Naglalakad na pauwi sila Kyeonhi dahil sobrang lapit nalang ng bahay nila mula doon sa parke. Habang naglalakad may nakitang malaking papel si Kyeonhi. Naka tupi ito kaya ang likuran na bahagi lang nito ang nakikita. Sa di nanaman malamang dahil ay may naguudyok kay Kyeonhi na kunin ito at dahil doon, pinulot niya ito. Nagulantang at nanlaki ang mga singkit na mata ni Kyeonhi sa napulot niya.
"'Yan, yang maputlang rapper na magilagid na yan ang tatay mo."
Sabi ni Kyeonhi sa anak niyang si Sugee habang turo-turo ang isang poster na napulot niya.
Dahil ang papel lang naman na pinulot niya ay isang poster ng tatay ni Sugee na kitang kita ang malulusog at makikinang nitong gums.
"grabe ka girl. Ganyan na pala dapat idescribe ang isang sikat na tao? At higit sa lahat ang tatay ng anak mo?" sabi ni Paula. Si Sugee naman ay hangga ngayon ay tulala parin. Di kasi pa kasi nagsi-sync in sa utak niya na tatay niya ang tinuro sa kanya ni Kyeonhi. "Oh, Sugee? Tulala ka diyan? Di ka naniniwala? Oh ayan oh. Ikumpara mo yung itsura mo sa kanya." Binigay naman ni Kyeonhi kay Sugee ang SELPON na may picture ni Sugee na may kaparehong pose ni Suga sa poster. Kinuha naman ni Sugee ang selpon at pinagmasdan niya ito at napatango nalang siya. "Nanay kailan ko po makakausap si Tatay? Teka, ano po pala ang pangalan ni tatay?" lumuhod ng bahagya si Kyeonhi at binuhat si Sugee. "Suga anak, Suga. Wag mo muna pagsasabi ha? Please anak." Yakap lang ang tanging natanggak ni Kyeonhi mula sa anak.
Umuwi ng may malaking ngiti sa labi si Sugee kasama sina Paula at Kyeonhi. Napansin ni Kyeonji ang napakalaking ngiti ni Sugee at litaw pa ang gums na mas lalong nagpasimangot kay Kyeonhi dahil sinabihan na naman siya ni Paula na kamukhang kamukha ni Suga ang kanyang anak at wala itong namana mula sa kanya. Eh sa totoo naman ehh, anong magagawa ni Kyeonhi doon? "Oh, bakit parang ang saya ng baby gums namin? At eto namang nanay niya ay todo busangot?" tumalon talon si Sugee at inilahad ang kanyang mga braso sa harap ni Kyeonji na para bang nagpapabuhat ito kaya binuhat si ni Kyeonji. "Tito Kyeonji, you know what? May tatay na po ako! Ang pangalan niya ay Tatay Suga! Yehey! Tito, he really looks like me." Si Sugee ay nage-engrish kay Kyeonji dahil........dahil wala lang, trip lang nila. Tinignan ni Kyeonji ang kapatid na may masayang tingin sa mata. "Totoo ba ito Kyeonhi?" tumango si Kyeonhi sa tanong ng kanyang kuya. "kailan mo naman siya balak ipakilala kay Suga?" tanong ni Paula na kasalukuyang nagdadasal na sana ay makilala na ni Suga ang anak nila ni Kyeonhi. Hindi man kadugo ni Paula ang bata ay nasasaktan parin siya tuwing nakikita niya kung paano maging malungkot si Sugee kapag nasasagi sa isip niyang wala siyang tatay.
Ngunit nabigo siya nang manatiling tahimik si Kyeonhi sa isang tabi.
^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^ ^
Timeskip guys. [A/N: ang hilig ko pong magtimeskip noh? Hahaha. That's layp.]
Bahay ng Bangtan. March 9, 2018. 6:39 a.m. Bertdey ni $UGA.
"Suga hyung! Happy swaeg day sayo at sa gilagid mo!" masayang sabi ni V pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ni Suga. Ngumiti ng bahagya si Suga kay V at pagkatapos ay binigyan ito ng matalim na tingin. "Pasalamat ka at birthday ko ngayon dahil papalampasin ko ang bwi-bwisit mo." At ngiti lang din ang isinukli ni V. Ang kasama naman ni Suga sa kwarto na si Jimin at mahimbing parin ang tulog sa kabilang kama. "ikaw pa lang ba ang gising?" tanong ni bertdey boy kay V. "Oo, hyung. Hinintay naming lahat ang hating gabi at sabay sabay kaming nagmeassge sayo ng happy birthday pero ang lalim talaga ng tulog mo at hindi ka nagising. Silang lahat ay puyat pa. Hyung, happy 26th birthday ulit!." Pasigaw at puno ng aegyo na sabi ni V at tumakbo na palabas ng kwarto. Napangiti nalang si Suga sa narinig at tinignan ang selpon niyang nakacharge. Pagkabukas palang ng lockscreen ay nagulantang na si Suga sa nakita. 39 Messages from Leader RM. 42 Messages from Jinnie Hyung. 309 Messages from Kookie. 93 Messages from Hope. 233 Messages from Chimchim. 497 Messages from Taetae. Binasa na niya ito isa isa at nagreply. 'di kaya sila naubusan ng load?' isip isip niya. 9 na ng umaga ng makabangon siya sa higaan at matapos mabasa lahat ng text nila sakanya. Nakita niya rin na may bumati sakanyang mga singer din at manager. At syempre ang mga magulang niya, kahit naman hindi nila sinusoportahan si Suga sa career niya ay syempre mahal parin nila ito.
Happy Birthday Suga Oppa!! Yiee.... 23 na siya! Hahaha.
BINABASA MO ANG
Tatay Suga
Fanfiction"Yan, yang maputlang rapper na magilagid na yan ang tatay mo." Sabi ni Kyeonhi sa anak niyang si Yoonhi habang turo-turo ang isang poster na napulot niya.