N I N E

132 8 0
                                    


[A/N: Guys pinalitan ko po yung pangalan ni Sugee. Siya na po ngayon si Yoonhi at ie-edit ko nalang po yung ibang chapters pag tapos na po ako sa pagpro-procrastinate. Thank you po ang bye~~~]





"Siya si Si Yoonhi. 6 years old. October 03, 2012. Blood type O. Tahimik. Alam ang bawal. Hindi nangungulit. May disiplina. Marunong makihalubolo sa tao. Magalang. Mapagmahal. Nirerespeto ang lahat. Mahilig magsuot ng kulay puti. Gustong gusto niyang nasa madidilim na lugar. Alergic sa mga lobster, shrimp at crab. Maganda ang boses. Matalino. Hindi nakikipag-away. Palakaibigan. At gwapo, habulin ng chiqx. At minsan siya rin, siya rin pa-chiqx" Pagkukwento ni Kyeonhi sa lahat. "At syempre si fafa Suga lang kamukha niya. Hahahahaha!" pangungutya ni Paula sa bestfriend. Tumawa din sila Kyeonji at ang BTS at ngumiti ng bahagya si Suga. Nakakandong parin si Yoonhi kay Suga ngayon pero hindi talaga komportable si Kyeonhi na wala sa tabi niya ang anak. "Dito Yoonhi. Tabi tayo ni nanay." Pag-aya ni Kyeonhi sa anak. Umiling naman si Yoonhi, halatang halata mo na gustong gusto niya ang tatay niya. "Aba't batang to! Nakakita kalang ng iba, ayaw mo na saakin. Bahala ka diyan. Si Paula nalang yung baby ko." Napasimangot naman si Yoonhi. Gusto kasi niya na siya lang ang baby ng nanay niya. May ibinulong siya kay Suga at tumanggo naman ito. Bimaba si Yoonhi sa kandungan ni Suga at kinalabit ang katabi niya na si J-hope. May ibinulong rin siya dito at ngumiti lang ito sa bata. Tumayo siya at naglakad silang dalawa ni Yoonhi papunta kay Kyeonhi. Hinila ng bahagya ni Yoonhi ang kamay ng naya niya at napatayo nadin si Kyeonhi ng walang kaalam alam. Bigla namang umupo si J-hope sa pwesto ni Kyeonhi. "Teka, saan tayo pupunta?" tanong ni Kyeonhi sa anak. Pinaupo na siya ni Yoonhi sa dating pwesto ni J-hope na katabi ni Suga. Bumalik naman sa kandungan ni Suga si Yoonhi. Nahiya tuloy si Kyeonhi dahil para lang syang yaya doon. "Aaaawwww. Ang cutie niyo namang tignan." Pangaasar ni Jin at Paula sakanila. Nagkasundo na nga si Jin at Paula dahil sa pareho nilang fave color ang FENK.










Lumipat ng lugar sila Kyeonhi, Yoonhi at Suga dahil kailangan daw nila pagusapan ang set-up nila kumbaga and they want it to be in private. Nuxx, ang conyo ng Author. Mabuti na nga lang eh mga matatanda lang ang nasa loob ng café at halata mo namang wala silang kaalam alam na may nakakasalamuha silang mga sikat. Napagpasyahan na rin nilang wag ng magpa-DNA dahil sa hindi mo talaga matatangi ang pagkakamukha nilang dalawa at sinabi nga ni Suga na may nangyari nga sakanila. "Bakit hindi mo sinabi saakin dati na buntis ka?" tanong Suga kay Kyeonhi. "Eh nasa Korea ka na eh. Anong magagawa ko? Hindi naman kami mayaman para puntahan ka sa Korea. Wala din naman akong selpon number mo." Pagpapaliwanag ni Kyeonhi. Napa-isip si Suga at tama nga naman si Kyeonhi. "At saka kung sinabi ko sayo noon, edi sana hindi magiging ganayn kasikat ngayon." Napaisip nanaman si Suga at muli, tama na naman si Kyeonhi. "Okay wag na nating pagusapan ito. So, paano tayo kay Yoonhi? Ako kahit anong oras lagi lang akong nandiyan dahil bakasyon namin to." Sabi ni Suga. "Ikaw na ang bahala. Basta marunong kang magbalik. Saamin parin titira si Yoonhi." Tumango si Suga sa sinabi ni Kyeonhi. Si Yoonhi naman ay tahimik na nakikinig sa usapan ng dalawa. Nalungkot siya bigla sa mga narinig. Masyadong matalino si Yoonhi kaya kahit sa murang edad alam na niya na hindi pa buo ang kanyang pamilya kahit kilala na niya ang tatay niya. "Nanay, tatay? Hindi po ba pwedeng tumira tayo ng magkakasama?" lungkot ang bumabalot kay Yoonhi sa bawat salitang sambitin niya. Nagtinginan sila Kyeonhi at Suga. "Anak diba alam mong sikat si Tatay Suga mo? Marami ang malulungkot kapag tumira tayo kasama niya." Pagpapaliwag ni Kyeonhi. Konting push pa at iiyak na talaga si Yoonhi. Nakaisip naman kaagad ng idea si Suga. "Yoonhi, titira kayo sa bahay ko, okay. Kayong dalawa ni Kyeonhi, pero sasabihin ko muna ito sa manager namin okay? Wag kanang umiyak, arraseo?" tumango si Yoonhi kahit hindi niya alam ang ibig sabihin ng 'Arraseo' kaya naisipan niyang itanong. "Tatay ano po ang ibig sabihin ng 'Arraseo'?"




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

160318




Tatay SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon