F O U R

175 9 0
                                    



Nang magising na si Kyeonhi ay agad niyang namataan ang sulat na ginawa ni Kyeonji. Binasa niya ito at nagmuni muni. "Hay, opo kuya. Ipapakilala ko na kung sino ang tatay niya." Pagkausap ni Kyeonhi sa kuya niya kahit wala naman ito. "Good morning nanay! Sino po kausap ninyo?" sabi sa kanya ni Sugee at binigyan ng matamis na halik sa pisngi ang kanyang nanay. "Sugee, gusto mo bang......uhm...makilala kung sino ang tatay mo?" nagaalangang tanong ni Kyeonhi sa anak."ipapakilala niyo po ako sa tatay ko? Totoo ba nanay? Makakasama na po ba natin siya? Ano po ang itsura niya? Ilang taon nap o ba siya? Saan po siya nakatira? Tara po puntahan na natin siya." Excited at tuloy tuloy na sabi ni Sugee. "Anak wag kang OA. Sabi ko ipapakilala ko lang sayo ang tatay mo. Pero sorry talaga, kasi hindi PA kita ipapakilala sa kanya. Pero sa susunod na 'yun okay?" biglang lumungkot ang mukha ni Sugee dahil sa narinig."Ganito, hindi na muna tayo papasok pareho, okay? Magbobonding muna tayo. Matagal na kasi nung huli tayong lumabas at mag bonding. Hahahaha. Ligo na dali." At naligo naman si Sugee habang nagluluto ng agahan si Kyeonhi. Tinawagan din ni Kyeonhi si Paula para kasama siyang gumala. Nang maka kain na sila ng almusal ay pinapanuod muna ni Kyeonhi si Sugee ng T.V at siya naman ang naligo. Saktong natapos maligo at mag ayos si Kyeonhi nung dumating si Paula. "Oh tara na! anong hinihintay ninyo, yung mall ang pumunta dito? Gora na! Naku Kyeonhi sayang ang pag absent ko sa trabho kung sandali lang tayo makakagala. Ang tagal na nating hindi nagsho-shopping kaya let's go! Kaja!" masiglang sabi ni Paula sa best friend. At umalis na nga sila ng tuluyan.

TIMESKIP ULIT ^_^

Sa mall. Sa Jollibee, specifically.

"Anak gusto mo ba ng Chicken Joy o Burger Steak?" tila nag iisip naman ng mabuti si Sugee kung ano ang kakainin niya at biglang sumigaw o kung sumigaw nga ang tawag doon sa hina ng boses niya. "Chicken po nanay!" Tumango naman si Kyeonhi at sinabi ang order ng anak sa cashier. "Anak gusto mo ba ng laruan?" tanong ni Kyeonhi sa anak. Umiling naman kaagad si Sugee at sinabing, "nanay, may mga laruan pa po ako sa bahay. Sayang lang po sa pera kung bibili tayo ng bago. Bili nalang po tayo ng mga gamit na may silbi kesa sa laruan." Oh diba? Ang talino ni Sugee. Tularan si Sugee. "ang galling naman talaga ng anak ko!" proud na proud na sabi ni Kyeonhi sa bata at pumunta na sa table nila ni Paula kasama si Sugee an gang kanilang pagkain.

Samantala, ang BTS ay nasa parehong mall din at dahil mapaglaro ang imahinasyon ko—este ang tadhana pala eh nasa tapat sila ng Jollibee.

Kaso nga lang at may isang magandang shop ng mga damit sa harap ng Jollibeemat napang pasyahan nila na dumaan muna doon. Ngunit hindi na kay nila Jungkook at Jimin ang gutom kaya napagpasyahan nila na mauna na sa Jollibee na napagkasunduan nilang kainan. Dahil sa gutom di na namalayan ni Jungkook na may nabangga na pala siyang bata. "Ay, sorry." Sabi ni Jungkook sa bata at tinulungan itong tumayo. Meron ding isang babae ang tumulong kay Sugee at alam naman nating si Kyeonhi iyon pero syempre hindi alam ni Jungkook na anak ni Kyeonhi ang na bangga niya. 'woot woot. Ang sexy ni miss,' isip isip ni Jungkook. Nahimasmasan lang si Jungkook mula sa kanayang pagpapantasya sa babaeng nasa harap niya nung magsalita ito. "Anak anong sasabihin mo kay kuya?" Tanong ni Kyeonhi sa anak. "Magsosory po ako nanay. Sorry po kuya." At nagulantang siya sa sagot ng bata. Bigla naman siyang napatingin sa bata at natigilan. 'bakit, bakit kamukha niya si Suga hyung?' tanong ni Jungkook sa sarili. "Ah wala yun pogi. Kasalanan ko rin naman. Ate anak mop o?" tanggo lang ang isisnagot ni Kyeonhi. "Ahm pwedi po bang magtanong?" tanong ni Jungkook. "Oo naman." Sabi ni Kyeonhi. Hindi pa alam ni Kyeonhi na kasama pala si Jungkook at ang katabi niyang si Jimin sa BTS kaya akala niya mga simpleng tao lang ito. Pati si Paula hindi rin napansin dahil parehong nakaface mask ang dalawang singer. "Ano po ang pangalan ninyo at ng anak niyo?" tanong ni Jungkook."Ah pangalan ba? Ako si Kyeonhi at siya si Sugee. Sige ha, una na kami." Pagpapaalam ni Kyeonhi at tulyan na silang umalis.








Tatay SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon