S E V E N

152 8 0
                                    


Nang makarating si Suga sa kusina, malakas na pagbati ang narinig niya mula sa kanyang mga pinaka malapit na kaibigan na walang iba kundi ang Bangtan. "Suga hyung, magcecelebrate tayo ng birthday mo sa labas, okay? At magsisimba muna tayo. Ah, siya nga pala hyung, yung mga regalo ng mga ARMY para sayo ay nasa Living room." Sabi ni Jungkook. Tumango ng may malaking ngiti si Suga. Masay siya ngayong araw dahil na apriciate niya lahat ng bumati at nagbigay ng regalo sa kanya. Kanya kanya namang takbuhan ang mga lalaki sa mga kwarto para maghanda na sa paglabas.







 

Samantala, para kay Kyeonhi isa lang ang araw na ito sa mag regular na sabado sa buhay niya. Ni hindi niya nga rin alam na birthday ni Suga ngayon eh. "Kyeon, ngayon na tayo magsimba ha? Pati narin family day. May importante daw na meeting bukas eh, kailangan daw ako ni sir. Okay lang ba?" kinuha ni Kyeonhi ang selpon niya sa bulsa at tinawagan si Paula."oo naman kuya. Tatanungin ko lang si Paula kung wala siyang gagawin ngayon." Laging kasama nila Kyeonhi si Paula sa kanilang family day dahil itinuring na sila nito na parang dugo't laman din niya. Mahal kasi nila ang isa't isa. Sila lang daw ang may poreber. Nakumpirma na ni Kyeonhi kung sasama si Paula at sasama nga daw siya. "Sugee maligo ka na. Ngayon na tayo magfa-family day nila tito mo okay? May work siya bukas eh." Sabi ni Kyeonhi habang hinihimas ng bahagya ang buhok ni Sugee. "opo nanay." At tumakbo na papuntang banyo si Sugee.







Nag punta sila Kyeonji sa isang maliit at tahimik na simbahan sa medyo liblib na lugar ng Paranaque gamit ang...aherm...bagong kotse ni Kyeonji na galing sa boss niya. Isang 'Company Car' kumbaga. Pero sadyang mayaman at walang magawa sa limpak limpak na salapi ang boss ni Kyeonji at binigay niya ito kay Kyeonji na pang personal na gamit. Dito sila laging nagsisimba. Sa likod kasi ng simbahan na ito ay ang simenteryo kung saan nakalibing ang mga magulang nila. Noong nasa loob na sila ng simbahan, may namataan na kakaiba si Kyeonji at Paula na talagang kapunapuna at si Kyeonhi naman ay..........wala lang. Medyo wala kasi siyang pakialam sa mundo at tanging pagbabantay kay Sugee ang focus niya. Anyways, ang napuna nila Kyeonji at Paula ay may pitong lalaking sa pagkakaalam nila ay sobrang sikat at nakilala nila ang iba tulad ni Namjoon at..............................................................Yoongi o mas kilala bilang Suga. Nagbigay ng alanganing tingin si Paula kay Kyeonji at natiyak naman ni Kyeonji kung ano ang gustong iparating ni Paula. Ibig sabihin pwede nilang gamitin ang pagkakataong ito para makilala ni Sugee ang tatay niya. Ayaw naman nilang pangunahan si Kyeonhi eh. Kaso lang naubusan na sila ng pasensya sa ating bida. Sila na daw ang kikilos. Naglalakad na sana palabas ang Bangtan dahil tapos na ang misa ngunit gumana ang acting skills ni Paula at nagkunwari siyang natapilok sa tabi nila. Nagmagandang loob naman ang pito at tinulungan siya. Kinuha na ni Kyeonji ang pagkakataon at tumakbo siya kasama si Sugee sa Bangtan at hinabol naman sila ni Kyeonhi kahit hindi niya alam kung bakit sila tumatakbo. "Yoongi!" sigaw ni Kyeonji habang hinihingal. Tumingin naman ang lahat kay Kyeonji at pag sinabi kong lahat ay ang Bangtan, si Kyeonhi, si Paula at ang mga sakristan at mga naglilinis sa simbahan dahil sila nalang ang natira doon. Nanlaki ang mata ng Bangtan sa nakita. Kinalabit ni Jungkook si Jin at Rap Mon at sinabing siya ang batang nakita nila sa mall. Si Suga naman ay tulala dahil sa nakita. Isispin mo, may makikita kang bata na kamukhang kamukha mo, ano ang magiging reaksyon mo? "Uy, kuya Kyeonji. Ang tagal nating hindi nagkita. At ikaw din Kyeonhi." Bati ni RM sa magkapatid. Ngumiti ang magkapatid kay RM. "Sikat ka na ngayon ah? Kumusta ka na pala at ang ate mo?" pangongomusta ni Kyeonji kay RM at sa ate niya. "Ayun si ate, doktor na. Ako rapper sa korea. Anyway kuya, anak mo ba siya?" tanong ni RM at sigurado naman tayo na si Sugee ang tinutukoy niya. Alangan naman si Paula eh, ano? "Ah, hinde anak siya ni Kyeonhi."Kasalukuyang buhat buhat ni Kyeonji si Sugee ng bigla itong nagpababa. Tumakbo siya bigla kay Suga at bigla niya itong niyakap. Lahat sila ay nagulat maliban nalang sa mga sakristan at naglilinis na walang kaalam alam sa kung ano ang nangyayari. "Tatay Suga." Yan ang huling salita na lumabas sa munting bibig ni Sugee bago siya tuluyang umiyak.







^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^


Happy Birthday ulit Suga Oppa! Nyehehehehe. Double Update. At baka maging Triple pa. Hahahaha.

Tatay SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon