Chapter 1

21 9 1
                                    

Chapter 1: The Cutting
January 29

A week before the incident...

Topi's POV

Nandito kami ngayon sa canteen, kumakain. Si Toria kinukulit si Toni, si Tori naman naga-update sa wattpad niya. Lahat sila busy, ako lang ang hindi.

Hindi naman kasi ako mahilig sa gadgets, kaya pinanonood ko na lang sila. Mahilig ako sa libro, madami ako nun sa bahay namin. Kaya lang may nagtago ng mga ito, at alam kong si Toria ang salarin.

Okay lang 'yon sakin, alam ko naman kasi kung saan niya tinatago mga libro ko.

"Bilis na kasi Toni! Ibigay mo na sakin!", biglang reklamo ni Toria.

"Ang kulit mo! Kanina ka pa!", inis na sigaw ni Toni.

"Ibigay mo na kasi sakin yung My Melody kong underwear!"

Nagulat ako sa sinabi ni Toria. Tinakpan ko ang bibig niya at napatingin ako sa paligid. Lahat ng tao ay sa kanya nakatingin ngayon.

"Toria tumigil ka nga! Hinaan mo boses mo, nakakahiya ka," pabulong kong sigaw, natataranta sa katangahan niya.

Napatingin naman siya sa paligid namin. Akala ko ay makakaramdam siya ng konsensya pero tinanggal niya lang ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya at inirapan ako.

"Wala akong pake! Bilis na kasi Toni! Ibigay mo na kasi!"

Hay naku, Toria talaga. Ang kulit kahit kelan. I sighed at umiling sa kanya. Wala na siguro akong magagawa para baguhin ang kakambal kong ito, siguro the best way to make her learn and teach her how to be a decent woman, is to let her be. Maybe matututunan din niya ang mga pagkakamaling ginagawa niya ngayon.

"Toni!", tili ni Toria.

"Ano ba Toria! Para kang bata!"

Tiningnan ko ang mga taong naandito. Lahat sila napatakip sa tenga.

"Ibigay mo na kasi!", tili ulit ni Toria.

Ganyan si Toria, makulit, childish, at higit sa lahat maingay. Sa sobrang ingay niya gusto na lang namin busalan ang bibig.

"Toni ibigay mo na," galit na po ang aming ate Tori, magkasalubong na ang mga kilay habang nagtitipa sa cellphone. Naiistorbo kasi ang pag-a-update niya.

Inirapan ni Toni si Toria. "Oh, eto na," sabay abot sa panty na kinuha niya sa loob ng kanyang bag.

"Yes! Topi halika dito," nakangising hinablot ni Toria ang panty at sinenyasan akong lumapit.

Lumapit naman ako sa kanya kahit na nagtataka sa gusto niyang mangyari. May kinuha siya sa kanyang bag at ibinigay sa akin.

Makapal at mahabang tela?

"Anong gagawin ko dito?", nagtatakang tanong ko.

Hindi siya sumagot at kinalabit na lang ang dalawang kambal namin. "Tori at Toni, alam niyo na," she said.

Tumayo ang dalawa at kinuha ang makapal na telang hawak ko.

Pinalibutan nila si Toria habang hawak sa magkabilang dulo ang tela, at ang kinalabasan ay nagmukha siyang kurtina na tumatakip sa buong katawan niya.

Tinulungan ko sila sa paghawak at sinilip ko kung anong ginagawa ni Toria sa loob.

O__O

"Toria anong ginagawa mo!?", pabulong kong tanong.

"Nagpapanty bakit?", malakas pa naman ang boses nito kapag nagsasalita.

"Bakit dito pa?! Atsaka, pumasok ka bang hindi naka-underwear!? Ba't hindi mo na lang gawin yan sa powder room!?"

The Quadro Queens (On-Hiatus And Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon