T W O

258 9 0
                                    


Continuation of Flashback




Nung matapos akong umiyak at magkwento ay biglang nag iba ang itsura ni kuya. Nagging sobrang seryoso ng mukha niya. "Kyeonhi sabihin mo nga, gumamit ba kayo ng condom kagabi?" natulala naman ako sa tanong na iyan at mukhang alam nani kuya ang sagot. Hindi. "aish. Bakit kasi hindi mo sinabi, edi sana binilhan kita o kaya binigyan ng pambi—aray ko Kyeonhi! Anu ba! yung buhok ko! Binibiro lang kita. Ikaw naman." Bumuntong hininga nalang ako at umiyak ulit. "kuya paano na? paano kung mabuntis ako? Anong gagawin natin?" ngumiti ng bahagya si kuya. "sige, maghihintay tayo ng 3 weeks at titignan muna natin kung buntis ka nga. Kapag oo, pupuntahan natin siya. Pag hindi, edi ok."

"Kuya paano kung buntis nga ako pero ayaw niya? Paano na Kuya? Kung hindi pa siguro patay sila mama at papa eh alam natin ang gagawin." Yinakap nalang ako ni kuya."kung ayaw niya kayo kung sakali man eh nandito ako, ang super kuya mo at super tito ng magiging pamangkin ko kung nagkataon.

Lumipas ang ilang lingo at nalaman kong buntis ako. Nung mga panahong yun ay medyo na-depress ako dahil sa nalaman ko. Sino ba naman kasi ang may gusto na mabuntis sa edad na 17. Kaya sinabi o nalang kay kuya ang condo na tinitirahan niya sa las pinas. Nagluluto ako ng tanghalian ng nakabalik si kuya. Bumertso siya sa harap ko at ipinakita ang cellphone niya na nasa page ng artista sa google. "Suga or Min Yoongi." Pabulong na sabi ko nung mabasa ko ang nakasulat. Nakita ko rin ang mga picture ni Yoongi. "Ano yan kuya?" tanong ko dahil naguguluhan talaga ako. Sakto namang pumasok si Paula sa bahay. Tinignan din niya yung hawak ni kuya. "Huy diba yung tatay ng baby mo yan?" sabi ni Paula turo turo yung Picture ni Yoongi O Suga. "Exactly. Sabi nung receptionist kanina na nakausap ko, dati pa man sikat na ang barkada ni Yoongi o Suga sa Korea dahil matagal na silang Trainee ng Big Hit doon. Kasama niya doon si Namjoon na mas kilala doon bilang Rap Monster. Kaso lang eh nakapag-debut na sila sa kumpanya na iyon kaya umalis sila ng bansa kaagad pagkatapos ng birthday ni Namjoon. Noong trainee palang daw kasi sila eh pwede pa silang bumalik dito pero ngayon kung may concert nalang daw sila at conference makakaalis doon, ayun naman yan sa research na ginawa ko.masyado na siyang sikat Kyeon. Baka hindi na niya mapanagutan ang anak niya." Malungkot na sabi ni kuya. "Okay lang kuya. Nandyan naman si Super kuya at Super bestfriend diba? Tutulungan niyo ko diba? Kaya ko toh! Kaya natin to!" nag-group hug kami at ninanamnam ang pagmamahal naming sa isa't isa. "Oops, Kyeonhi yung niluluto mo."

Kaya ngayon, Yoonhi ang ipinangalan ko sa anak namin--anak ko lang pala. Para kahit papaano naman ay may remembrace ako mula sakanya.




End of Flashback



'Yan, yan ang rason kung bakit hindi alam ni Suga na may anak siya. Kasi umalis siya at ngayon isa na siyang mayaman, sikat at maunlad na rapper at singer sa Korea. Okay lang naman din na di niya alam na may anak kami dahil baka ireject lang niya kami. Mas ok na ito. Tinutulungan naman ako nila kuya at Paula. Medyo ayos na kami ngayon. Nakakapag aral na ulit ako. Nakakuha kasi ng maayos na trabaho si kuya kahit under graduate siya. Isa siya ngayong secretary sa isang kumpanya kaya pati si Yoonhi nakakapag aral din.

"Nanay, ampon lang po ba ako? O 'di kaya naman alien?" tanong ng anak ko na may mga naluluhang mga mata. "Anong ampon at alien na sinasabi mo diya? Anak galling ka sa tyan ko okay? Kung alien ka, edi dapat alien din kami ni tito Kyeonji mo. Tsaka bakit mo naman natanong?" tanong ko sakanya. "Kasi po sabi nung babae sa school. Alien at ampon lang po ako kasi wala akong tatay. Nanay, may tatay po ba ako?" tanong niya. Aigoo, eto na nga ba ang kinakabahala ko eh, yung magtanong siya sa amin tungkol sa tatay niya. "Anak, may tatay ka. Sadyang hindi niya lang tayo kilala at wala na akong balak ipakilala ka sakanya". Matigas kong sabi sabay yakap ng mahigpit sakanya.

��  

[EDITED 160812]

Tatay SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon