F I V E

174 8 0
                                    


Kinalabit Jungkook ang tulalang Jimin sa tabi niya. Pareho silang dalawa ng iniisip, 'Possible bang anak ni Suga hyung si Sugee?' Naka pasok na rin ang iba sa jollibee at pinagalitan ang dalawa dahil hindi pa daw sila nakaorder. Kasalanan ba nila na nakita nila si Sugee at mula noon hindi na sila mapakali? Pilit iniisip ni Jungkook na sadyang kamuka lang ni Suga ang bata pero si Jimin, sa di malamang dahilan ay naitatak na isip niya na anak ni Suga ang nakita nila. Nagsisisi din si Jungkook kung bakit di niya na tanong kung asan ang tatay ni Sugee. "kayong dalawa, kanina pa kayo parang wala sa sarili. Kayo ung gutom na gutom kanian tapos ngayon di niyo man ginalaw ung pagkain niyo." Sabi ni J-hope habang tinuturo sina Jungkook at Jimini gamit ang dalawang mahabang fries. "Teka, CR lang ako." Pagpapaalam ni Suga. Nagkatinginan naman sina Jungkook at Jimin at tila ba naguusap sila gamit ang mga mata at napagkasunduan nilang sabihin sa mga mas nakakatanda kung ano ang nakita nila kanina. "mga hyung, may sasabihin kami ni Jimin hyung." Seryosong sabi ni Jungkook. "Ano? Maglalantad na ba kayo ni Jimin? Live in kayo no? Saan mo siya binahay? Ha? Sagutin mo ako Jungkook." Sabi naman ni J-hope. "hyung seryoso kami dito. At anong live in live in pinagsasabi mo diyan? Sa iisang bahay lang kaya tayong lahat nakatira at isa pa, anong maglalantad? Sa pogi kong ito, satingin mo bakla ako?" sabi ni Jimin."Pogi daw oh sabi ng pangpitong visual ng Bangtan. Hahahaha." Inawat na ni Jungkook ang dalawa dahil baka hindi na nila masbi ang dapat sbhin dahil baka bumalik na si Suga. "oh Jungkook, ano na?" inip na sabi ni Rap Mon. "kanina nung papasok na kami dito ay may nabangga akong bata." "oh, tapos." Pag sabat naman ni V sa nagsasalita. "teka lang ok? Patapusin niyo muna ako bago kayo mag-react. Tapos nung napatingin ako sa kanya ay parang nakakita ako ng child version ni Suga hyung. Talagang kopyang kopya. Gawin mo lang green yung buhok nung bata sobrang kamukha na niya si hyung. Ta eto pa ang pangalan nung bata ay Sugee. Oh diba? Tapos yung nanay siguro mas bata lang ng dalawang taon kay hyung at ang pangalan ay Kyeonhi." Napatingin naman si Rap Mon sa nagsasalita na si Jungkook. "teka may kilala akong Kyeonhi. Kapit bahay namin siya dati. Dumating pa ata siya nung birthday ko dati eh. Maganda, di gaanong matangkad, manipis ang labi, ganon ba yung nakita niyo? Kaso hindi ko alam kung may anak na yon eh." Sabi ni Rap mon. Nagkatinginan din ulit sina Jungkook at Jimin at sabay na tumango. At nakita nila na pabalik na si Suga kaya bumalik narin sila sa pagkain.




Sina Kyeonhi naman ay nasa isang playground ngayon. Si Sugee ay nakikipag laro sa mga bata, si Paula naman ay may kausap sa kanyang SELPON. Opo, SELPON. Pilipino tayo eh. At si Kyeonhi naman ay binabantayan si Sugee. Narinig ni Kyeonhi ang pianguusapan ng mga kalaro ni Sugee at bigla siyang napasimangot sa narinig. "uy Sugee, asaan ang nanay mo?" sabi ni Kalaro 1. Tinuro naman ni Sugee ang nanay niya. "eh yung tatay mo?" sabi ni Kalaro 2. "wala akong tatay." Malungkot na sabi ni Sugee. "huh? Wala kang tatay? Paano ka nagawa? O kaya siguro bayaran yung nanay mo kaya hindi alam kung sino ang tatay mo? Or pwede ring ayaw sa inyo ng tatay mo? Hahahahaha!" sabi ng yaya ni Kalaro 1. Tumulo na ang mga mga luhang kinaiinisan ni Sugee. Dali dali namang tumakbo si Kyeonhi sa anak at binuhat palayo sa mga kalaro. Hindi na niya ininda ang bulong ng mga nadadaanan nila. 'sanay na ako. Pinagbubuntis ko palang ang anak ko ginaganayan na nila ako. Okay lang na sabihan nila ako ng ganyan wag lang ang anak ko. Dahil mas dumodoble ang sakit.' Sabi ni Kyeonhi sa kanayang isip. Nakita ni Paula ang nangwari kaya sumunod nalang siya sa mag-ina.


Tatay SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon