Chapter 3: Happiest Valentines Day

2.1K 17 0
                                    

"Oh, nak, ano pang hinihintay mo? Punta ka na sa school mo at baka malate ka pa"

"Okay ma. Bye na"

Hinihintay ko talaga si Ivan na sumabay kami, pero wala eh. Valentines na valentines sira agad ang araw ko, ang tamlay ko papasok sa school, parang di na agad kumpleto ang araw ko, di ako sanay na hindi ko kasabay si Ivan. Kahit hindi pa kami, feeling ko napaka importante niya (sigaw ng puso ko. Hahaha)

SCHOOL:

"Tine!"

Boses ni Nona, ang ingay. 

"Oh, bakit?"

"Dali, kanina pa kita inaabangan dito sa lobby. Punta tayo sa kiosk"

Hinila ako agad. Nagmamadali? ganun, tskkk, sakit tuloy ng kamay ko.

"May sunog Non? lol, nagmamadali ka ata, anong meron?"

"Basta, surprise to. Hehehe"

Surprise daw! OMG, baka liligawan na ako ni Ivan, assuming talaga ako.

May lalaking naghihintay doon nakaupo, may dalang bouquet ng flowers. 

"Hi Kristine. Happy Valentines! Flowers, galing yan Baguio. Hahaha :)"

"Ayieee! Kristine and Dominic! Wait lang, pipicturan ko"

Dafuq? Si Dom? yeah, crush ko siya dati, "DATI". Gwapo naman, pero si Ivan lang talaga sa akin, medyo disappointed ako, akala ko si Ivan, pero okay na din :) Ito namang mga kaibigan ko, pinicturan talaga, gusto kong ihagis sa kanila ang flowers! >_<

"Salamat Dom"

Buti nalang hindi niya sinabi kung pwede maging kami. Crush siya ng kaibigan ko, si Nona, since first year pa kami, ayaw kong madisappoint si Non, bestfriends kami, alam kong medyo sad siya sa ginawa ni Dom. Di nga ako gaano nagkukwento sa kanya about kay Dom.

"Okay, bye"

Umalis na siya. Nakita ko si Ivan, bago lang siya dumating, di ko na siya nilapitan at tinanong awkward nga ehh. Nakita niya kami nina Dom :/

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa covered court kami ngayon, may program kami para sa Valentines Day.

"Kakainggit!"

Sabi ni Nona, pinaakyat kasi lahat ng couples sa stage at pinag holding hands, kakainggit nga. Basta ako, binabantayan ko lang si Ivan, tinitingnan ko siya habang tumatawa, nakikipag usap at kung ano anong pinanggagawa niya.

Medyo boring ang program, para sa mga single (Lol) May intermission number daw, whatever, tumingin ako sa kinauupuan ni Ivan, pero wala siya doon. Ano ba? tsskk :(  Nagdrawing nalang ako.

"Kristine!"

Ang ingay talaga ni Nona. pati yung mga kaklase ko, tinatawag yung name ko, wait ano bang meron?

"Tine, si Ivan oh . . Anong gagawin niya? Kakanta ba yan o sasayaw? Hahaha"

Si Ivan nga, may kasama siya. Oh, ayan, banda sila.  WAIT! Si Ivan ang kakanta? Hahaha, marunong ba yan?

"Gollyy! Kagaling niya kumanta Kris."

First time kong narinig kumanta si Ivan, ang sweet ng kanta niya ahh, sakto pang Valentines, yung "Lucky"

"Kris, sa tingin ko para sayo yang kanta niya. Diba guys?"

"Gani Tine, ayieee!"

Feel ko din na para sa akin yan. Hahaha. Ano ba yan, dami kong kaagaw kay Ivan, dami niya tuloy fans, galing kumanta eh :3 natapos na yung kanta niya. shet, nakakatunaw boses niya <33

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dismissal na, hinihintay ko talaga si Ivan, bakit ganon? Cleaners pala ako, pota (hahahaha) 

"Kristine Catolico!"

May tumatawag sa akin, yung mga kaibigan ni Ivan. Nasa labas sila ng room .Ano na naman to? BTW, bati na kami, close friends ko na din yung mga kaibigan niya :)

"Labas ang pinakamaganda diyan! Sige na"

Lumabas yung teacher ko, hahaha, di nila alam na nasa loob pala. Tumawa nalang sila. Loka2x din tong adviser namin, the best siya :)

"Oh, children of God, anong kailangan niyo sa student ko?"

With mataray version pa yan ni Maam. Hahaha

"Ay, Maam, si Kristine"

"Oww, so stupid of me. Oh, Kresteeyynn labas na"

Hahaha, the best talaga si Maam, kaya nga love namin XD (PS. nag jojoke po siya)

"Oh, bakit man?"

"Sa kiosk tayo, hanap ka ni Ivan"

"Bakit daw?"

"Basta, dali na!"

Hinila nalang nila ako papunta sa kiosk.

Andun nga si Ivan, wait ano ba talaga? Nag uusap lang naman sila ng ka band niya ahh, parang ayaw ko pumunta, eepal lang ako doon ehh.

"Ivan, si Kristine oh!"

Umalis na yung mga kasama at kaibigan niya. Kami lang dalawa doon sa isang kiosk, kinakabahan ako, baka galit siya sa akin?

"Kristine Ann Catolico"

"Oh?"

"Yan ang pangalan ng babaeng mahal ko"

Nagulat ako. Seriously, mahal niya ako? Bumilis yung tibok ng puso ko, di ako nakasagot, napa smile nalang ako

May kinuha siya sa loob ng bag niya. May binigay siya sa aking regalo, nakabalot sa loob ng pink na box, hinawakan niya ang mga kamay ko at may sinabi siya;

"Kristine, Happy Valentines, simula palang nung first day, yung sa tricycle, alam kung ikaw yung crush ko, yung lagi kong inii-stalk sa FB. Pinahiya kita, pero para sa akin, chansa ko yun na makausap kita. Boses mo palang na-inlove na ako, ang ganda mo, lalo na kapag tumatawa ka. Naalala ko pa nung sinampal mo ako, masakit pero tiniis ko, namula nga yung pisngi ko. Bigla lang ako naging FC sayo, dahil pinangako ko sa sarili ko na liligawan kita at di iiwanan, ang saya ko kapag kasama kita tuwing Sabado, ikaw yung babae na iniintindi talaga ako. Masaya kang kasama dahil gamer ka, ikaw lang yung gusto ko makalaro pagdating sa Dota, Counterstrike. Bolero ako pero para sayo tapat ako. I love you talaga . . Pwede bang tayo na?"

Di ako makapaniwala sa pagkahabahaba ng sinabi niya, ramdam ko na mahal niya talaga ako.

"Oo"

Yung lang ang sinagot ko, niyakap ko siya, niyakap niya din ako.

"Shet! Ang couple na gwapo at maganda!"

Sabay hiyawan ng mga kaibigan at kasama niya. Ang saya talaga ng February 14 na ito, hope na makaka monthsary kami at makaabot sa anniversary.

"Congrats sa inyo", "Lage, magkatuluyan talaga kayo", "Stay strong to both of you"  etc.

Halos ito yung mga nakita ko na post sa wall ko at ni Ivan. Hahahaha, maswerte talaga ako sa kanya, siya yung first love ko.

(Chapter 4: Separated Love)

Long Distance Relationship (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon