Prologue version 2.0

22 9 0
                                    

Prologue Version 2.0

The Quadro Queens.



Sila ang tinaguriang queen dahil sa kanilang taglay na galing. Magaling kumanta, magaling sumayaw, magaling magpinta, magaling mamintas, magaling mambadtrip, magaling mang-away, lahat na word na may kasabay na magaling nasa kanila na ang lahat. Matalino, maganda, sexy, habulin ng lalake. Pero what if bigla na lang naglaro ang tadhana at sila pa talaga ang pinaglaruan?

Ang galing talaga nina kupido at tadhana. Sarap batukan. Akalain mo yun, pagsabay-sabayin daw ba silang matrap sa iisang lugar, pero hindi sila magkakasama ha. Iba ang kasama nila. Same hour, same date and same place pa. San ka pa?

Victoria Ariane Justice, ang babaeng sobrang kulit at dahil sa sobrang kulit nito hindi ka na makapagtimpi pa at itapon ito sa Ilog Pasig at hayaang malunod at makain ng buwaya.

Victori Riane Justice, ang kakambal ni Victoria. Magkaibang-magkaiba sila, kung si Toria ay makulit si Tori naman ay mabait, maganda, at sexy. Sa kanilang apat, si Tori ang biniyayaang magkaroon ng talino. Well lahat naman sila biniyayaan, pero mas biniyayaan talaga si Tori kesa sa kanila.

Victoni Anne Justice, ang kakambal din nina Toria at Tori. Si Toni ay maingay, sobrang ingay. Makabasag pinggan ito pag kasama mo. Kung pwede lang sana isungalngal mo na ang unan sa bibig niya ay pwede mo ng gawin, matahimil lang siya pati buhay mo.

Victopi Raine Justice, sa kanilang apat siya ang may naiibang second name. Wala na kasing makuha sa Anne na pangalan kaya Raine na lang. Kung si Toni ay makabasag pinggan, si Topi naman ay hindi makabasag pinggan. Sa sobrang kahinhinan at kabaitan nito, naaabuso. Kaya todo protect sila kay Topi.

Sa istoryang ito, matutunghayan niyo ang kwento ng mga Justice sisters, matutunghayan niyo sila kung paano umiyak, masaktan, magmahal, at magsampalan.

At hindi lang yan!

May pa-twist-twist pang nalalaman ang eskwelahan nila. May mission silang kailangang gawin, at para magtagumpay sila sa misyong iyon ay dapat silang sumunod sa apat na mga aroganteng lalakeng babantayan nila.

Will these girls complete their task?

Well, let yourselves find out and start reading.

The Quadro Queens (On-Hiatus And Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon