Kumapit at humila...
2016
Sianna's PoV"Sa relasyong ikaw nalang ang lumalaban, ikaw nalang ang nagsasakripisyo, ikaw nalang ang nagpapahalaga sa relasyon nyo, ikaw nalang ang nag-eeffort, pagpapatuloy mo pa ba? Kapag mahal ka nya ngayon, hindi ibig sabihin na mahal ka din nya bukas. Alam mo kung bakit? Kasi ang pag-ibig ngayon parang cake, within 3-5 days, expired na. Kaya bakit ka pa kakapit at hihila sa 'lubid' ng relasyon nyo, kung wala naman sya sa kabilang side para kumapit at humila?" Habang hawak ko ang fresh orange juice na gawa ni nanay ay napatango-tango ako sa sinabi ni DJ Pong.
Agad kong nilingon si CJ na kanina pa pala nakatingin sa'kin.
"Narinig mo yung sinabi ni DJ Pong, babe? Ang pag-ibig parang cake, within 3-5 days, expired na. Pero sorry nalang sila, kasi 6 days na tayo, pero di pa nag-eexpire! Haha." Ngiti lang ang tinugon nya. Agad namang napakunot ang noo ko.
He acts strange.
"Alam mo babe? Feeling ko talaga, ikaw na eh. Ikaw na yung magiging asawa ko, magiging tatay ng mga anak ko, the one that I'll spend my life with."
"Ah." Mas lalong kumunot ang noo ko. Talaga bang kung hindi no response sya, ay monosyllabic naman ang mga sagot nya? Pero, pinalagpas ko. Baka may iniisip lang.
Walang isang oras ang nakalipas ay nagpaalam na syang uuwi na dahil dumidilim na din.
"Ingat ka! Love you!" Habol ko sa kanya. Hindi sumagot. Napasimangot ako. Pero, pinalagpas ko ulit. Baka mamaya'y gusto na nya talagang makauwi kaya't nagmadali syang makaalis. Oo tama! Yun nga yun! Wag ka nang ano dyan, Sia.
Kahit na puno ng pagtatampo at konting inis ay pinilit ko paring matulog pagkatapos maghapunan.
Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Sino na naman kaya 'yang istorbong 'yan? Tsk.
"O?" Medyo pupungas-pungas ko pang sabi habang kinukusot ang mga mata ko.
"Babe..." Isang malambing na boses ang nagpagising sa natutulog ko pang kaluluwa.
"Yes babe?" Di ko maiwasan ang mapangiti.
"Sorry kanina... I'm just s-----"
"No, babe. It's okay. Definitely okay." Habang hawak ng kanang kamay ko ang telepono ay unti-unting napunta ang kaliwang kamay ko sa bandang dibdib ko, sa kadahilanang kanina pa kumakabog ng pagkabilis-bilis ang bagay na nasa loob nito. Puso ko.
"Are you free tomorrow?"
"I'll always find time to be with you."
"Oh. That's sweet." Narinig ko syang tumawa nang mahina.
"So, I'll pick you up tomorro-wait-I mean-later, kasi 3am na nga pala. Haha." Pati ako ay napapatawa na rin ng mahina habang naririnig ko ang tawa nya. Ganon siguro talaga kapag mahal mo yung taong kausap o kasama mo. Lahat ng nararamdaman nya, mararamdaman mo din. Lahat ng gusto nya, gugusto mo din. Lahat ng kaaway nya, kaaway mo na din. Love is magical, isn't it?
"Okay. So, mamaya? Anong oras ba, babe?"
"Around 8 o'clock. Dinner, babe." Napatango-tango ako.
"Ah, sige babe." Pagtapos non ay nagpaalam na kami sa isa't isa para matulog ulit.
Di ko tuloy maitago ang ngiti ko pagkagising ko.
Mabilis na tumakbo ang oras at bigla ko nalang namalayan na 7 o'clock na pala. Nag-project making kasi kami kanina sa bahay nila Cheska, kaya di ko namalayan na ginabi na pala kami.

BINABASA MO ANG
Hearts can still be wrong (S)
Teen FictionSianna Lee Jimenez, a second year college student. In life, she considers that she has it all. But, there comes this "playboy" named CJ Ramirez who's strangely courting her. She knew CJ well and just like any other playboy does, she assumed that CJ...