Chapter 2

19 8 0
                                    

Chapter 2: Mall

Tori's POV

"You fix this right now, Toria. Mom is calling me nonstop, even Tita!", kabadong utos ni Storm kay Toria habang pinapatay ang cellphone.

"Oh, please it was just nothing! You know me," nakangising ani Toria habang kumakain ng ice cream dito sa isang cafe shop.

"But our Moms don't! They see you as an Angel but in truth, mas demonyo ka pa sa demonyo!", Toni exclaimed, she looks worried right now as well.

Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba? Our Moms were raised to be a girls' girl. Bago kami gisahin, lalake muna ang kukwestiyunin nila. And it's already happening.

"Kaninong kasalanan?", Toria leaned in while placing a hand on her ear as though wanting someone to whisper in them. "It's not my fault, obviously," she irritatingly teased before grabbing a piece of fries from the tray on the table.

"Can't you just call Tita and explain everything to her?", naiinis na ani Storm.

Umarko ang kilay ni Toria. "Why should I? Aren't you big enough to explain yourself to our parents? Naduduwag ka? Ano na lang ang sasabihin ng future wife mo kung hindi mo kayang depensahan ang sarili mo?"

Hinila ko ang hibla ng buhok ng kakambal kong pagka-sutil bago hinarap si Storm na namumula na sa inis. "I've already explained everything to them, cousin. Gusto lang siguro marinig ng Mommy mo mula sa bibig mo kung totoo ba ang kalokohan ni Toria," I nodded to his phone vibrating inside his pocket. "You should answer their call."

Mistulang nakahinga ng maluwag si Storm nang magliwanag ang kanyang mga mata at agad tumayo. Pero bago siya umalis ay nagparinig muna ito.

"Buti pa si Ate Tori may pakinabang, 'di katulad ng isa diyan."

Malamang hindi magpapatalo si Toria, dakilang patolera eh.

"Kawawa naman ang isa diyan, kailangan sagipin ng babae para maligtas," sabay irap nito at kumuha pa ng isang pirasong fries.

Kakainin na sana niya ang fries pero hinablot ito ni Storm. Agad binalingan ni Toria ang nakababatang pinsan at akmang hahampasin nito ang likod, pero nakalayo na ang damuho.

"You're gonna need a lot of energy as soon as we go home later," pahayag ni Topi.

Toria sighed. "I know. Sino ba kasi ang nag-video sa atin ng walang pahintulot? Nag-viral tuloy. But I'm ready to call my lawyer this instant."

"Gaga, tigil-tigilan mo kasi ang pagiging loka-loka para hindi ka napapahamak," ani Toni sabay sipsip sa straw ng frappe niya.

"Dad will be so enraged if this video reaches him," panakot ko kay Toria.

Our dear twin sister stopped talking and stared blankly at her ice cream cup as she continued eating our fries. Nagmistulang zombie siya sa harap namin, tulala at tanging mga kamay at bibig lang ang gumagalaw.

Mahina akong natawa dahil mukhang nam-mroblema na siya sa kung anong sasabihin kay Mommy mamaya, or sa explanation na dapat hindi magpapainit ng ulo ni Daddy.

The four of us know, galitin mo na ang lahat 'wag lang ang head ng family. Tarnish your own image but if you stain the family name, goodbye inheritance.

"Inuubos mo na ang fries namin!", reklamo ni Toni.

"Wala ka ngang naiambag kundi puro kalokohan tapos kain ka ng kain," dagdag ko.

Toria's hand stopped and she looked at us. "Ako ang nagbabayad ng pagkain niyo most of the times, pero nagiging madamot na kayo pag ako na ang nanghihingi? This is so freaking unbelievable! Gusto ko ng isaksak itong tray sa mga patay-gutom niyong ngala-ngala," drama ni Toria. "Wait-- no. Kailangan ko ng hustisya! I need Justice!", sigaw niya.

The Quadro Queens (On-Hiatus And Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon