sana nga makabalik pa ako dito.

Malapit ng mag May, April na ngayon, hindi ko parin nasasabi kay Ivan, kasi after ilang weeks yung nag greet siya, pag tinetext ko siya, ang tagal niyang maka reply, iniisip ko nalang na baka busy siya doon.

May 15 na ngayon, nasa Manila na kami ni Mama. Tinitext ko si Ivan pero hindi na talaga siya naka reply, hinayaan ko nalang muna.

Hanggang May 18, ngayon na kami aalis dito sa Pinas. Nasa airport na ako, tinatawagan ko siya ngunit ayaw niyang sagutin, parang naiiyak na ako, last day ko na dito tapos di pa ako nakapaalam sa taong mahal na mahal ko :(

Text Messages:


K: Hi Dadddy, usap  naman po tayo :( ang tagal mo nang hindi nag tetext sa akin

K: Hi baby, may sasabihin lang talaga ako sayo, importante to

I: ano ba yan, busy ako sa thesis nmin, bkas mo nlang sabihin

K: Pero importante ito daddy :(

Di niya na ako nireplyan, feel ko na wala na siyang pake sa akin, halos shortcut nalang yung mga nirereply niya. Ano bang problema niya? Siya na naman ang iniisip ko :(

Paakyat na kami sa eroplano, naiiyak ako, di ako nakapaalam ng maayos sa kanya. Habang papunta kami sa California, sa loob ng eroplano, siya lang talaga ang iniisip ko, tinatanong ko sa sarili ko kung okay lang siya, o KAYA, MAY IBA NA SIYA :(

-------------------------------------------------------------------------------------------------

"Gising na nak, andito na tayo"

"Okay po"

Halos16 hours pala ang flight, nakakapagod. Yup, di ako excited kahit ang tagal ko nang pinangarap na makapunta ako dito, ang lamya ko pababa sa eroplano, si Ivan agad ang iniisip ko.

"Gha, nak Kristine!"

Ayun si Daddy, naghihintay na pala sa amin :)

"Dad, miss na kita"

*I hugged him*

"Kumpleto na talaga ang pamilya natin"

Ani ni mama, pangarap ko talaga na makumpleto kami, ang saya ko na SANA, pero pa sa akin, ang lungkot ko, si Ivan lang talaga ang nasa isip ko.

(Chapter 5: New Home, New Life)

Long Distance Relationship (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon